💠Chapter 42: About Friends💠

1K 22 1
                                    


Monica's POV


"Ok class. I will announce now who is passed in the exam." Sabi ni Maam samin at tumahimik ang lahat sa kani kanilang ginagawa.


"Yes! Sana makapasa ako!"


"Ako din! Grabe pa naman ang pag aaral ko para lang makakuha ng highest score sa exam."


Yan ang naririnig kong pag uusap ng iba kong kaklase.


"Okay. Isa lang ang nakapasa sa inyo." Talaga? Panigurado, hindi ako yun.


"Sino kaya yung nakapasa satin? Baka si Hillary, o si Faye!" Sabi ng kaklase ko.


Baka nga sina Hillary o si Faye ang nakapasa.


"Sino po Maam?" Tanong nila.


"Ang nakapasa sa exam ay si...."


Pabitin pa si Maam eh pwede niya ring ideretso nalang.


Nag aabang ang lahat sa susunod na sasabihin ni Maam.


"Ay si Ms. Monica Azarcon. Congratulations Ms. Azarcon. Very good. Perfect score."


Wohho! Si Ms. Azarcon pala.



O__________________O




ANO DAW? AKO? NAKAPASA AKO?


Wala namang ibang Azarcon dito, kundi ako lang?


Ibig sabihin, ako lang ang nakapasa?


"Whoooo congrats bes" - Chloe.


"Congrats Bes. Patreat ka mamaya, huh?" - Mika.


"WHAT? BAKIT SIYA? Okay pa sana kung si Hillary or si Faye eh, bakit siya pa?" Rinig kong bulong ng kaklase ko sa likod, si Gab.


"Oo nga eh. Sa dami dami ng matatalino dito, bakit siya pa ang nakapasa? Kairita eh."


Nakita kong masasama lang ang tingin ng iba kong kaklase. Yung iba naman nagpapalakpakan.


Pero hindi talaga ako makapaniwala eh! Naka perfect score ako sa exam? First time to huh? Pero masaya ako. Tiyak matutuwa ang parents ko dito.


"Congrats Monica." Bati sakin ni Hillary. Ganun din si Faye na nasa likuran ko.


Hindi ko nalang sila pinansin at nakinig nalang ako sa teacher namin na kakasimula nang mag lesson.


*****


"Sige na Monica tutal nakapasa ka naman sa exam, bakit hindi mo kami itetreat?" Pangungulit sakin ni Mika.


Ang totoo niyan, kanina pa nila ako kinukulit na ililibre ko daw sila ngayon dahil nakapasa daw ako sa exam.


Nakapasa lang, ililibre na agad? Parang birthday ko lang huh?


"Tss sige na, sige na! Wala naman akong magagawa sa inyo eh! Alam kong hindi niyo pa rin titigilan eh." Sabi ko sa kanila.


Wala na rin akong choice kundi pumayag. Ngayon lang naman toh eh, wala na bukas.


"Yehey! You're the best, Monica! Let's go!" May pa youre the best, youre the best pa si Chloe.


Hinila nalang nila ako papunta sa canteen.


The Gangster Who Stole My First Kiss (COMPLETED)Where stories live. Discover now