55.GD POV'S

1.9K 73 1
                                    



Halos tatlong linggo na akong di nakakabisita kay Sally.
Sa totoo lang,Miss na Miss ko na sya pero dahil nagsisimula na ako sa pag aaral sa gabi hindi na ako makasingit pang bumyahe ng malayo.Kulang na sa oras.Idagdag pa ang palaging pagri request ng mommy na palagi daw akong dumaan sa room nya bago ako umakyat sa floor ko.
Mula kasi ng umalis si yaya Cora sa bahay,Parang naging malulungkutin na si mom.



"Anak,kamusta naman sa trabaho mo.Nahihirapan ka ba?Pwede kitang ipalipat sa mataas na posisyon if you want?_Mommy.Nasa harapan sya ng dresser nya at nagpapahid ng lotion sa kamay.

"Okey lang naman ako sa work ko mom,di naman masyadong mahirap.
Nag eenjoy nga ako sa mga katrabaho ko dahil hindi nila ako kilala bilang anak nyo ng dad kaya pantay ang treatment nila sa akin duon._AKO.
Alam ni mom,ayaw na ayaw ko na ginagamit ang pangalan nila para lang magkaroon ako ng special treatment sa ibang tao.

"Mabuti naman kung ganun.Syanga pala,Nakausap ko ang Tito Joeven mo last week.Nagkita kami sa Manila Hotel.Ang sabi nya,Ikaw daw ang nakiusap sa mga taga unyon na wag na muna silang mag rally habang andito pa sa Manila ang mga Investors?_Mommy.

"Hindi naman ako lang yun mommy,group effort yun.Si Ninong Manuel talaga ang may pinaka malaking nagawa para mapigilan ang rally.Pero sa susunod,baka hindi na talaga sila mapipigilan mom.Masyado na kasi talaga silang naaabuso._AKO.


"Anak,hinay hinay lang.Hindi ka pwedeng magpakita ng pagkampi basta basta sa kanila.Kapag nalaman ng ibang shareholder at mga investors na hindi ka nila kakampi,baka pag initan ka nila.Alam mo naman na hindi lang ang dad mo ang nasusunod sa kumpanya kahit tayo ang may ari.
_Mommy.

Yun na nga ang masaklap na katotohanan.Kahit pala sarili mo ang kumpanya,may mga kokontra at hahadlang pa din sa mga gusto mong ipatupad.Hindi lang ikaw ang dapat na sundin.

●●●●●●


Working and studying at the same time are tiring yet fulfilling.
Bukod sa madami kang natututunan sa pareho mong ginagawa, nalilibang ka din at hindi namamalayan na malapit ka na palang maka isang taon sa trabaho at anim na buwan sa pag aaral.

"Dane,Napapansin ko na madalas kang ginagabi sa pag uwi?Hindi naman madalas ang overtime mo sa trabaho ah.May iba ka pa bang pinag kaka abalahan?_Symon. Magkakasabay kami today mag lunch with the whole family.


"Wala naman.Madalas lang natatambay sa condo ni TOP.You know,after work,masarap din yung may kakwentuhan,pampalipas oras,pampatanggal stress._AKO.Wala kasi akong pinagsabihan kahit kanino na nag aaral ako ng master liban kina TERRY at TOP.

"Ayan kasi,ayaw pang magboyfriend para may nakakausap at nakakasama ka palagi eh!If you want Dane,Ipakikilala kita sa mga kaibigan ni BOB na mga binata pa at mga negosyante?_Sydney.

"Para namang ayaw yata ni Dane sa mga "binatang' negosyante._Sab.Madiin yung pagkakasabi nya sa word na binata.
Saka tumingin kila Mom and Dad.

"Hahahhha,Ganun ba?Ano ba ang type mo sa guy ha Dane?
Wait,si Camilla nga pala...Madami syang kilalang models,or mga sikat na celebrities.Baka anak ng mayayamang politician pwede din._Sydney.

"Sydney,Hayaan mo na muna yang kapatid mo.Mukha namang nag eenjoy sya sa pagtatrabaho eh.Kapag gugustuhin naman nyang magka Boyfriend,madali na lang yun.Sa ganda ng kapatid mo,hindi naman aayawan yan ng mga lalaki._Daddy.

"Pero gusto ko na din magka apo sa kanya.Malalaki na sila Rihanna at Bruno,hindi na makakarga ang mga iyan.Ito namang si Symon at SAB wala naman yatang balak mag anak.Gusto ko namang kumarga ng mga babies habang hindi pa ako matandang hukluban._Mommy.

"Syanga naman Symon at Sab,Kayo ba'y wala ng balak magpakasal?
Ilang taon na kayong magkasama sa bahay na ito pero hindi nyo ba naisip magka anak man lang?Sabina,baka naman ayaw mo mag anak dahil makakasira sa pagmomodelo mo?_Daddy.Saka ako napatingin kay Sab na halatang nakorner sa tanong ni dad.Bigla syang namutla.

"Daddy,Hindi pa kami ready maging parents ni Sab.Saka ang dami pang problema ng opisina,Hindi ko din magagampanan ang pagiging ama kung nasa trabaho palagi ang utak at isip ko._Symon.

"Eh di magresign ka sa trabaho.Andyan naman si Dane para pumalit sayo.
Baka naman may sakit ka Sabina kaya hindi ka mabuntis?
Sasamahan kita sa doctor na kilala ko para malaman natin kung anong problema at hindi kapa nagkaka anak kahit tatlong taon na kayo nagsasama ni Symon._Mommy.

"Mom!Hindi naman ganun ganun lang na magreresign kaagad sa trabaho para lang magka baby!Ang dami ko ng sinakripisyo sa trabaho,hindi naman pwedeng basta na lang akong aalis sa posisyon ko na ilang taon kong pinaghirapan._Symon.Tamang pakikinig lang ako.Pimaghirapan daw nya yung posisyon.Sa pagkaka alam ko kasi,sya ang nagrequest kay dad kung saan posisyon nya gustong ilagay sya.

"At saka mommy,May sarili naman po akong OB.Palagi naman po akong nagpapacheck up.Talaga lang pong hindi pa siguro dumarating yung chance na magka apo kayo._Sab.Halata sa mukha nya na nagsisinungaling lang sya na nagpapa check up sya.

"Hahahaha.Na pressure tuloy bigla si Sab.Mommy,daddy...Hintay hintay lang kayo.Darating din yan.Pareho kasi silang workaholic kaya siguro hindi pa makabuo.Ikaw naman Dane,Mag boyfriend kana nga.
Para naman hindi kami lahat nag aabang kung sino nga ba ang magiging Prince charming mo._Sydney.


"Basta gusto ko ng magka baby ulit sa bahay.Namimiss ko na yung may kinakargang baby sa umaga tapos pina aarawan._Mommy.

"Mommy,Ako na lang yung i baby sit mo.Pwede mo din akong paarawan sa umaga.Saka payat naman ako,kaya mo pa akong ikarga._AKO.Saka sila nagtawanan lahat.

"Don't worry mom,We will try our best para magka baby na ni Sab this year.Kapag pareho ng maluwag yung mga sked namin._Symon.Umiling naman si Sab sa kanya.

"Bakit hindi kayong dalawa magbakasyon muna?Siguro naman kahit isang linggo abroad,hindi magiging kabawasan yun sa inyo sa trabaho.Kahit naman umabsent ka Symon,susweldo kapa din._Daddy.Bakit parang desidido si dad na paalisin si Symon,habang si Symon naman ay takot na takot yatang umalis sa opisina.

"Hindi ako pwedeng mawala sa opisina dad.Madami akong mga papeles na inaasikaso dun.May mga transactions ako na under negotation pa.
At saka makakapag antay ang anak dad,mom...Hindi ko muna sya priority sa ngayon._Symon.

"Ako din po mom,Naka kontrata pa po ako hanggang two years sa agency ko na bawal pang mabuntis._Sab.Ayun na nga,nagkalabasan na ng totoong motibo.

"Ayun naman pala eh,di lumabas din ang totoo.Hindi nyo priority ang pag aasawa.Kaya until now ayaw nyo pang magpakasal.Ayaw nyo din ng anak.
Mas mahalaga sa inyo ang HANAPBUHAY AT PERA.
_Daddy.

"Hindi naman sa ganun dad! Like I told you awhile ago,hindi pa lang talaga ngayon ang time._Symon.Korner na korner na sila gusto pa ding lumusot.

"Hey!Mukhang sa iba na mapupunta itong usapan.Mabuti pa tapusin na lang muna natin itong pagkain at saka na lang tayo magkwentuhan after.
_Sydney.Saka kami lahat nanahimik nalang muna habang kumakain.

Pasimple kong pinagmasdan ang itsura nila Symon at Sab.Halata sa mukha nilang dalawa ang pagpipigil sa galit at inis.
Lihim akong napangiti.Unti unti na silang napapansin nila daddy at mommy.Hindi na magtatagal at lalabas na din ang kanilang bahong itinatago.





"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon