Monica's POV
Saan ba nagpunta si Chloe? Sabi niya, hahanapin niya si Cedric, tapos saan na siya? Bakit hindi pa siya bumabalik dito sa room?
Kanina pa namin siya tinatawagan ni Mika pero hindi siya sumasagot.
Halos isang oras na talaga, wala pa siya. Natataranta na kami ni Mika.
Hindi naman pwedeng uuwi yun kasi nandito ang bag niya at alam niya na may pasok pa.
Habang wala pa ang teacher ay hindi kami mapakali ni Mika.
"Saan na ba nagpunta yung bruhang yun?" Tanong ni Mika.
"Tinext mo ba siya?"
"Oo tapos na pero hindi din siya nagrereply. Ikaw ba, tinawagan mo?" Tanong ni Mika.
"Ganun din. Hindi din siya sumasagot." Sabi ko.
"Kapag may mangyari dun, lagot ako kay Tita nito." Hindi mapakaling sabi ni Mika.
Lumabas kami ni Mika para hanapin si Chloe. Wala pa naman ang teacher namin eh.
*riiing!*
Tumunog naman ang phone ko.
"Baka si Chloe na toh." Sabi ko at binilisang kunin ang phone sa bulsa ko.
"Ay hindi. Si Keith pala. Hello boyfriend ko?" Sabi ko sa kabilang linya.
[Girlfriend ko, nandyan na ba yung mga kaibigan ko? Sabihin mo sakanila, malelate muna ako sa practice mamaya. Hindi ko kasi sila makontak eh.]
Tinignan ko naman kung nandyan ang mga kaibigan niya. Si Justine lang naman ang nakita ko ah? Saan si Cedric?
"Si Justine lang yung nandito. Hindi ko alam kung saan si Cedric." Sabi ko.
[Huh? Eh nandyan ba bag niya?]
"Oo." Sabi ko.
[Sabi niya sakin, nauna na daw siyang pumasok. Eh saan siya? Sige, sige, tatawagan ko nalang siya. Bye girlfriend ko. I love you.] Sabi niya.
"I love you too boyfriend ko. Bye." Sabi ko at ibinaba ang phone ko.
Wala si Chloe. Wala din si Cedric?
It means, magkasama sila? Wooh! Tama.
"Anong sabi ng boyfriend mo?" Tanong ni Mika.
"Parang alam ko na kung bakit wala pa si Chloe." Sabi ko.
"Huh? Ano?"
"Wala si Chloe. Wala din si Cedric. So, imposible na magkasama silang dalawa? Diba nga hinahanap ni Chloe si Cedric kaya siya lumabas? At diba nga gusto din ni Chloe na magkausap sila? So imposible nga." Sabi ko.
Ang talino ko talaga. Joke.
"Oo nga nuh? Magkasama kaya sila, eh ang tanong, nasan sila?"
"Yan ang hindi ko alam." Sabi ko.
"Oh, nandiyan na pala siya eh. Ay sila pala." Sabi ni Mika at tumingin naman ako kina Chloe at Cedric na parang hingal na hingal at pawis na pawis.
Anong ginawa nila?
"Chloe! Bakit ngayon ka lang? At anong nangyari sayo, sainyo?" Tanong ko.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Novela JuvenilAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...