💠Chapter 78: After The Game💠

581 12 0
                                    


Mika's POV


Saan na ba si Monica? Bat bigla nalang siyang umalis? At bakit parang nawalan ng gana sa paglalaro si Keith niya? Hindi na naglaro si Keith, sa 2nd game nalang daw siya.


Tinuunan ko nalang ng pansin si Justine.


Naka 1 point na siya kanina, unang game palang.


Sumigaw kasi ako sakanya na kapag naka three points shoot siya, sasagutin ko na siya.


Totoo yun noh.


Eto namang katabi kong si Chloe, ang ingay ingay din. Lahat gagawin niya para lang makatili kay Cedric.


Mabuti pa ako, sigaw lang at relax relax.


"Tapos na ba ang first game?" Tanong ni Monica na kakadating lang.


"Oo bago lang. Saan ka ba galing, huh?"


"Sa banyo. Nakalaro ba si Keith?" Tanong niya.


"Hindi. Sa 2nd game lang daw siya at 3rd game, ano bang nangyari?" Tanong ko.


"Nakita mo ba yung babaeng kanina diyan sa taas na pa sigaw ng sigaw kay Keith?"


Tinignan ko naman ang sinasabi niya.


Kanina ko din kasi rinig na rinig ang mga tili niya eh. Puro si Keith.


"Hindi ko siya nakita pero rinig na rinig ko talaga na si Keith lang ang tinitilian niya. Bakit?" Sabi ko.


"Auh ganun ba? Nevermind nalang. Nacucurious lang ako." Sabi niya.


"Okay. Bakit natigilan bigla si Keith kanina?"


"Ewan ko nga eh. Uy! Nakapoints si Justine oh." What? Hindi ko man lang nakita.


Nagtanong pa kasi ako eh, yan tuloy, 2 points na agad si Justine. 1 point nalang, kami na! Wahahaha.


3points kasi gusto ko dahil I love You. Wala lang, gusto ko lang.


Balak ko naman talagang sagutin siya ngayon eh. Naghahanap lang ako ng right time at exact place kung saan ko sasabihin.


"Wooooh 1 point nalang, kayo na ni Insan! Woooh!" Sigaw ni Chloe.


Sige, sigaw pa Chloe! Nandyan lang naman sa taas ang mga fans ni Justine.


"Ano ba yan! Umupo ka nga!" Reklamo ng babaeng nasa likod ni Chloe.


"Huy umupo ka daw." Saway sakanya ni Monica.


Umupo naman siya.


"Sorry po! Hindi ko lang kasi matiis na naka ilang shoot yung boyfriend ko eh." Sabi ni Chloe.


Nag time out muna at bigla namang pumasok si Keith sa 2nd game. Panalo kami sa 1st game.


"Waaaah!" Mas lalong nagtilian ng pumasok si Keith.


Wag nga kayong ano! May girlfriend na yan, at ang girlfriend niya, katabi ko!! Mga impostor! Char. Ako pa talaga ang nagagalit, parang ako ang girlfriend eh.


But soon, magiging girlfriend na ako. Magiging girlfriend na ako ni Justine. Ang serious look gangster sa grupo.


Nakashoot naman ulit si Cedric at Keith.


The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now