52.SALLY POV'S

2K 70 3
                                    


Habang masaya ako sa paghahanda ng almusal,sya namang pagdadabog at pagsisimangot ni Sassy dun sa sala.Iritable sa tab nya dahil wala daw kasi syang pang internet.


"Sassy ha,Inuubos mo ang baon mo sa kakapaload ng pang internet.Tapos kapag wala kang pera panay ang dabog mo dyan.Kapag ako nainis sayo kukumpiskahin ko yan!_AKO.Saka ko sya tinabihan sa pag upo.

"Ate naman,di naman ako nag iinternet dahil lang sa pag i fb at you tube.
Dahil sa mga projects ko.Alam mo naman na pa college na ko diba,dami kayang assignment na ginagawa palagi._Sassy.Naka nguso pa din habang nagsasalita.

"Asus,Gusto mo lang maawa ako sayo at bigyan ka ng pang load eh.
Kunwari kapa! O ayan,magpaload kana...pero kapag nasa eskwela ka bawal mag internet ha.Baka kumpiskahin yan ng teacher mo._AKO.
Nung panahon ko naman kasi,hindi masyadong kailangan ng internet.
Pero hindi naman dahil sinaunang tao ako ha,may Internet na din kaya lang di naman yung konting tanong,google na kaagad.

"Ayyyan naman oh!Thanks ate,your the best.Sya nga pala,tumawag si kuya Sam kagabi.Nalipat na daw sya sa main branch ate,mga malalaking eroplano na daw ang kinkumpuni nila._Sassy.Saka lumabas na ng bahay para magpaload.Nasa main office na pala si Sam kahit kaka three months nya pa lang.Masaya ako para sa kanya.Sana magtuloy tuloy na ang trabaho nya duon at ma regular na sya.

●●●●●●

"Talaga,pinuntahan ka kagabi ni GD para lang sumandal dyan sa balikat mo?_Dess.Nasa likod kami ng mall,tumatambay kami duon kapag hindi pa kami pinapapasok sa loob.Pareho kasi kaming opening ni Dess ngayong araw.

"Sira!Baka nga kasi may problema sa trabaho kaya gusto lang ng may makaka usap.Hindi para sumandal.luka luka ka talaga._AKO.Kinuwento ko kasi sa kanya yung mga nangyari kagabi.

"Sabagay,BFF naman kayo.Natural na kapag may problema sayo sya talaga tatakbo.Alam mo naman yung dalawang kaibigan nyang si TOP at TERRY parehong BULLY kaya ayaw nya dun magpunta.hehehehe._Dess.

"Super BFF nya naman yung dalawa na yun as in pati daw family nila magkakaibigan.Kaya lang madalas din daw busy sa mga lovelife ata yung dalawa kaya hindi nya mahagilap palagi._AKO.Yun kasi ang kwento ni GD.

"Talaga?Busy sa mga lovelife nila sila TOP? Ibig sabhin may mga ka date silang guy palagi?uhmmm...Sabagay,sa gaganda nilang yun,imposible ngang walang lovelife.Kaya pala._Dess.Na biglang naiba ang mood.


"Ano namang kaya pala?Bakit mula ba nung sinundo ka ni TOP sa reunion nyo hindi na ulit nagparamdam?_AKO.un kasi ang huling beses na nag kwento si Dess sa akin ng tungkol kay TOP.

"Oo,siguro nga may pinagkaka abalahan ng iba.Sympre mas uunahin nya yung magka lovelife kesa mag sayang ng oras sa pang aasar sa akin.
Wala lang...Nakakamiss lang din pala kapag walang nang aasar sayo.
_Dess.Saka kami tumayo na sa waiting area at pumasok na sa loob ng mall.


"Miss Magtanggol,Sinabihan na kita na araw araw mong papalitan yang display mo hindi ba,bakit hindi mo na naman pinalitan?Ayan pa din yung kahapon ah._Supervisor ko.(Bago sya,na galing sa grupo ni Miss Sydney)

"Yes Ma'm araw araw ko pong pinapalitan yan.Baka po yung nakita nyo kahapon kaparehas lang ng kulay pero magka iba po ng style._AKO.
Kahit naman nuon pa,palagi kong iniiba ang naka display sa display area ko.Masyado lang kasi sila ngayong nagpapa impress sa bagong management.

"Sabihan mo din yung iba mong kasamahan na magpabango naman.
Hindi yung amoy pawis kayo kapag haharap sa costumer.
First class na itong CK mall kaya dapat well groom at presentable kayong mga empleyado._Bisor.Mrs.Luna.Matangkad sya at payat pero may kasungitan kaya lahat kami ilag sa kanya.

"Tatlong araw mula ngayon,magkakaroon tayo ng pangkalahatang meeting.Lahat ng nasa sales required na dumalo.
May mga bisita tayong darating mula pa sa ibang bansa para magturo sa inyo ng makabagong teknik sa tamang pag aalok ng mga produktong binibenta nyo._Miss AIMEE.Sya yung malayong pinsan ni Madam CK na pinaka mataas sa aming lahat dito sa sales department.

"Pero Miss Aimee,Papaano naman yung mga nasa duty ng araw na yun hindi na ba makaka pag seminar?Hindi ba pwedeng hatiin na lang yung araw sa dalawa para lahat makaka attend?_Mrs.Luna.
Dahil galing sa grupo ni Miss Sydney,malakas ang loob at laging may sinasabi itong si Mrs.Luna.

"Well,hindi naman kailangang magdalawang araw pa dahil sa umaga yun magaganap.Eksaktong pagbukas ng mall,naka pwesto na lahat ng mga empleyado sa kani kanilang area._Miss Aimee.
Pakiramdam ko may tensyon sa dalawang head na ito base sa mga tinginan nila.


"Alam ba ni Miss V na may seminar na magaganap?Wala pa kasi syang sinasabi sa akin.Dapat ko palang ipatawag lahat ng mga Supervisor at head ko._Mrs.Luna.Sa tono ng pananalita nya,hindi lang sya basta supervisor.


"Ofcourse she knows that.Kaya lang napag utusan ako ni Madam na ako na ang magsabi sa lahat at hindi sa mga supervisor lang.
Baka kasi may mga hindi masabihan at kakaunti lang ang umattend.
_Miss Aimee.Saka sumenyas sa isa sa mga assistant nya at saka lumapit sa akin.

"Miss Magtanggol,Ikaw na daw ang bahala kumuha ng mga pangalan ng mga kasamahan mo.Make sure daw na lahat kayo maaga at lahat aattend.
_Ate Tin,sya ang visor sa grupo namin.


"Po?Ahhh,Sige po Ma'm.Gagawin ko po._Ako.Saka naman ako napayuko.
Maya maya lang ay umalis na ang grupo ni Miss Aimee at kasunod naman ang grupo ni Mrs.Luna with all the supervisor.

"Bru,Sa palagay mo anong meron dun kila Miss Aimee at Mrs.Luna?Para kasing napansin ko na may patalbugang nagaganap._Dess.Kay Joyce nakatingin.

"Hindi ko din alam.Pero ang nadinig ko lang dun sa mga kwento ng mga manager kapag nag uusap sila,Parang may nakaraan daw na alitan yung dalawa nuon pa._Joyce.Na kalma lang naman habang nagku kwento.

"Talaga?Papano mangyayari yun,hindi ba kamag anak ni Miss V si Ma'm Aimee tapos friend nya naman si Mrs.Luna...So ibig sabihin magkakakilala silang lahat?_Dess.Saka tumingin sa akin.

"Parang ganun na nga siguro.Pero teka lang,maiba ako.Anong real name nga pala ni Miss Aimee?Para kasing name lang nya ang alam natin tungkol sa kanya diba?_AKO.Kay Joyce ako nagtatanong.Mas madami syang alam kapag tungkol sa mga head at nasa katungkulan.

"Uhmmm,Ano nga ba?Teka,iisipin ko.Diba Pilipino chinese si Madam CK, tapos Karmela Chua ang real name nya,Yung middle name nya is LUNA.
Tama,LUNA ang apelido ni Miss Aimee._Joyce.Saka kami nagkatinginang tatlo.

"AIMEE LUNA AND MRS.LUNA?Ibig sabihin magkaka mag anak sila?
_Dess.

"Possible nga na magkamag anak kasi same ng Apelido.Ibig sabihin,mga kampamilya din nila Miss V ang mga bagong myembro ng Sales team.
_AKO.


"Sympre naman,dapat talaga magkakamag anak.Mahirap na kapag iba baka maagaw.At saka ang alam ko sa ganyan,para walang kakalaban sa pamamalakad nila sila sila na lang din ang magkakakampi._Joyce.


Ganun nga naman talaga ang kalakaran ng mga mayayaman.Sila sila,para hindi mapunta sa ibang tao ang kanilang mga yaman.Pati na sa pagpapakasal at pag aasawa ng mga anak nila,dapat kasing yayaman din nila para sigurado na ang future ng kanilang mga negosyo at yaman.





"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon