38.GD POV'S

2.3K 69 1
                                    

More than 3 months na ako sa kumpanya kaya halos kakilala ko na din ang mga empleyado dito.Mas lalo pa kaming naging close nila ate Flora dahil sa pagsali ko sa Unyon.(Samahang ng Kapatiran para sa Pagbabago)

"Dad,Ano naman ang mahirap sa hinihiling ko?Ikaw na ang nagsabi diba,after kong malampasan tong trabaho na ibinigay mo sa akin ng tatlong buwan pwede akong humiling ng kahit ano sayo hindi ba?_AKO.
Nasa opisina ako ng Daddy.Kung malaki na yung opisina ni Symon,Mas di hamak na doble ang laki ng sa kanya.

"Humiling ka ng materyal na bagay at hindi yang tungkol sa trabaho ang gusto mong mangyari.Alam mong napaka imposible nyang sinasabi mo at gusto mong hilingin._Daddy.Kapag nasa opisna si dad,para kang nakikipag usap talaga sa boss mo.Ganun sya ka seryoso sa kumpanya nya.

"Pero dad,Isa yun sa mga dahilan kaya sumasapi ng unyon yung mga empleyado nyo.Kasi kahit na matagal na sila dito,hindi pa din sila ginagawang regular employee.Unfair naman yun dad.Pare pareho lang naman nagpapakahirap lahat pero maliit lang ang sweldong natatanggap nila ._AKO.

"Lahat ng usaping may kinalaman sa pamamalakad ng kumpanya ay masusing pinag aaralan at pinagbobotohan ng mga kapwa ko business partners.Hindi lang ako ang nagpapatupad nyan.Kaya mas makabubuting mag focus ka na lang sa mga pinagagawa ko sayo.Wag ka ng manghimasok pa sa patakaran ng kumpanya._Daddy.

Lumabas ako sa room nya na walang nagawa kundi ang pansamantalang manahimik.Hindi ganun kadali ang lahat.Kailangan kong mag isip ng mas magandang dahilan para mapakinggan nya ang kahilingan ko.

"Seryoso kaba sa ginagawa mo GD?Kailangan mo ba talagang gawin yun. Hindi mo ba naisip na kuya at daddy mo na ang kinakalaban mo?
Talo mo pa kami ni Top nyan ah,Umalis kami ng bahay dahil ayaw naming pinakiki alaman kami.Pero ikaw naman,pumasok ka sa kumpanya ng daddy mo para makialam.hahahaha._Terry.

"Tomo!Para lang kasing hindi ikaw yan GD eh.Kelan kapa naging concern sa mga contractual employees?At saka ano namang malay mo sa pagpapa sweldo sa kumpanya nyo?May point naman si Kuya Symon,Naging kaibigan mo lang yung mga empleyado sa baba,na brain wash kana agad nila._TOP.

"Alam nyo,hindi kayo nakakatulong.At saka grabe kayo maka descrimanate ng mga tao,Anong nasa baba?You mean,contractual employee at hindi nasa baba._AKO.

"Look GD,Were Sorry kung ganun ang nasabi namin.Mali naman talaga mang descriminate.Pero ang point namin,hindi ka na lang sana nakialam.
Kaya nga may mga tao sa mataas na posisyon dahil sila yung nagpapatupad ng mga batas at sila din yung mas may alam kung ano ang mas makabubuti sa kumpanya._Terry.

"But if thats what you want Dane,Sino ba kami para tutulan ka.Desisyon mo yan eh,kaya goodluck na lang sayo brad.Alam ko yung ganyang pakiramdam dahil may mga tao din akong pinasu swelduhan.Basta kung anu man ang pwede naming maitulong ni Terry,andito lang kami anytime para sayo._TOP.

"Thanks TOP.Atlis kahit papano meron pa ding naniniwala sa akin._AKO.

"Maiba nga pala ako,what time ba tayo pupunta sa Anniversary ng CK?
Baka naman kasi pumunta ako dun wala pa pala kayo.Sabihan nyo ko para sabay sabay tayo._Terry.

"Baka gabihin na ako.Susunod na lang ako kung sakali.Bibisita pa kasi ako sa Cavite Branch,Nanakawan daw kasi ng pera yung isa sa mga cashier duon,need ko munang i check kung anong nangyari._TOP.

