Monica's POV
It's Saturday na naman. Magjojogging na naman ako pampatanggal stress at pampadiet.
"Ya, una na po ako." Sabi ko at binitbit lahat ng gamit ko sa pagjojogging.
Hindi ko na narinig pang nagsalita si Yaya baka kasi nasa kusina siya. Hindi ko nalang iyon pinansin at lumabas nalang ako ng bahay.
Ang sarap magjogging ngayon. Ang sarap ng hangin, ang ganda ng sikat ng araw at ang ganda ng panahon.
Feel the fresh air, Monica!
Nagsimula na ako magjogging palibot ng subdibisyon namin.
Saan kaya bahay ni Greg? Sabi ng kapatid niya, malapit lang daw sa amin.
Iniisip ko na naman si Greg.
*beeeeep! beeeep!*
AY GREG! Ano ba naman yan! Nanggugulat nalang bigla tong driver ng sasakyang toh! Sobrang lakas pa ng busina niya at malapit pa talaga sa tenga ko ah.
Teka, anong sinabi ko?
"ANO BANG PROBLEMA MO?" Sabi ko sabay hampas ng kotse niya sabay sipa at hampas ulit.
"SH*T! WHAT THE? --------------" Bumaba naman ang lalaki.
O_____________O?
Sh*t din! MOKONG?
"Tssss sa lahat nalang ba, ikaw talaga ang palagi kong nasasalubong?" Sabi ko.
"Ano rin ang problema mo na hampasin mo ang kotse ko?" Sabi niya.
Parang masisira ang araw ko nito ah! Kanina, relax lang akong nagjojogging tapos nung dumating toh, nasira na!
"IKAW ANG PROBLEMA KO! MABUTI NGA, MUKHA NAMANG LUMA YANG KOTSE MO EH!" Asar ko.
"Anong sabi mo? Ito, luma?"
"Narinig mo naman siguro ang sinabi ko diba? Oo, luma yan! LUMA!" Mas lalo pa siyang naasar at nahampas niya tuloy ang kotse niya.
"Ouch! Pati kotse mo, hinahampas mo! Masakit yan!"
"Can you please shut up?" Ayan na naman ang "Can you please shut up" word niya, nagbabalik na!
"Bat ba ang sungit mo?" Tanong niya.
Hindi naman ako masungit ah? Sa kanya, oo, pero sa iba, hindi noh! Nagsusungit lang ako kapag mag sumisira sa araw ko! At ito na nga yun!
Bakit ba palagi kaming nagaaway nito? Dahil lang ba sa isang sorry nung una naming pagkikita? O dahil lang sa halik?
WAAAAAAAAAAH! Parang mababaliw ako kapag iniisip ko yun! Inagaw niya ang FIRST KISS KO!!!
"Bat din ba ang suplado mo?"
"I'm just asking you and your answer is a question, too? Weird mo." At ako pa ang weird! Sino bang unang bumusina ng kotse, diba siya? So siya ang weird. Bwesit!
"F*CK! AAAAAARGHH! MY CAR! KABAGO BAGO PA NAMAN NITO EH, MASISIRA NA AGAD!" Rinig kong sigaw niya.
"Mayaman ka naman eh, bakit hindi ka bumili ng bago? " Asar ko.
"This is your fault Angry Bird. Kasalanan mo toh kung bakit nawasak ang front ng car ko." Ano daw? Angry Bird? Diba cartoon yun? Kasalanan niya rin naman eh, nahampas niya din ang kotse niya dahil sa inis.
YOU ARE READING
The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)
Teen FictionAno kayang mararamdaman mo kapag may bigla nalang umagaw ng first kiss mo? Ano kayang mararamdaman mo kung ang umagaw ng first kiss mo ay isang GANGSTER? TGWSMFK ( ON GOING ) by junellacious ©Allrightsreserved. Date Started: November 5, 2017 Date En...