💠Chapter 13: Gangster's House (Part 2)💠

1.6K 49 0
                                    


Monica's POV

"IT MIGHT BE YOU!" Ang ganda nga ng pinili niyang song ah? Sa dinami dami ng kantang kakantahin namin, yung sad song pa! May pinag daanan siguro tong mokong na toh?

"Bakit yun yung pinili mong kanta? Bakit sad song pa?" Nagtataka kong tanong.

"Its none of your business. Pwede ba wag ka nang maraming tanong?" Nagtatanong lang naman eh. Ang sungit! Daig pa ang nanay mo kung magalit!

Kahit na! Wala parin talagang kwentang kausap tong kulokoy na toh. Eveeeerr -______-

*bluuuuurp!* Haist. Tumutunog na ang tiyan ko! Hindi kasi ako kumain kanina sa bahay eh. Nagmamadali na kasi ang kasama ko.

Tanungin ko kaya siya kung may pagkain sila dito? But nakakahiya sa kanya, hindi ko toh bahay para bigla bigla nalang nangunguha ng pagkain dito.

*bluuuurp!* Pero hindi ko na talaga mapigilang hindi kumain. Tumutunog na ang tiyan ko sa gutom!

"Hoy mokong! May pagkain kayo dito?" Tanong ko habang nahihiya.

"Can you just stop calling me that bullsh*t word, pwede ba? Nagtatanong ka na nga kung may pagkain kami dito, WALA! Bumili ka sa labas!" Sabi naman niya. Ang suuuuungit! Aaarrgh! Eh hind ba siya gentle men? Hindi niya naman ipinapakain ang bisita niya.

Pero parang may point siya. Ako na nga pumunta sa bahay nila, ako pa ang may ganang tawagin siya ng nakakalait na wor like MOKONG!

"PAANO AKO BIBILI NG PAGKAIN KUNG WALA AKONG PERA?" Sigaw ko sakanya.

"Problema ko pa ba yun? Kasalanan mo yan, pumupunta ka sa bahay ko na walang dalang pera!" Ano bang dapat gawin sa isang lalaking kanina pang beastmode at nakakunot ang noo? Kung bahay ko lang toh edi sana naitulak ko na siya palabas! Pero wala akong karapatan.

"Tsss!" Buti pa, hahanapin ko ang ref nila dito! Baka sakali meron man lang akong makitang pagkain dito.

Pumunta ako sa kusina nila at binuksan ang ref nila. Nakakahiya man pero nagugutom na talaga ako eh! Siguro wala namang makakakita sakin dito.

Binuksan ko naman ang ref at nakita kong andaming pagkain. Parang kakagrocery lang. WALA PALA AH? Saan yung walang pagkain dito? Parang takot siyang maubusan ng pagkain eh, andami kaya nito.

Kumuha ako ng isang tupperware at nilagyan ng pasta na nakita ko sa loob ng ref nila. Umupo na muna ako sa lamesa nila.

Susubo na sana ako ng -------------

"SINONG NAGSABI SAYO NA PWEDE KANG KUMUHA DIYAN?" Sigaw niya at kinuha naman niya agad ang tupperware na may lamang pasta. Ang sarap na sanang sumubo! Panira lang talaga tong lalaking toh.

"PASENSYA NA! GUTOM LANG PO! PARANG TAKOT MAUBUSAN NG PAGKAIN SA REF NILA EH SA SUSUNOD NA ARAW KAPAG HINDI KAKAININ, MAPAPANIS DIN NAMAN!" Sigaw ko. Matagal na kong nagtitimpi sa lalaking toh ah.

"Kahit na! Wala ka paring karapatan na kumuha dito nang hindi ka nagpapaalam sa may ari." Sabi niya. Ano pa bang gusto niya? Magpapaalam pa ako eh nagpaalam naman ako kanina sa kanya pero hindi niya naman ako pinayagan. Ang weird niya ah.

"Alam mo matagal na akong nagtitimpi sayong mokong ka! Nung una tayong nagkita, hindi ka man lang nagsorry sakin. Nung pangalawa naman ay hindi ka pa rin nag sorry sa ginawa mong pagtama sakin ng bola. Ano naman ang susunod? Hindi ka pa rin magsosorry sakin?"

The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now