(Para po makilala nyo din ang mga kaibigan nila GD at Sally)
Nasa parking lot ako ng CK Mall para sunduin si Top.Usapan kasi namin na dun ako sa condo nya mag i stay ngayong gabi dahil mas malapit sya sa location shoot namin for tommorow.Matraffic kasi kung sa bahay pa ako mang gagaling.Besides,walang kotseng dala si Top kaya sasabay na lang daw sya sa akin kesa mag commute pa sya from here.
"Hinimatay yung babae,tumawag kayo ng ambulansya!_Sigaw ng ale
Agad namang nagsilapitan yung mga tao dun sa nahimatay pero lahat ay nakatingin lang."Tumawag kayo ng guard o kaya pulis.Kawawa naman yung babae,Ang ganda ganda pa naman.Bakit ang tagal ng ambulansya?_Isa pang aleng usisera.
Didedmahin ko na lang sana yung babaeng nahimatay pero parang pamilyar sya sa akin.Ahhh,sya yung visor dun sa GUCCI BAGS AND SHOES na pinagbilhan ko nuon.Agad akong lumapit sa kanya at nagpakilala sa mga tao na kakilala ko si girl.
"Ay Miss,mabuti pa dalhin mo na lang sya sa hospital,May sasakyan ka naman.Baka kung mapaano na yan,Ang bagal ng rescue eh._Manong. Saka ko napansin na dumadami na nga ang mga nag uusyoso.Kawawa naman si Miss,masyado ng nai expose.Kinausap ko yung guard na tulungan akong ipasok sya sa kotse ko at saka ako nagmaneho papunta ng pinakamalapit na hospital.
"Terry,Wag kang mag alala.Normal naman lahat ang examine sa kanya.Siguro sa sobrang pagod at puyat lang kaya bumigay ang katawan nya.Mamaya maya lang magkakamalay na din sya._Doctor.
Sa mismong hospital ng pamilya namin ko sya dinadala.Mas mabuti na yung maasikaso sya ng mabuti.Napatingin na lang ako sa maamo nyang mukha.Tumawag na din ako kay TOP na hindi ko na sya masusundo at magkita na lang kami sa condo nya mismo mamaya.Hindi ko kasi alam kung anong oras magkakamalay itong pasyente ko.
"Asan ako,Anong nangyari sa akin?_Visor girl.Napansin ko na hinang hina pa din sya kahit nakatulog na sya ng ilang oras.
"Ahh,Miss kalma lang.Nasa hospital tayo.You need to rest a bit,sabi ng doctor na tumingin sayo.Anemic ka daw._AKO.Pilit kasi syang bumabangon kahit may nakalagay pang dextrose sa kanya.
"Okey na ako,Kailangan ko ng umalis.Hindi naman basta nakakamatay ang anemnia._Saka nya inalis yung needle na nakasaksak sa kamay nya at saka dahan dahang tumayo.Pero agad din namang napaupo kaya inalalayan ko.
"Miss naman,Ang tigas ng ulo mo eh.Sabi ng magpahinga ka na muna eh.
Pati yang nakakabit na dextrose mo inalis mo pa.haaaaist!_AKO.Kaya ka pala hinihimatay dahil sa katigasan ng ulo mo eh..Bulong ko."Matigas na kung matigas ang ulo pero kailangan ko n atalagang umalis.
Please naman Miss oh,tulungan mokong magpaalam sa doctor._Miss Himatayin.Sa itsura ng mukha nya,halata namang kahit anong pigil ko aalis at aalis pa din sya."Okey ganito na lang ha,Tatawagin ko lang yung doctor at kapag pinayagan ka nyang lumabas na saka tayo sabay na aalis na dito okey?_AKO.Tumango naman sya at saka ako lumabas ng kwarto.
Mabilis lang ang paglapit ko sa nurse station,Pero pagbalik namin duon ng nurse at saka nung doctor,Wala na dun si Girl.
"Haaaaist!Ang tigas talaga ng ulo.Doc pasensya na po kayo,i need to go na din.Kayo na ang bahala sa released papers.Bye._AKO.My dads family owns this hospital.Pero mas pinili ni dad na sa negosyo ng pagkain magfocus.
Hindi daw nya linya ang pagiging doctor gaya ng parents at mga kapatid nya.Then TERRY'S GRILL was became famous after they gave birth to me.
At nagtuloy tuloy na ang success nila ni mom after that.Nakita kong nag aabang ng masasakyan si Anemic girl.Unlike kanina na namumutla sya,medyo okey na naman sya kahit papaano.Huminto ako sa tapat nya at saka ko ibinaba ang salamin ng kotse ko.
