💠Chapter 80: Sorry💠

609 19 0
                                    

Keith's POV

Mabuti nalang nakita ko kaagad si Monica dito sa isang madilim at walang katao tao na lugar. Parang gubat.

Bakit siya napunta dito?

Hindi ko din alam tong lugar na toh. Napadaan lang ako dito dahil narinig ko si Monica na sumisigaw ng tulong. Hindi pamilyar sakin tong lugar na toh.

Yakap yakap at magkasama kami ngayon ni Monica dito sa lugar na toh.

Kitang kita sa mga mata niya na natatakot siya. Nakikita ko din ang mga mata niya na namumula dahil sa umiyak siya. Iyak na may halong takot.

"Okay ka lang?" Tanong ko sakanya.

"Oo. Okay lang ako." Sagot niya at umalis sa yakap.

"Akala ko may nangyari nang masama sayo! Bakit ka napunta dito?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Umiiyak ako, hindi ko napansin na napunta na ako dito sa liblib na lugar na toh." Sabi niya.

"Sige. Ang importante, nandito na ako! Hindi kita pababayaan." Sabi ko habang yakap yakap si Monica at dinadamayan siya.

Tahimik lang kami ni Monica at hindi naguusap. Umupo muna kami sa damuhan.

Dapat ko na ngang sabihin sa kanya ang lahat. It is the right time.

"Kung gusto mo kong sampalin, gawin mo. Kung gusto mo kong itaboy, gawin mo. Kung gusto mo kong saktan, gawin mo, tatanggapin ko." Binasag ko naman ang katahimikan.

Tahimik pa rin siya na nakayuko at naglalaro ng mga damo.

"Saktan mo ko. Deserve ko naman eh. Kung ano man ang gawin mo sakin, okay lang sakin. Basta mapatunayan ko sayo na hindi ko magagawang lokohin ka." Sabi ko sakanya.

"Hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon, Keith. Yung nakita ko kanina, ang sakit sakit nun. Hindi mo man lang sinabi sakin na magkakilala pala kayo ni Diana na itinuring kong kaibigan. Sabihin mo sakin lahat." Kalmadong sabi niya.

"I'm sorry to tell you this Monica but Diana is my ex girlfriend."

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Ano?"

"Yes. She's my ex girlfriend. Hindi ko alam kung kailan siya bumalik pero alam ko kung bakit siya bumalik dito. Bumalik siya dito para paghiwalayin tayo. Bumalik siya dito para ayusin ang arranged marriage namin."

Napatayo na lang bigla si Monica habang namamaga pa ang mga mata niya.

"Ano? Arranged marriage? Anong pakulo na naman yang Dianang yan? Guguluhin niya ba tayo, ganun ba yun?"

"Parang ganun na nga. Kaya yung kanina nag usap kami tungkol dun, sinabi ko sakanya na hindi ko na siya mahal at hindi ko siya papakasalan. Hindi pa din siya titigil sa mga binabalak niya. Gusto niya kaming magpakasal dahil yun ang napagkasunduan ng parents niya at ni Mommy."

"Eh bakit ka niya hinalikan kanina at ano ang binabalak niya? Tanong niya.

"Ginawa niya yun dahil mahal niya pa ako. At ang binabalak niya, she use you to be her close friend para mapalapit siya sakin at para makuha niya ako sayo. Mabuti nalang, naunahan ko na siya kanina. Kaya nalaman ko na ang binabalak niya para hindi ka na niya saktan." Pagpapaliwanag ko sakanya.

"Napakasama pala ng ugali ng Dianang yun. Alam ko na plastik lang lahat ng ginawa niyang mabuti sakin, nung hinatid niya ako sa bahay, plastik lang pala lahat yun!" Inis na sabi ni Monica.

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now