Monica's POV
"Ano yun, huh? Bakit hindi mo sinabi samin na nanliligaw pala sayo yung Keith na yun?"
Ang bilis talagang kumalat ng mga issue.
Wala pa ring tigil sa pagsasatsat itong si Chloe. Parang nanay ko siya kung grabe makasigaw eh.
"Eh sasabihin ko na nga sana sa inyo eh kaya lang naunahan niyo na ako." Sabi ko.
"Kapag hindi ka namin naunahan dahil sa nangyari kanina dun sa park at sa ginawa ni Keith sayo, sasabihin mo ba samin?" Sabi ni Chloe.
"Oo. Pero....."
"No buts, Monica. Ngayong alam na namin na nililigawan ka ni Keith, dapat din namin siyang kilalanin pa, alam mo naman na gangster yun, ang bilis mang iwan ng mga babae. Kukunin lang nila ang puso ng mga babae tapos iiwan din nila. Ayaw naming matulad ka dun." Sabi ni Chloe.
Ang sweet ni Chloe. Nag aalala talaga siya sakin. What friends are for? Kung magdadamayan lang at mag aalala sa isa't- isa.
"Alam ko naman yun eh. Nanliligaw pa nga lang eh, grabe na agad kayo makareact. Kung makareact kayo parang sinagot ko na si Keith." Sabi ko sakanila.
"Eh nagulat lang kami eh. Inaasar asar ka pa nun tapos liligawan ka na niya agad? Ano yun? Mabilisan? Baka may balak yang Keith na yan ah." Sabi ni Chloe.
Palaging si Chloe ang nagdadadaldal, si Mika naman tahimik lang na nakikinig samin.
"Yun nga eh, baka meron nga pero hindi naman siguro." Sabi ko.
"Nasasabi mo yan kasi hindi mo pa naranasan na mainlove, maloko at masaktan."
Oo, hindi ko pa nga naranasan na mainlove pero sa puso ko, alam ko na makikinig lang ako sa mga tibok niya.
"Oh ano? Sasagutin mo ba siya?" Tanong ni Mika.
Nagsalita na din si Mika.
"Ewan ko. I don't know. Hindi ko alam. Bahala na." Sabi ko.
"What? Ano ba talaga? So may balak ka ngang sagutin siya?"
"Hindi ko nga alam." Sabi ko.
Oo , may balak akong sagutin siya. DAHIL MAHAL KO SI KEITH.
"Haist ang gulo mo, Monica. Basta tatandaan mo, kilalanin niyo muna ang tao bago mo siya sagutin. Baka hindi mo alam, may binabalak nang masama yun sayo o di kaya'y may iniisip ng hindi maganda yun sayo. Hala ka!" Sabi ni Chloe.
Parang kinakabahan na ako sa sinasabi ni Chloe sakin. Magaling talaga siya. Magaling siyang manakot ay este mag advice.
"Tama na nga yan Chloe. Tinatakot mo ko eh. Wag na nga nating isipin yun. Basta alam niyo na na manliligaw ko ang nag iisang leader ng The Gangsters dito." Sabi ko.
"Pero nakakakilig yung ginawa niya kanina." Sabi ni Chloe.
"Oo nga! Waaaah! Swerte mo talaga Monica! Sana magiging ganun din si Justine ko!" Sabi naman ni Mika.
"ASA ka day! Tignan natin kung manonotice ka ni Justine." Sabi ni Chloe sa insan niya.
Nag asaran nalang ang dalawa.
"Oh ano? Payag na kayo na liligawan ako ni Keith?" Tanong ko sakanila.
Nagtitinginan nalang sila.
"OO NA!" Sabay nilang sigaw.
Oh diba? Papayag din sila? Ano bang masama kung may manliligaw ka? Anong masama kung ang isang gangster ay manligaw sa isang hamak na school girl na katulad ko?
![](https://img.wattpad.com/cover/126122862-288-k303080.jpg)
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Novela JuvenilAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...