"Miss Anemia,Mahihirapan kang makakuha ng masasakyan dito.Try mo kaya dun sa labas mag abang?_AKO.Napatingin naman sya sa sinasabi kong labas,may kalayuan pa ang lalakarin nya para makarating dun.
At dahil hindi pa naman sya ganun kalakas,malamang himatayin na naman sya ulit bago makarating dun."Salamat Miss.So...Sorry nga pala kanina.Hindi naman ako tumatakas,nag iwan ako ng sulat dun sa mesa para dun sa babayaran kong bill sa hospital promise,hindi naman talaga ako tatakbo sayo._Miss Anemic.
"Uhmmm well,sa totoo lang kahit na nag iwan ka ng letter dun sa room at sinasabi mo ngang di ka tumatakas,yun naman kasi talaga ang totoong dahilan mo for sure...Wala kang pambayad right?_AKO.Actually,ayoko sana syang prangkahin dahil naaawa ako sa kalagayan nya pero dahil sa katigasan ng ulo nya,dapat na syang gamitan ng kamay na bakal.
"Hindi...Hindi talaga.Magbabayad ako.Pero hindi pa lang ngayon.Ang mahal naman kasi ng pinagdalhan mo sa akin,meron namang mga public lang na hospital._Miss Anemic.Napansin kong nilalamig na sya kaya agad akong bumaba at saka inabot sa kanya yung jacket ko na nasa kotse ko.
"Look at your self Miss...Dahil dyan sa katigasan ng ulo mo,lalo kang magkakasakit eh.haaaist.Ang mabuti pa sumakay kana lang muna sa kotse ko at ihahatid na kita sa bahay nyo._AKO.Isa pang tanggi nito iiwan ko na talaga sya.
"Salamat._Miss Anemic.At saka sya kaagad pumasok sa sasakyan ko.
Napa smirk naman ako.Akala ko,magpipilitan na naman kami dito hanggang magdamag.Napailing na lang ako."Salamat Miss ha.Masyado na kitang naabala.Pero wag mo na lang ako sa bahay ihatid kung okey lang.Sa PGH mo na lang ako ibaba._Miss Anemic
Napakunot ang nuo ko sa sinabi nya.Kaya ba sya nagmamadali dahil may pasyente din syang kailangang puntahan?"PGH...You mean Philippine General Hospital?Meron ka bang bibisitahin dun in the middle of the night?_AKO.Kaya naman pala talagang hihimatayin sya dahil after ng trabaho nya as sales supervisor sa mall,may pasyente pa syang pupuntahan.
Tumango lang sya at saka ko napansin na panay ang hawak nya dun sa kamay nyang tinusukan kanina ng dextrose.May nakita akong kaunting dugo dun sa kamay nya.Siguro medyo masakit pa yung pinagtusukan nung karayom kaya hawak hawak nya at minamasahe.
"You better use this.Makakatulong to para mabawasan yang ngalay mo.Imasagge mo sya dun sa pinagtusukan ng karayom._AKO.Inabutan ko sya ng cold compress pad.May mga dala kasi akong emergency medicine at mga bandage palagi sa kotse.
"Wala kasing nagbabantay sa nanay ko dun sa hospital kaya kailangan ko talagang puntahan sya kaagad.Kaya naman kinapalan ko na talaga ang mukha ko na sumakay sa kotse mo kahit andami ko ng perwisyong nagawa sayo.Salamat talaga Miss ha,Utang ko sayo ang buhay ko at pati na din ang nanay ko._Miss Anemic.Saka ko napansin na umiiyak na pala sya.
"Heey!Stop crying.Baka sabihin ng mga tao inaaway kita.Look hers Miss,
Wala naman akong nagawa masyado.Ikaw talaga ang Super hero.Kahit na halos magka hima himatay kana,gagawin mo pa din ang lahat para sa nanay mo.Kaya lodi na kita.Kung kanina,naiinis ako sa katigasan ng ulo mo...Ngayon,naiintindihan na kita.Dont cry na,gusto mo bang makita ng nanay mo na umiiyak ka,baka pati sya mawalan na din ng lakas ng loob nyan sige ka._AKO.Tumango tango sya sa akin at saka ipinahid sa kamay nya yung mga luha nya."Dito na lang ako Miss.Salamat talaga sa lahat.Makakabayad din ako sayo.
Basta wag lang agad agad ha.Salamat ulit._Miss Anemic.At saka sya patakbong pumasok na sa loob ng hospital.Ni hindi ko na nga pala nagawang itanong ang pangalan nya.Ang totoo nyan,hindi ko naman nakita yung sulat na iniwan nya daw sa mesa ng room nya dun sa hospital.Kaya hindi ko alam kung makokontak ko pa nga ba sya para mangumusta at hindi para singilin sya.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...