"Magkita na lang tayo dun Terry,Sabay sabay daw kami nila daddy pupunta eh.Hindi ko pa alam kung anong oras ang napag usapan.Kung hindi lang obligado na umattend ako dun,ayoko sanang pumunta!_AKO.Alam kong ganun din ang feeling ni TOP kaya sa gabi na lang sya hahabol.

"Kayo talagang dalawa.Dami nyo pang dahilan ayaw nyo lang magsuot ng gown eh!Sige magkita kita na lang tayo dun.Magpaganda kayo ng husto ha,para makabingwit kayo ng mga poging fafa.hahahaha_Terry.

Pareho namin syang binato ng unan sa mukha at saka sya gumanti sa aming dalawa ni TOP.Kahit nasa 20's na kaming magkakaibigan,hilig pa din naming magkulitan at mag asaran.Kami yung mga kabataang,hindi nakararanas ng hirap sa buhay kaya para sa amin easy lang ang lahat.

Pero mula ng mapasok ako sa kumpanya nila dad,parang bigla akong nagka interes sa mga tao.Sa tinatawag nilang nasa ibaba.Ramdam ko kung ano ang mga pinagdaranan nila.

●●●●●●

"Iha,ano itong nababalitaan ko na nakikisali ka daw sa unyon na kumakalaban sa kumpanya ng daddy mo?_mommy.Hindi ko namalayang nasa likod ko pala sya.Kakapasok ko lang sa bahay at pasakay na ng elevator sana.

"Mom!Your here pala._Ako.Then i kiss her paglapit ko sa kanya.Both of us are in the lobby right now.Bibihirang pagkakataon na nag i stay kami dito sa baba para mag usap.

"Inabangan talaga kita dito para makausap.Now,explain to me whats the real story.Totoo bang sumali ka sa unyon na pinamunuan ng ninong Manuel mo?_Mom.Mataray ang mom,Pero hindi naman sya ganun ka maldita.Wala pa naman akong nabalitaang literal na sinaktan o minaltrato ng mommy eversince.

"Mom,Just relax.I can handle things on my own.Matanda na ko para pagsabihan sa dapat kong gawin.At kung gusto kong sumapi sa unyon,Hindi dahil gusto kong kalabanin si dad o ang kumpanya kundi gusto ko lang din malaman ang mga hinaing ng mga kasapi nila kung bakit nila yun ginagawa._AKO.
Hinawakan ko sa balikat si mom at saka ako sumandal sa kanya.Namiss ko din yung ganitong moments namin together nuon.

"Alam kong malaki kana at hindi na kagaya nuon na walang pakialam sa ibang tao.Pero hindi pa din sapat na dahilan yun para kalabanin mo ang daddy at ang kapatid mo.Andun ka hindi para bigyn sila ng sakit ng ulo iha.Alalahanin mo,Hindi basta basta ang pgdedesisyon,lahat ng sangkot at yung mga nasa posisyon ang makakalaban mo kapag ngkataon.Kaya hanggat maaga pa,itigil mo na yang pakikisimpatya sa mga tao sa baba._Mommy.Nadinig ko na naman yung salitang nasa "ibaba".Kaya nga ba gusto ko silang tulungan kasi ayoko ng nakakadinig ng salitang nasa ibaba.

"Mom,Alam ko naman na hindi yun ganun ka simple lng.Pero gusto ko din na sa pamamgitan ko,maiparating ang hinaing ng tinatawag nyong nasa "ibaba".Hayaan nyo lang muna ako mommy,Kapag dumating sa point na maaapektuhan na pati ang lagay ng relasyon namin ng daddy ako na mismo ang kusang bibitaw._Ako.Blood is thicker than water after all.

"Okey.Mabuti na yung malinaw.Negosyante din ako anak,At ayoko din na may kakalaban sa akin sa negosyo lalo na yung kokontra sa pamamalakad ko.Pero naiintindihan ko din naman ang punto mo kaya sa ngayon hahayaan lang muna kita sa ginagawa mo._Mommy

"Thanks mom.Sana mapalambot ko din ang puso ng dad at ng mga kasosyo nya para madami kaming matulungan.Sorry for giving you a headache.I'll promise to handle things na walang masasaktan at maaagrabyado._Ako.

Sabay na kami umakyat ng mom sa kanya kanya naming floor.Since nasa third floor sila ng dad,Una ko muna syang hinatid sa room nila.At saka ako ulit sumakay sa elavator paakyat sa fourth floor.

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon