Monica's POV
Waaaaaah! Ano bang nangyayari sakin? Inlove na ba ako? Ano ba tong nararamdaman ko? Crush lang naman yun eh. Mabait siya, gwapo, matulungin, masipag at matalino.
Kagaya siya ng batang lalaking tumulong sakin nung inaapi ako ng mga bata non sa park.
Bakit ako nagkakaganito? First time ko kasi magkaroon ng first love eh.Kanina pa ako naglalakad dito sa hallway palabas ng school. Gabi na din kasi at kailangan ko nang umuwi.
Anong ginawa ko? Inutusan lang naman ako ni Maam Angeles pagkatapos kong maglinis ng classroom, inutusan niya kaagad ako na kunin ang mga libro niya sa guidance office, kunin ang mga reviewer niya sa storage room at ibuksan ng susi ang sasakyan niya.
Diba, ang dami! Sa sobrang dami, naabutan ako ng gabi.
Salamat naman sa Diyos at natapos na rin ang inutos sakin ni Maam at pwede na rin akong umuwi.
"Oh Iha, bakit nandito ka pa?" Tanong sakin ni Kuya Guard.
"Sorry po Kuya Guard, inutusan pa po kasi ako ni Maam Angeles eh, sorry po ulit." Sabi ko at lumabas.
"Sige. Diretso agad sa bahay, wag nang magpapagabi pa. Ingat ka diyan, Iha." Uy concern sakin si Kuya Guard. Ano ko ba siya, tatay o kuya? Makasabi eh! Pero salamat Manong for your concern.
"Salamat Kuya. Sige po." Kayo rin po, mag ingat din po kayo, baka mapasukan ang school ng mangnanakaw, mag ingat po kayo! Malamang, hindi ko sinabi yan noh baka ano pang sabihin ni Kuya.
Nagmaneho nalang ako nang makuha ko na sa parking lot ang kotse ko.
HOUSE
"Yes!"
"Oo, sasabihin ko sa kanya!"
"Kailan ba?"
"Oh sige, sige, bye!"
Rinig na rinig ko na kaagad ang sinasabi ni Mommy sa kausap niya sa telepono pagkadating ko ng bahay.
Sino kaya yun? Si Tito Chad ba o cliente niya?
"Good evening Mom." Bati ko.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya.
"May inutos lang po sakin ng napakadami sa school po kaya ako gabi umuwi" Paliwanag ko. Totoo naman yun.
"Auh okay." Yan ang gusto ko kay Mommy eh, kahit anong paliwanag ko, okay lang ang sasabihin niya.
"Anong ulam, Mom?" Sabi ko at pumunta sa kusina.
Wala kasing trabaho ngayon si Mom, kaninang umaga lang. Half day lang siya sa trabaho niya. Sinabi niya sakin kaninang umaga.
"Oh I forgot, nagluto ako ng paborito mong adobong manok." Halos napalaki ang tenga at mata ko sa narinig ko. Waaaaaah! Adobo, my favorite.
"Mukhang masarap Mom ah. Sige nga, matikman ko." Kumuha naman ako ng pinggan, kutsara at tinidor at inilapag sa mesa. Kumuha naman ako ng sandok para matikman ko muna ang adobo kung masarap ba o hindi.
Taster na ako ngayon.
Wow! Ang saraaaaaaaaaap!
"Ano? Masarap?" Anong nakain ni Mommy bakit siya nagluto ng napakasarap? Bored ba siya? o gusto niya lang talaga akong lutuan?
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
أدب المراهقينAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...