Monica's POV
Napagising ako sa sikat ng araw at may ngiti sa mukha. This is the day. Ito na ang araw na magsisimula na kami sa pagpapractice ng cheerleading squad at meron namang mga bagong kakilala.
Dumeretso na agad ako sa banyo para maligo. After 10 mins na pagliligo ay nag ayos naman ako at bumaba na para kumain.
Nadatnan ko sina Mommy and Daddy na kumakain na ng almusal.
"Good Morning Mommy. Good Morning Daddy. Ang aga niyo po ah? May lakad po ba kayo?" Tanong ko at sabay upo sa upuan ko para kumain.
"Good Morning din Anak. Alam mo naman maraming ginagawa sa office at kailangan na naming tapusin yun." Sabi ni Mommy at uminom naman siya ng tubig matapos niyang kumain. Kumain ba si Daddy? Ang bilis kasi eh. Tanggap ko na na palagi silang nagpapaoffice. Sanay na ako.
"Iiwan ko sayo ngayon ang kotse mo. Hindi ko muna dadalhin alam kong matagal ka na ring hindi nagkokotse." Sabi ni Daddy. Yes ang saya ng umaga ko kasi mapapasakin na ulit ang kotse na matagal ko ding hindi ginagamit.
"Thanks Dad." Sagot ko at binigay naman sakin ni Dad ang susi ng kotse. Matapos kong kumain ay lumabas naman ako ng bahay at sumakay na sa driver's seat ng kotse ko at umalis na.
*beeeep! beeep!*
Grabe! Walang tigil ang pagbubusina ko dahil sa sobrang traffic. Aaarrgh yun pa na excited ka na ngang pumasok tapos traffc pa? Bwesit!
Sa wakas ay nakarating na din sa school. Muntik na nga akong malate eh mabuti nalang pinapasok pa ako ni Manong Guard. Eh sa 3 mins nalang bago mag bell eh. Nasalubong ko kasi si Manong Guard sa guard house kaya ipinatigil niya ako saglit.
Pagkapasok ko sa school ay meron na namang mga students na nag aabang sa gate. Haist ayan na naman sila.
Hinayaan ko nalang ang mga students dun tutal yung mga gangster lang naman ang inaabangan nila eh.
"MONICA!!" Napalingon naman ako sa sumigaw at nakita ko naman si Chloe na may kasamang babae. Lumapit naman sila sa akin.
"Oh Chloe? Bakit?" Tanong ko.
"Auh wala naman. May ipapakilala lang ako sayo." Sabi naman niya at tinignan ko naman ang babaeng ipapakilala niya sakin.
Ang ganda nitong babae na ito. Parang artista, maputi, mukhang mayaman at matangkad. Matangkad pa nga siya kaysa kay Chloe eh (sorry bes!)
"Meet Mikaela Audrey Dela Vega, cousin ko. Mika, meet Monica, my bestfriend." Pagpapakilala naman samin ni Chloe.
Inilahad naman ni Mika ang kanyang kamay sakin at nakipagshake hands naman ako sakanya. Mukhang mabait tong pinsan ni Chloe ah?
"Good, friends na kayo. Nandito si Mika para magtransfer dito sa school natin. Galing siya sa ibang school. Kaya dapat natin siyang itour dito sa school." Sabi ni Chloe. Ngumiti lang sakin si Mika.
"Auh .... okay! Sige." Sabi ko. Lumiwanag naman ang mata ni Chloe lalo na si Mika.
Parang mabait to at parang magiging close ko tong pinsan ni Chloe na si Mika.
"Thank you, Monica. Sana maging close tayo katulad nang pagkaclose niyo ni insan." Wew insan talaga ang tawagan nila eh. Eh si Ash nga hindi ko matawag tawag na kahit anong name diyan eh.
Matanong nga si Mika kung ilang taon na siya. Part kaya iyon ng pakikipagkilala, diba?
"Auh Mika? Ilang taon ka na pala? Saan ka galing na school?" Grabe makatanong eh parang sa isang bata ka lang nagtatanong.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Novela JuvenilAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...