💠Chapter 92: Its Done!💠

971 14 1
                                    


Monica's POV

Pagkadating na pagkadating namin sa hospital ay sinugod agad namin sa emergency room si Keith.

"Boyfriend ko! Wag kang bumitaw!!" Naiiyak kong sabi kay Keith.

"Maam, hanggang dito nalang po muna kayo, bawal po kayong pumasok sa loob. Kami na pong bahala sakanya." Sabi ng Doctor samin at ipinasok si Keith sa E.R.

"Iligtas niyo po ang boyfriend ko Doc! Gawin niyo po ang lahat para maligtas siya." Habol na sabi ko sa Doctor.

Umupo nalang muna kami sa may upuan sa labas ng E.R. Dinadamayan naman ako nina Chloe at Mika.

"Bes, tahan na! Mabubuhay si Keith magiging okay din siya!" Sabi sakin ni Mika.

"Monica! Sorry dahil hindi kayo namin natulungan, tumawag kasi kami ng pulis eh. Tama nga si Mika, magiging okay din si Keith. Mabubuhay ang kapatid ko." Sabi sakin ni Greg. Alam na pala ni Greg at Keith na magkapatid sila sa tatay pero ewan ko lang kung magkabati pa sila. Sana nga paggising ni Keith magiging okay na sila ng kapatid niya.

"Kasalanan ko toh. Kasalanan ko dahil napahamak si Keith. Kasalanan ko dahil siya ang nasa ER ngayon, dapat ako ang nasa posisyon niya ngayon kung hindi niya sinakripisyo ang buhay niya para sakin. Kung hindi niya sinalo ang bala na para sakin." Iyak kong sabi.

"Monica, wala kang kasalanan. Kasalanan nitong lahat ni Diana. Wag mong isisi sa sarili mo ang nangyari." Sabi ni Chloe.

"Tama si Chloe, Monica. Wala kang kasalanan, si Diana lahat ang may pakana nito." Sabi ni Cedric.

Kaming lima lang ang nandito sa labas ng ER. Ako, Chloe, Mika, Cedric, at Greg. Si Justine ginagamot pa sa OR dahil sa natamo niyang sugat.

"Kamusta si Keith?" Biglang dating ni Justine na may bandage sa mukha.

"Hindi pa namin alam. Mabuti nalang ligtas ka, Honey!" Sabi ni Mika kay Justine at niyakap ito.

"Sana nga okay na si Keith. Teka, bati na tayo?" Tanong ni Justine.

Nagulat naman si Mika at biglang umalis sa pagkakayakap kay Justine.

Naghintay muna kami ng ilang oras. Halos isang oras na kaming naghihintay dito. Teka, anong oras na pala? Wala akong phone at relo eh.

"Chloe, anong oras na?" Tanong ko.

"2:07 Am Bes. Madaling araw." Sabi niya.

So, madaling araw na? Haist baka nag aalala na si Mommy sakin.

"Nag aalala na si Mommy sakin. Pakitawagan mo naman siya Chloe oh." Sabi ko sakanya.

"Sige." Sabi niya at umalis muna para tawagan si Mommy.

"Alam na ba ng Mommy ni Keith toh? Natawagan niyo ba siya? Baka nag aalala na yun." Sabi ko kina Justine at Cedric.

"Oo kanina." Sabi ni Cedric.

"Where's my son? Where's Keith?" Nagulat nalang ako ng dumating si Tita Karen na tumatakbo papunta samin.

"Tita!" Sabi nila.

"Nasa ER na po siya Tita." Sabi ni Justine.

"Jusko. Sana okay si Keith."

"Monica, how are you? Are you okay? Alam ko ang nangyari, sinabi sakin ni Cedric. Napakasama talaga yang Dianang yun. Noon palang, wala na akong tiwala dun." Sabi ni Tita Karen at lumapit sakin, at niyakap ako.

"Ayos lang po ako Tita. Si Keith po, hindi okay." Sabi ko.

"Magiging okay din siya, Iha. Siguro nasabi na sayo ni Keith ang lahat. Pasensya na kung pumayag ako na magpakasal sila ni Diana. Ang totoo niyan, matagal nang ganyan ang ugali ni Diana mula pa nung ipinakilala siya ni Keith sakin na girlfriend niya."

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now