68.GD POV'S

1.7K 69 1
                                    



Yung pakiramdam ng heaven kapag pala kahalikan mo yung taong gustong gusto mo.Tapos para ka ding kumakain ng cotton candy dahil sa tamis at lambot ng labi niya.Pero bigla mong naalala,anytime darating na ang tatay at kapatid nya kaya ka biglang napatigil sa ginagawa mo.


"Oi ate GD andito ka pala?Kamusta naman,Tagal na nating di nakapag usap ah._Sassy,kadarating lang mula sa eskwelahan.


"Ahhh,I.. Im fine naman Sassy.Tama ka nga,matagal din akong di nakapunta ulit dito,medyo busy kasi,daming trabaho._AKO.Saka ako napasulyap kay Sally na agad namang tumayo at saka tinignan yung niluluto nya sa kalan.

"Dito kaba kakain ate GD? Padating na din ang tatay nyan,sabay sabay na tayo nila ate kumain._Sassy.Saka pumasok na muna sa kwarto para magpalit ng pambahay na damit.


Sumenyas naman ako kay Sally na lalabas na muna sa sala.Tumango naman sya at saka ako umupo na muna sa sala habang nag aantay sa kanya duon.Maya maya pa ay dumating na din si Tatay Caloy at saka kami sabay sabay na ngang naghapunan.

"Salamat po sa masayang hapunan Tay Caloy,Sassy at Sally.Hindi na din po ako magtatagal dahil maaga pa po kasi ako bukas sa trabaho.
Sa susunod na lang po ako ulit babalik.Salamat po._AKO.Saka ako nagpaalam at lumabas na ng bahay nila.Alam ko din naman na maaga sila natutulog dahil may mga pasok silang lahat kinabuksan kaya ayoko na din silang gambalain pa masyado.


"Mag iingat ka pag uwi ha,Saka magtxt ka kapag nasa bahay kana._Sally.
Hinatid nya ako sa gate ng bahay nila kaya nakapag usap pa kami ng bahagya.

"Yes po Boss!Ikaw din matulog kana ng maaga.Tama na yang kakabasa ng libro.Ikaw din,Nakakabawas ng ganda yang pagpupuyat._AKO.Nakangiti ako habang hawak ko ang isang kamay nya.Medyo madilim naman kasi sa gate kaya walang makakakita sa aming magka holding hands.

"Bakit naman ikaw,palagi ka ding puyat pero di naman nababawasan yang ganda mo?Mas lalo ka pang gumaganda lalo.Nakaka insecure ka kasama,palagi kang pinagtitinginan ng mga tao._Sally.Saka ko tumawa tapos pasimple ko syang kinabig at saka binulungan.

"Mas maganda ka pero di ako naiinsecure kapag kasama kita.Proud pa nga ako na Godess ang katabi ko eh._AKO.Then i kiss her sa ulo tapos saka ako nagpaalam na.Dala ko ang sasakyan ko pero sa malayo ko ipinark para walang makakita sa akin.


●●●●●

Sinabihan na kita nuon pa na itigil mo na yang ginagawa mo pero ayaw mong makinig sa akin!
Sabina,Walang mabuting maidudulot sayo yan.Kaya hangga't kaya mo pa makawala,tigilan mo na!_Symon.Malakas ang boses nya kaya naman lahat kami napalabas ng mga kwarto namin at saka namjn sila inabutan sa pool area na nag tatalo.


"SYMON,SABINA...Anong kaguluhan ito?Bakit dito pa kayo sa labas nagtatalo at hindi na lang sa mga kwarto nyo?_Mommy.Wala sila Dad dahil may out of the country meeting at ang pamilya naman ni Sydney ay nasa inlaws nya sa Bulacan(Americano ang tatay ni Bob pero pinay ang nanay nya)

"Mommy!Im sorry mommy kung naka abala kami sa inyo.Hindi na po mauulit.Im sorry po._Sabina.Na agad ding umalis at naiwan si Symon na nakaupo lang sa isang bench.

"Symon anak,Anong problema?Bakit naman nagtatalo kayo ni Sabina?_Mommy.I look at mom's face,Sino bang mag iisip na ampon lang sila Symon at Sydney gayong pare pareho lang nya kami kung ituring na mga anak nya.Bakas sa mukha nya ang pag aalala kay Symon.


"Symon,Kinakausap ka ng Mommy.Alam mo namang bawal kay mom ang ma stress kaya speak up.Were here to listen._AKO.Saka ako umayos ng upo paharap sa kanya.


"Sorry Mom,Sorry Dane.Nabigyan ko pa kayo ng alalahanin.Andito kasi sa pool si Sab kaya dito ko na sya nakausap.Hindi na kasi kami magkatagpo sa loob ng bahay dahil sa trabaho nya na hindi ko maintindihan ang skedule._Symon.Nakayuko lang habang kausap kami.


"Symon anak,Mag usap kayo ng mahinahon.Wag nyong daanin sa init ng ulo.Tungkol ba saan ang pinagtatalunan nyo,dahil ba sa pagpi pressure namin na magka anak na kayo?_Mommy.Lumapit sya kay Symon at saka hinaplos ito sa ulo.Sweet at loving si Symon kay mom,kaya naman ganun din ang aproach ng mommy sa kanya.Kaya din siguro weak ang personality ni Symon dahil na spoiled sya ng mom.


"Mom...Ayaw ni Sabina magka baby kami.Kapag pini pressure nyo sya ng Dad,Ako ang inaaway nya.Kaya ko sya kinompronta dahil nakita ko sa bag nya yung mga contraceptive pills na ginagamit nya.Then inamin nya din sa akin na nagpapa inject sya para di mabuntis._Symon.Kaya pala ganun na lang ang tanggi nya kapag sinasabi ng mommy na samahan sya sa doctor,kami malalaman na she's into contraceptives.

"Pero kailangan mo ng magka anak na Symon.Mas masaya ang buhay mo kapag may mga anak kang makakasama sa buhay.Kapag may mga anak kana na May mapagtutuunan kana ng pansin at panahon,hindi mo na iisipin pa ang dumepende pa sa bisyo._Mommy.Saka kami nagka tinginanan ni Symon.
Pareho kaming nagulat na alam pala ni mom ang sikreto ni Symon.


"Mom,How did you know about that?Did Dane told you about it?_Symon na sa akin napatingin na may pagtatanong sa mukha.

"NO! We haven't!Never kaming nag usap ng mommy about that._AKO.

"Kapag nanay ka,kahit di magsalita at magsabi ang anak mo.Alam na alam mo kung may problema sya o wala.Hindi aware ang daddy mo sa bisyo mo pero may mga doubt din sya kung minsan.Pero ako,bilang ina...
Kahit di ka lumabas mula sa akin anak,Alam ko kapag may kakaiba sa iyo o sa kahit na sino sa inyo._Mommy.Saka ako napalingon sa kanya.Pati kaya sa pagiging lesbian ko ramdam din nya?Im sure hindi naman.

"Mommy,Im sorry.Ang dami dami ng problemang ibinigay at dinala ko sa inyo ng Daddy.
Sa lahat lahat ng mga bagay na ginawa at pinaramdam nyo sa akin,Hindi ko alam kung papano pa kayo mahaharap ng maayos.Sorry mommy._Symon.Na tuluyan na ngang napahagulgol habang nagsasalita.


"Symon,Were here for you.Wag mong isiping pabigat ka.Malaki ang naitulong mo sa kumpanya,Malaki ang naibigay mong kaligayahan kila mom and dad at sa min ni Syd,kaya wag mong iisiping na wala kang silbi sa pamilya.We need you,and we love you._AKO. Isang tapik sa balikat ang ibinigay ko sa kanya.

"That's right anak.Kung ano man yang pinagdadaanan nyo ni Sab,malalampasan nyo din yan.Kung ayaw pang mag ka anak ni Sab,Hayaan natin sya.One of this day,kung talagang gusto nya na ding magkapamilya kayo,sya pa mismo ang magsasabi sayo nun._Mommy.


Natapos ang gabi namin na nabawasan ng kaunti ang agam agam.
Kahit hindi pa naaayos lahat,Mahalaga yung na iopen ni Symon ang puso nya sa amin.Isang bagay lang na kahit ako ay nagtataka...Bakit ayaw magka anak ni Sabina?Dahil ba pera lang talaga ni Symon ang habol nya at hindi nya totoong mahal ang kapatid ko?


At bakit hanggang ngayon,Wala pa ding ginagawang hakbang si Mondragon at si Sab para saktan o patayin ako?

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon