Estero ang tawag sa tulay na nilalakaran ko ngayon.Bukod sa mabaho ang amoy ng tubig sa kanal,madami pang tambak na basura.Kaya naman kapag bumabagyo dito sa Abad Santos,isa ang lugar namin sa paboritong bahain.Umaga pa lang,madami ng batang nagkalat sa lansangan.
Papunta ako sa labasan para mangutang ng sardinas sa tindahan ni aling Sita.Sila kasi ang may pinaka malaking tindahan dito sa Abad Santos at utangan ng mga mahihirap na kagaya namin dito.At dahil sa looban ang bahay namin,wala akong choice kundi araw araw langhapin ang mabahong amoy ng estero pag papasok at lalabas ako ng looban.
"Aling Sita,nagpapakuha daw po si tatay muna ng dalawang lata ng sardinas at saka kamatis at sibuyas.Mamaya na lang daw pong pag sweldo nya idadaan ang bayad._AKO.Biyuda at may dalawang anak na switik at tamad si Aling Sita.
"Sally,Aba'y tanghali kana yata nagising?Kanina pang madaling araw umalis ang tatay Caloy mo pero ngayon ka pa lang magluluto ng almusal nyong magkakapatid?_Aling Sita.Meron syang gusto kay tatay,pero ayaw naman sa kanya ng tatay dahil sa kasungitan at medyo masama ang ugali nya sa mga tao.Sa amin lang sya mabait dahil gusto nyang magpapansin kay tatay.
"Oho nga po aling Sita.Napuyat po kasi ako,Ginabi na po kasi ako sa pag uwi dahil sa traffic kagabi._AKO.RD ko ngayon sa trabaho bilang salelady sa isang mall kaya maghapon akong maglalaba at maglilinis ng bahay.
"O sya,eto na ang sardinas mo.Ako na ang bahalang maningil mamaya sa tatay mo pag uwi nya._Aling Sita.Saka ako lumakad naman papunta ng palengke.Bibili na din kasi ako ng lulutuin ko sa tanghali hanggang sa hapon.Isdang pamaksiw ang napili kong bilhin.Bukod sa mura na,mas madali pang lutuin.Madami dami din kasi ang labahan ko ngayon kaya kailangan ko ng maglaba ng mas maaga.
"Ate Sally,kailangan ko na nga pala ng pambayad sa project ko.Kapag di daw ako kaagad nagbayad,hindi na ko isasali ng mga kagrupo ko._Sassy.
Grade 12 na sya ngayong taon.Samantalang si Sammy naman ay nasa kolehiyo na.Ako naman ay dalawang taon lang ang narating sa kolehiyo at saka ako nag apply bilang isang saleslady sa isang mall.May dalawang taon na din akong nagta trabaho."Magkano ba yung project nyo Sassy?Meron pa naman akong natirang pera,siguro naman kasya na yung 200 pesos?_AKO.Nagsimula na akong mag gisa ng sardinas para sa almusal namin.
"Ate,kulang pa yan.300 yung ambagan namin dun sa project eh.Ako na lang ang bahala sa pamasahe ko ngayon._Sassy.Agad ko namang iniabot sa kanya yung perang natira sa wallet ko at saka ako naghain na.
"Sammy,kakain na tayo.Mamaya muna tapusin yang pagbabasa mo._AKO.
Matalino si Sammy kaya hindi nakakapanghinayang gastusan sa pag aaral nya sa kursong engineering.Hati kami ni tatay sa pag papa aral sa kanya.
Tapos ang kalahati naman ng sweldo namin,para sa pang araw araw na gastusin namin dito sa bahay.Bata pa kami ng maulila kami kay nanay. Namatay sya sa sakit na CKD,dahil sa kahirapan ng buhay...Hindi niya nagawang magpatingin sa sakit nya at saka sya binawian ng buhay dahil sa kumplikasyon."Ate,Yung mga kaklase ko nga pala,dun nag apply para mag ojt sa VAL.Niyayaya nga nila akong dun na din mag train kaya lang malayo ang location,malaki ang magagastos sa pamasahe kaya sabi ko hindi ko kakayanin._Sammy.Hindi ugali ni Sammy ang magsabi ng mga ganung bagay sa akin unless gustong gusto nyang gawin.Kaya alam kong gusto nyang makuha ang opinyon ko.
"Ganun ba,Baka naman kayanin natin yun Sam.Kung isang daan ang aabutin ng pamasahe mo,kakayanin naman kung sakali bakit di mo subukan?_AKO.Saka ako nag kwenta sa isip ko.Pwede namang ako ang magtipid at sa kanya ko idagdag ang singkwenta pesos na pang gastos ko.
"Pero ate,baka naman kapusin na tayo ng budget dito sa bahay.Alam ko namang sakto lang sa atin yung gastusin natin dito pati sa tuition ko eh.
_Sammy.Patapos na kaming kumain nuon,nauna na si Sassy tumayo para maligo."Ano kaba,keri yan noh!At saka next month naman tataasan na ang sahod ko kaya tamang tama lang.Sumabay kana sa mga kaibigan mong mag OJT sa VAL,malay mo kapag nagustuhan nila ang performance mo kunin ka na nilang empleyado pagka graduate mo._AKO.Ang VILLAREAL AIRLINES ang pangarap pasukan nilang magkakaibigan nuon pa man.Kaya naman alam kong gusto din ni Sammy duon mag OJT.
"Thanks ate.Ang bait mo talaga.The best ate in the whole world!_Sammy.
Saka sya pumasok na sa kwarto nya at saka muling nag aral.Masipag mag aral si Sammy kaya naman alam kong makakatapos sya ng pag aaral.Nagsimula na akong maglinis ng buong bahay.Pagtapos kong maglinis saka ako naghanda para maglaba.At dahil parehong pang hapon ang pasok nila Sam at Sassy,Nagluto na kaagad ako ng pananghalian at saka muling sinimulan ang paglalaba.
"Hoy bruha!Kanina pa kita tinatawagan,busyng busy ka dyan!_Dess.Bestfriend at Kasamahan ko sa trabaho.Kadarating nya lang from work at naka uniform pa ng pumasok sa bahay namin.
"Oi Dess.Busy nga kaya hindi ko na nakuhang magcheck ng fone ko.Ano bang balita?May problema ba sa work,o baka naman may chismis ka na naman tungkol dun sa manager nating may asawa na na pero nakikipag date pa dun kay Jen._AKO.Tamang tamang tapos na ako magsampay ng mga labahin.Pati kasi mga kumot at kubre kama kasama sa nilabhan ko.
"Gagah!Hindi to tungkol duon...Big news ito!Tungkol sa anak nung may ari nun mall na pinagta trabahuan natin._Dess
"Ano naman ang tungkol sa anak ng may ari ng mall,pati ba naman yun isyu na din sa inyo?kayo talaga,wala na kayong alam gawin kundi pag usapan ang ibang tao_Ako. Nakaupo na kami sa sala
"Alam mo naman ung mga kasamahan natin duon,ayaw na ayaw pahuhuli sa mga tsismis.Ang kwento kasi ni Melissa,gusto na daw ipakasal ng may ari ng mall yung bunsong anak nya sa mayamang anak din ng may ari naman ng shipping line.Pero hindi pa daw alam ng anak nya dahil sigurado daw na hindi papayag yung anak nya na ipakasal sya._Dess
"Kahit naman yata sino,Hindi basta basta makakapayag na ipakasal ka na lng sa taong di mo pa nakikilala.Unless na lang kung magustuhan nya din yung guy.Pero sa tingin ko,mahihirapan si Madam CK na makumbinsi yung anak nya kung saka sakali._AKO.Parang kwento lang sa isang teleserye kaya nakikinita kinita ko na ang mangyayari.
"Sa palagay ko papayag si girl.Ang balita kasi,hindi pa nagkaka boyfriend yung anak ni madam na yun.Tapos,ang kwento pa,gwapo daw at sa UK nag aral yung guy kaya siguradong bagay na bagay silang dalawa!_Dess
"Haler!Porke gwapo at mayaman magugustuhan na?Sa palagay ko,hindi naman itsura at estado sa buhay lang ang basehan para magpakasal ka.
Mayaman at maganda kamo si girl hindi ba?karamihan kaya sa babaeng mayaman mas gusto yung mahirap pero may mabuting kalooban ang peg.
Kaya duda ako na magugustuhan nya si rich guy._AKO."Hay naku,Ikaw talaga Sally napaka nega mo.Kaka basa mo ng mga istorya sa wattpad kaya ganyan ka mag isip eh.Ang mayaman,para sa mayaman lang.At ang mahihirap,para lang sa mahirap.Praktikal na ang mga babae ngayon,hindi kagaya dati na puro pag ibig kuno ang pinaiiral.
Kahit mayayaman ngayon,ayaw mabawasan ang yaman kaya sa kapwa mayaman din nagpapakasal._Dess."Well,let see.Anyways,maiba tayo.Bukas nga pala iaanounce na yung mga model employees hindi ba,sa palagay mo kaya kasama tayo sa makakatanggap ng increase sa sweldo?_AKO.Pareho kasi kami ni Dess na masipag sa trabaho.
"Oo naman noh!Tayo paba.Ang sipag kaya natin.hihihi.Saka ka close kaya natin si Visor.Im sure tayo ang uunahin nun kaysa sa iba._Dess.
"Mabuti nga sana kung ganun.Dalawang taon na din tayo duon,sana nga madagdagan naman kahit papano ang sweldo natin._AKO.
![](https://img.wattpad.com/cover/133176161-288-k939608.jpg)
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomantikComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...