50.GD POV'S

2K 80 5
                                    


Nagsisimula ng umarangkada ang nakatakdang pag rarally ng unyon.Nakadagdag pa sa bilis ng pagkilos ng mga opisyales ang isa pang balita tungkol sa paglalagay daw kay ninong Manuel sa mababang posisyon.Kapag kasi nagkataon,lalo ng hihina ang boses ng mga nasa ibaba dahil nasa ibabang posisyon na si Ninong at wala na sa mga hanay ng board member ng kumpanya.

"Wala na daw kasing share si Pres.Manuel sa kumpanya kaya ilalagay na sya ng mga opisyales sa ibaba._Kuya Jun.Andito kami ngayon sa likod ng opisina.

"Ibang klase din talaga,matapos nilang pakinabangan ng husto si pres. nung malakas at may pera pa,ngayon basta basta na lang nila itatapon.
_Kuya Rene.

"Ganun talaga,Kapag may pera ka at malakas...kailangan ka ng kumpanya. Kapag matanda ka na at wala na silang pakinabang sayo,itsapwera kana.
Parang hindi naman tayo sanay na ginaganyan nung una tayong pumasok dito dati.Ikaw Jun,hindi ba magaling ka sa computer?Nung nalaman nila dito na marunong ka mag control ng mga hackers,isinalang ka nila pero pagkatapos ano?Hindi ba hindi ka pa din ginawang regular employee kahit deserving ka at may nagawa sa kumpanya._Ate flora.Saka ko lang nalaman,magaling pala sa computer si kuya Jun,dapat hindi sya dito sa cleaning department lang inilagay.

"Sympre priority nila yung mga kamag anak at kakilala lang.Ganun talaga ang buhay._Kuya Rene.Saka ko napansin na madaming tao ngayon sa cafeteria.Parang may mga bagong dating na mga bisita.Salamin kasi ang wall sa kabilang kainan kaya kitang kita sa labas.

"Madaming bagong pasok na engineers daw ngayon.Galing sa kabilang branch at nilipat dito sa main.Fresh graduate daw ang mga iyan kaya matatalino at magagaling._Ate Flora.Saka ko napansin na mga bata pa nga ang mga bagong empleyado ng kumpanya ngayon.

"Syanga pala bukas,darating na daw yung ibang investor from japan and korea.
Kapag naging succesful ang venture na ito,sigurado ng magkakaroon ng VAL sa ibang bansa particular sa China._VP Amado.Kaya naman pala ganun nalang ang pagtutok nila daddy sa proyekto na ito,kasi International na ang pinasok nila at hindi lang basta dito sa bansa.

"Kung bukas din tayo kikilos,siguradong malaki ang magiging epekto nito sa pagpapahinto sa venture ng VAL sa CHINA.Masisira lahat ng pinaghirapan nila at siguradong apektado lahat ng share holder ng kumpanya._Sir Jim.Sya yung manager ko sa department.Secretary sya ng unyon.

"Wala na ba talagang paraan para hindi tayo makasira sa transaction nila bukas with the investors?Baka pwede naman nating idaan sa isang simpleng programa,tapos dun natin iparating yung mga hinaing natin.
_AKO.Nag aalala kasi ako sa kahihinatnan ng lahat.Kung bukas sila kikilos at sasabayan nila yung mga investors ,lalong mas magkakaroon ang mga opisyal ng dahilan para mas mapapadali ang pagpapa alis sa kanila sa kumpanya.

"Wala ng ibang pagkakataon Dane,Kung di pa tayo kikilos,iisa isahin din nila tayong patatalsikin.Kung nariyan ang mga investors at mapagbibigyan pansin ang mga hinaing natin,baka sakaling magkaroon ng kaunting pag asa para sa regularization ng mga nasa ahensya.
_Ate Flora.Nararamdaman ko ang emosyon sa pagitan ng mga salita nila.

Agad kong hinanap si Ninong sa opisina nya para kausapin.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isipan nya sa mga oras na ito.

"Bakit dito ka sa akin tumakbo at hindi sa daddy mo para magsumbong?
Alam mong bukas na ang nakatakdang pagra rally ng Unyon,kasabay ng pakikipag sanib pwersa ng kumpanya ng tatay mo sa CHINA.Bakit ako ang una mong kinakausap?_Ninong.Malakas talaga ang pakiramdam ni Ninong.Alam nya kaagad ang una kong gagawin.

"Ninong..._Ako.Pero agad nyang klinaro na SIR Manuel ang itawag ko sa kanya.

"Sir Manuel,Bakit po hindi muna kayo mag usap ni Dad o ng mga taga board?Baka sakaling maresolve pa ito at hindi humantong sa kaguluhan bukas?_AKO.Ngiting sarkastiko ang isinagot ni ninong sa akin saka nag salita.

"Nakita mo naman kung papaano akong pagtulungan ng mga nasa board nuon hindi ba,ni hindi nga nila ako gustong pagsalitain kahit lima lang tayo na naandun...Nasa limampu ang lahat ng nasa board kapag kumpleto ang buong panel meeting,kasama na ang tatay at kuya mo.Sa palagay mo,may kahit isa duon na makikinig sa akin?_Ninong.I imagine how it looks like.

"Then I'll do the talking Ninong.Baka kapag ako ang nagsalita at nagpaliwanag sa kanila,pakikinggan nila ako._AKO.

"Ano naman ang sasabihin mo sa kanila kung sakali?Sa palagay mo,pakikinggan ka nila kung basta ka na lang tatayo sa harapan at sisigaw ka duon na "GAWING REGULAR ANG MGA CONTRACTUAL NA MGA MANG GAGAWA!!!...Tapos anong paliwanag ang sasabihin mo?KASI NAAAWA KA SA PAMILYA NILANG NAGUGUTOM KAYA NAKIKISIMPATYA KA SA MAHIHIRAP._Ninong.Saka ako biglang nanlumo.Tama naman si Ninong,ano nga ba naman ang lakas ko para pakinggan.

"Then ano ang pwede kong gawin ninong?Sabihin mo kung may magagawa ba ako para hindi magkagulo.pleaseee?_AKO.Desperada na ako para mapigilan sila bukas.

"Kung gusto mo talagang makatulong...MAG ARAL KA PA.HIGITAN MO ANG KUYA MO AT ANG TATAY MO SA NALALAMAN NILA SA PAGPAPATAKBO NG KUMPANYA.MAGING MULAT KA SA HINAING AT SENTIMYENTO NG MGA TAO SA PALIGID MO.MAGKAROON KA NG SARILING DISKARTE AT PANININDIGAN AT WAG KANG MAKINIG SA SINASABI NG IISANG PANIG LAMANG._Ninong.
Umalis ako sa opisina ni ninong na walang iba pang nasabi.
Hindi nga talaga ganun kasimple lang ang pumasok sa isang labanan na wala kang ka alam alam kahit ang sumipa o humawak ng baril man lang.

"GD,Anong ginagawa mo dito.Hindi naman byernes ah?..._Sally.Naisipan kong puntahan sya pagka galing ko sa opisina.Just like taking my happy pill,baka sakaling pag nakita ko sya mabawasan ang mga agam agam ko.

"Uhmmm...Wala lang,namiss ko lang kayo bigla nila tatay Caloy.Kanina pa nga kami nagkwentuhan nila tatay at Sassy sa loob.Lumabas lang ako dito sa gate para hintayin ka._Ako.Saka kami umupo sa tapat ng bintana at isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.

"May problema ka noh?Halata dyan sa arte mo eh.Kapag ganyan kang malambing,gusto mo ng kausap.Kapag madaldal ka at hyper,Gusto mo ng kakulitan.At kapag naman tahimik ka,gusto mo lang na may katabi._Sally.Saka ako tumingin aa kanya sa mata.Kilalang kilala na nga talaga ako ni Sally kaya wala na akong pwedeng itago sa kanya bukod sa pagiging anak mayaman ko na lang.

Minsan gustong gusto ko na din talagang aminin sa kanya yun pero saka na lang.Kapag pwede ko na syang ipakilala sa kanila at kaya ko na syang ipaglaban.

"Hahahaha.Alam mo ang OA mo.Sumandal lang sa balikat mo may problema kaagad?Papano kung nangawit lang sa trabaho kaya gusto sumandal,hindi ba pwede yun ha?_Ako Saka ko sya kinagat ng marahan sa balikat nya.

"Aray grabe ka!Para kang aso,bigla ka na lang nangangagat! Dun ka nga sa kabila umupo,mahawaan pa ko ng rabbies mo eh!hahahha_Sally.Saka kami sabay na nagtawanan.

Simpleng buhay at bahay,masayang pamilya at mga kaibigang totoo.
Maingay at mabahong estero pero lahat ng tao may respeto...

Habang ako ay nasa isang bahay na palasyo pero hindi naman palaging nagkikita at nagkakausap ang mga tao.
Samahan mo pa ng mgakapatid na hindi mo malaman kung ano ba talaga ang motibo,Kung sino ba ang kaaway at sino nga ba ang tunay na nagpapakatotoo.

Kailangan kong timbangin ang lahat.Kailangan kong pakinggan ang sarili kong kakayahan at hindi ang sasabihin ng ibang tao.Pero bago ako magdesisyon kung saan ako nararapat,Dapat ko nga munang paghandaan ang lahat.

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon