10.SALLY POV'S

3K 91 1
                                    

Maaga pa lang,bumangon na ako para magwalis walis sa paligid ng bahay.
Kapag kasi RD ko,madami akong ginagawa dito sa bahay.Madami na din kasi akong labahan.Lalo pa ngayon dahil nadagdagan pa kami ng isa dito sa bahay.Napatitig ako sa nahihimbing na si GD.Dito lang sya sa sofa natutulog.Maliit lang kasi ang kama ko.Si tatay at Sammy naman,Sa iisang kwarto lang din at walang kama.Naawa naman ako sa itsura nyang namamaluktot dun sa sofa.Hindi sya nagkukumot,halatang init na init dahil naka number three ang fan nya.Hindi mapagkakaila,mayaman ang babaeng ito.Sa kinis at ganda ng mukha,para syang artista.

"Uhmmmm...Masyado yatang maganda yang tanawing nakikita mo kaya ganyan kaaliwalas yang mukha mo?_GD.Na nakangiting bungad sa akin.
Agad naman akong natauhan.Nahuli nya akong nakatitig sa kanya habang natutulog sya.Pinamulahan ako ng mukha.

"Magandang tanawin ka dyan.Hindi kaya.Kukunin ko lang sana yung kumot mo para malabhan.Amoy panis na laway na kasi._AKO.Sige lang dahilan pa.Huli na sa akto,nagdi deny pa.

"So...What do you think?Maganda ba ako kapag bagong gising?_GD.
Sabay inat at saka inilapit ang mukha nya sa mukha ko.
Shiiiit.Bakit ganun,mabango pa din ang hininga kahit kakagising lang?

Bahagya tuloy akong napa urong.Kahit kaka toothbrush ko pa lang kanina hindi ako confident sa hininga ko dahil nagkape ako.whew!

"Gigisingin na nga sana kita dahil sasamahan kitang mamili ng damit mo.
Ang sabi ni Tatay,wala ka daw kasing maayos ayos na damit kaya hindi ka lumalabas ng bahay._AKO.

"Talaga ba,magsa shopping tayo?Wooowww.Im excited._GD.Saka agad tumayo at saka nag stretching.Ngayon ko lang nakitang nag ii stretching pala sya kapag gumigising.Kaya naman pala wala akong nakikitang bilbil nya kahit maghapon lang naman syang nakahiga mula pa nung dumating sya dito.

"Sa palengke lang naman tayo mamimili,hindi sa Mall.Buti na lang sweldo ko ngayon kaya may pambili ako.Wag kang pumili ng masyadong mahal ah._AKO.Tapos inirapan ko sya at dumiretso na ko sa kwarto para magbihis.

"Ayos lang naman ako dito sa mga damit na pinahihiram mo eh.Komportable naman at saka mabango.Hindi lang kasi ako talaga mahilig maglalabas kaya andito lang ako sa bahay nyo.Saka isa pa,wala naman akong kilala dito kaya wala akong makakausap._GD.

Nasa labas sya ng kwarto habang nagpapaliwanag.Pagbukas ko ng pinto,otomatik na nabungaran ko syang nag aabang na pala sa akin sa labas kaya muli na namang nagkasalubong ang mga mukha namin.

"Oppppsss!Sorry.Kakatok pa lang sana ako...Hihiram sana ako ng short.
Kung okey lang._GD.Saka ko napansin na lumang tshirt at saka short na pambahay nga lang pala yung suot nya.

"Ito na muna ang isuot mo,lagyan mo na lang ng belt kung maluwag sayo.
Sobra naman kasing payat mo,dapat mag model ka na lang...Siguradong sisikat ka._AKO.Mas payat kasi sya sa akin ng kaunti.At saka mas matangkad.Kaya yung short kong ang waistline ay 25,sya mga 24 or 23 siguro.

"Gusto ko ngang mag gain ng kaunting weight.Hindi masyadong maganda yung payat.Feeling ko,madali akong matumba kapag humangin ng malakas.Kasyang kaysa naman sa akin tong short mo,sakto lang._GD.

Sabay kaming naglalakad palabas ng looban.Mabuti na lang at naka cap sya dahil masyado syang pansinin sa sobra nyang kaputian.Lahat ng madaanan naming umpukan,hindi pwedeng hindi sya sa akin tanungin.

"Sally,Ang ganda naman nyang kasama mo.Artista ba yan?_Aling Susan, dakilang tsismosa sa lugar namin.

"Kaibigan ko po aling Susan,Dito na muna sa amin nakikitira pansamantala._AKO.Saka kami nagmamadaling maglakad palayo.

"Haaaay grabeh,Ang hirap mo kasama.Talo ko pa may kasamang artista ah.Masyado ka naman kasing maganda para dito maglagi sa lugar namin, natural lahat sila curious sa yo._AKO.Napahinto kami sa paglalakad dahil sa hingal.

"Kaya nga ayoko sanang lumabas.Feeling ko kasi,dyosa yata ako sa real world ko eh.hahahaa._GD.Sabay takip ng bibig.Kapag tumatawa sya,hilig nyang takpan ang bibig nya talaga.

"Ang yabang mo din noh!Dalian na nga natin dahil tanghali na.Mamamalengke pa ko at madami pa akong labahin._AKO.Sumunod naman sya sa akin at saka kami naglakad papunta sa palengke.

"Sally,Ang ganda ng kasama mo ha.Pero mas maganda kapa din para sa akin._Fil.Anak ng may ari ng bigasan dun sa palengke.Matagal na syang nanliligaw sa akin pero matagal ko na ding sinabi na hindi ako nangpapaligaw.

"Ikaw talaga Fil,palagi ka na lang ganyan.Sya nga pala,sya si GD._AKO.

"Nice meeting you GD,Im Fil.Admirer nitong napakagandang dyosa na si Sally._Fil.Inabot nya ang kamay kay GD.kumamay din naman si GD sa kanya

"Sige Fil,nagmamadali kami eh.Babalikan na lang namin yung bigas mamaya,titingin lang kami ng mga damit dun sa dulo._AKO.Saka kami naglakad sa kabilang pwesto.Napansin kong hindi sanay makipag gitgitan si GD kaya hinawakan ko sya sa kamay para hindi sya maiwanan.

Hindi ko alam kung bakit nung hawakan ko ang kamay nya,nakaramdam ako ng kuryente.Hindi na lang ako nagpahalata at saka nag kunwaring kaswal lang habang naglalakad kami.

"Sally,ito ang bilhin mo.Bagay to sa kanya.Lalo syang gaganda kapag sinuot nya toh!_Aling tinay.Dito kami madalas bumili nuon ni nanay kaya kilala ko na halos lahat ng mga nagtitinda dito sa palengke.

"Aling tinay naman,pambahay lang po ang bibilhin namin at hindi pam party.Ito hong short nyo,tatlo isang daan na lang._AKO.Sanay din ako sa tawaran.

"Singkwenta ang isa nyan.Sagad na.Hindi kaya ng tatlo isang daan.
Kung gusto mo,itong mas manipis pwede sa tatluhan._Aling Tinay.

"Ito na lang ho.Palagi naman akong bumibili dito eh.Mas makapal ang tela nito.Kukuha pa ako ng tshirt para may benta na kayo kaagad._AKO.
Nakatingin lang sa akin si GD.Halatang hindi sanay sa tawaran.

"Kundi lang kayo parehas maganda nitong kasama mo,hindi kita pagbibigyan eh.Sige na,ibabalot ko na ha.Balik kayo sa susunod.May padating akong mga bago._Aling tinay.

"Salamat po aling tinay.Sige po,sa susunod na sweldo ko babalik ulit kami.
_AKO.Bumalik na kami sa mga bilihan naman ng mga isda at karne.

"Ang galing mo tumawad ah.Hindi ko ma imagine na ganun pala kamura yung mga short na suot suot ko.whew!Amazing!... Naaaliw din ako habang namimili ng mga kulay,tapos yung sa katabing tindera naman sinisenyasan akong sa kanila daw ako bumili.hahaha_GD

.Hindi ko alam kung taga saang planeta ba tong kasama ko at ganun na lang sya ka amaze sa mga simpleng bagay na nakikita nya.Pero naaaliw ako sa kanya habang pinagmamasdan ko sya kaninang namimili ng damit.

"Dapat talaga magaling ka tumawad sa palengke.Kasi malaki ang madi discount mo dito.Unlike sa mall na fix ang price.At saka dapat hindi ka aarte arte kapag naglalakad ka.Baka mamaya,mabato ka ng kamatis ng mga tao sige ka.hahahah._AKO.Saka naman sya biglang napalingon sa paligid nya.Feeling nya tuloy,any moment may babato nga sa kanyang kamatis.

"Well,its only my first time here! Sa susunod na isama mo ko ulit dito,hindi na ko mag papabebe...I promise!_GD. Itinaas nya pa ang isang kamay nya habang nagsasabi ng promise.At ang cute nya kapag sinasabi nya yun.

Ayan na naman si heartbeat,bakit ba ang lakas ng kabog kapag nagpapa kyut ng ganun si GD?Haaaaaist!

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon