💠Chapter 61: Good Bye💠

774 16 0
                                    


Monica's POV


"Salamat dito sa mga binili mo samin ah, binili mo talaga kung ano ang mga gusto namin. Thank you Bes." Sabi sakin ni Chloe.


"Thanks dito sa damit Bes. I love it." Sabi naman ni Mika.


"Kayo pa. You're always welcome. Para naman matigil na ang kakulitan niyo. Ayan, binili ko na ang mga gusto niyo." Sabi ko sakanila.


"You're so sweet Bes. Haha oy by the way, may practice tayo mamaya sa cheerdance." Sabi ni Mika.


"Talaga? Namiss ko rin yun ah pero wala akong dalang damit eh." Sabi ko.


"It's okay. Meron ako dito extra, papahiramin kita."


"Thank you Bes." Sabi ko.


"Another by the way, kwento na dali." Sabi bigla ni Chloe.


"Ano naman ang ikekwento ko sa inyo?" Tanong ko.


"Duh diba sabi mo ikekwento mo samin yung nangyari sa Tagaytay at kung bakit nandun yung dalawa? Sina Greg at Keith? Duh makakalimutin ka na Bes."


Ay oo nga pala. Panahon na din para sabihin ko sakanila.


"Sorry."


"So, ano na?" -Chloe


"Ayun si Greg pala ang anak ng business partner ni Mommy na kasama din namin sa Tagaytay. Umamin siya sakin na gusto niya ako. Okay lang naman ang Tagaytay kaya lang may biglang nangyari." Sabi ko.


"Waaaaah talaga oh ano sagot mo?" Tiling tanong ni Chloe.


"Pero kaibigan lang talaga ang turing ko sakanya." Bigla namang lumungkot ang mukha nila.


"Gwapo naman si Greg pero hindi mo siya gusto?" Tanong ni Mika.


"Gusto pero dati pa yun."


"Hindi ka man lang nagsasabi, may gusto ka pala kay Greg? Tss."


"Pero panandalian lang yun. Nawala agad." Sabi ko.


"Sayang naman. Hindi mo nakita kung ano ang nararamdaman ni Greg nung malaman niya na hindi mo siya gusto. Panigurado, malungkot yun ngayon. Hindi ko na siya nakikita dito ah." Sabi ni Chloe.


"Ako rin. Pero bakit ba hindi mo na siya gusto? Wag mong sabihing may iba kang gusto?" Tanong naman ni Mika.


"Hindi naman sa ganun pero parang meron nga." Sabi ko.


"Ang gulo. Naguguluhan ako. Ano ba talaga ang nangyari sa Tagaytay? Ano at bakit nandun din si Keith?" Sabi ni Chloe.


"Biglang dumating si Keith sa Tagaytay. Hindi ko siya sinabihan na pupunta siya ah, kusa talaga siyang pumunta dun. At pagkatapos nun, nagsuntukan sila ni Greg."


Napalaki naman ang mga mata nila.


"WHAT? BAKIT SIYA NANDUN? AT BAKIT NIYA SINUNTOK SI GREG?" Sigaw ni Chloe sabay tayo.


"Wag ka ngang maingay. Bwesit. Sasabihin ko sainyo basta wag kayong maingay, wag kayong sumigaw, at wag na wag niyo sasabihin sa lahat ang sasabihin ko sainyo. Hindi ko din alam basta nung nakita kami ni Keith na nag uusap ni Greg, bigla siyang lumapit at sinuntok si Greg." Sabi ko.


"Hindi parin talaga ako makapaniwala. Ano nga yun? At bakit nga?"








"KASI KAMI NA NI KEITH." Bulong kong sabi sakanila.




The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now