Monica's POV
Paano niya nagawa sakin toh? Bakit ko siya nakitang may kahalikan na babae?
Parang dinurog ang puso ko kanina. Parang sasabog.
Nakita mo ba naman ang boyfriend mo na may kahalikan na babae sa harap mo.
Pero ang babaeng yun ay kilalang kilala ko.
Tinuring ko siyang kaibigan. Pumayag ako na maging magkaibigan kami tapos nakita kong plastik lang pala ang lahat ng yun? Nakita kong nilalandi niya ang boyfriend ko?
Ang sakit eh. Hindi ko alam kung ano pa ang masasabi ko kay Keith kundi galit at hinanakit ko sakanya, sa nakita ko kanina.
"Monica!! Let me explain first...." Hinahabol pa rin ako ni Keith palabas ng locker room nila.
Ayaw ko muna siyang kausapin. Ayaw ko muna siyang pansinin. Iiwasan ko muna siya para sa ganung paraan na yun, mawawala na din ang sakit na nararamdaman ko at para makalimutan ko na din ang nangyari.
Naramdaman kong hinawakan ako ni Keith sa braso.
"Monica, please!" Sabi niya.
Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya o haharapin dahil sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.
"Keith, please! Kailangan ko munang mapag isa." Sabi ko sakanya at akmang aalis na pero bigla niya akong niyakap.
Keith naman eh! Nasasaktan na nga ako eh, tapos magpapakilig ka pa?
Wag kang aapekto, Monica! Galit ka sakanya. Wag mo siyang kausapin. Sinaktan ka niya.
"Bitiwan mo ko, Keith!" Sigaw ko pero hindi niya pa din ako binibitawan.
Ano pa bang gusto niya? Patawarin ko siya matapos niya akong saktan?
"Girlfriend ko, please naman oh! Kausapin moko. Yung nakita mo, hindi totoo yun----" Sabi niya pero sumagot agad ako.
Sabi ngang wag mo siyang kausapin eh!! Huhuhu!!!
"Anong hindi totoo dun, Keith? Yung hinalikan ka ni Diana? Yun ba yun? Totoo yung nakita ko Keith, nakita mismo ng dalawa kong mga mata. Ano ang hindi totoo dun, huh?" Sabi ko sakanya habang walang tigil sa pagtulo ang luha ko.
"I'm sorry. Si Diana ang humalik sakin. May tiwala ka naman sakin diba, girlfriend ko? Sana masabi ko sayo lahat lahat, girlfriend ko." Sabi niya.
"I'm sorry din pero layuan mo muna ako Keith. Wala ka na dapat pang sabihin sakin kasi sapat na yung nakita ko kanina. Kailangan ko lang talagang mapag isa." Sabi ko at tumakbo habang hindi pa siya nagsasalita.
"Girlfriend ko-------" Hindi ko na siya pinansin at tumakbo na lang ako ng tumakbo. Ewan ko kung saan ako pupunta ngayon. Ewan ko kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.
Basta gusto ko munang mapag isa at makapag isip isip.
Mika' s POV
Finally, nasabi ko na din kay Justine. Sinagot ko na siya. Kami na. Hindi ko na kailangang mainggit sa mga kaibigan ko na may mga jowa dahil I have a serious look gangster boyfriend.
Kinikilig ako.
Kanina pa kami dito sa labas ng gate, hinihintay namin ang dalawang couple na sina Monica at Keith.
Sabi kasi ni Monica, pupuntahan niya daw si Keith sa locker room nila pero bakit wala pa sila? Sila na lang kasi hinihintay para icelebrate namin ang pagkapanalo nina Justine.
"Wala paba sila Keith?" Tanong ni Chloe.
"Wala pa nga eh. Saan na ba ang dalawang yun? Alam niyo, sila lang talaga ang palaging nahuhuli sating magbabarkada eh." Sabi ko.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Fiksi RemajaAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...