Nagpabili lang ako ng regalo at saka ng wine sa assistant ko (mula ng ipaalam ni dad sa lahat na anak nya ako,Kinailangan ko na ng assistant at secretary para sa mga transaksyon ko sa kumpanya) at saka ako mag isang nagpunta sa bahay na itinuro sa akin ni kuya Rene.At dahil ako lang naman mag isa ang pumunta kaya kotse lang ang dinala ko at hindi yung mini coaster ko na gamit kapag pumapasok.
"Dane!Pasok ka dito sa loob.Akala ko hindi kana makakarating eh.Mabuti at hindi ka naligaw?_Kuya Rene.Agad nya akong pinagbuksan ng gate.Mababa lang naman yung gate nila kaya tanaw mula sa loob ng bahay nila kung may tao sa labas.
"Aba,Andito din pala si Dane.Pagka ganda gandang bata talaga ay!_Sir Jim.Naabutan ko sila sa loob na malamang kanina pa nagsimula sa inuman.
"Hello po sa inyo.Pasensya na kung na late na ako ng dating. Nasaan nga po pala yung grumaduate nyong anak kuya Rene?_AKO.Hindi ko pa kasi nameet ang pamilya nya.Yung pamilya lang ni Kuya Jun ang nakilala ko na nuong una pa.
Agad namang tinawag ni Kuya Rene yung anak nya.Medyo nangiti ako sa bata nung mapansin ko na boyish sya kumilos.Naisip ko,May chance...
Parang si TOP lang nung ganun din ang edad namin.Agad kong inabot sa kanya ying regalo at masaya naman syang nagpasalamat sa akin."Dane,Kumain kana muna at saka mo kami samahan dito.Sigurado ako na sanay ka sa inuman.Ang mga kaidaran mo ngayon ay malalakas ng uminum lalo kapag nasa diskuhan._Sir Amado.Sya yung head sa department namin na VP ng unyon before.
"Si Boss Amado talaga,Diskuhan pa din ang tawag.Bar na ngayon. Hahahaha.Napaghahalataan sa edad eh.Syanga naman Dane,Marunong ka bang uminum?_Kuya Jun.
"Opo,Umiinum din ako.Sige po,kakain na muna ako saka ako babalik dyan.
_AKO.Saka ako sinamahan ni kuya Rene sa kusina at inasikaso ng wife nya."Ikaw pala si Dane.Tama nga ang asawa ko nung sinabi nya na napaka ganda mo daw.Nuong una,hindi ako naniniwala.Sabi ko ang OA naman sa pagkaka describe,Pero nung madalas ka ng ikwento sa akin at nung malaman nilang lahat na anak ka nga daw pala ng CEO,Kahit di pa kita nakita,naniwala na nga ako na maganda ka.At totoong totoo naman talaga._Ate Martha.Na nanlalaki pa ang mata habang nagkukwento.
"Hahahha.Grabe naman po.Hindi naman po ako maganda,kaunti lang.
Pero salamat nga din po pala sa pag invite sa akin dito._AKO.Masarap ang mga handang niluto ng asawa ni kuya Rene kaya naman nabusog ako sa mga kinain ko.Maya maya pa ay naki umpok na din ako sa mga ka opisina ko at agad akong inabutan ng alak ni kuya Jun."Aba'y hinay hinay lang nagpapapa inum dyan kay Dane,Baka malasing ng husto yan at di na makapag drive ng kotse nya pauwi._Ate Flora na kadarating lang kasama yung asawa nya.
"Ayan na pala si Mayora eh!Masyado ka namang late dumating,Usapan lunch abay miryenda na ah!_Kuya Jun.
"Matraffic sa edsa.Malayo ito sa amin.Baka naman gusto nyo na muna kaming pakainin bago nyo tagayan yang asawa ko?_Ate flora.Nagtawanan kaming lahat dahil naka ilang tagay na ung asawa nya bago pa sila makakain.
Madilim na bago pa kami nakapagpaalam kila kuya Rene at sa asawa nya.
Hindi na muna ako umuwi sa bahay at naisipan kong tawagan si Sally para makipagkita s kanya.Dahil dala ko naman ang kotse ko,Hindi ako nag aalala na may makakita sa amin kaya sa CK mall ko na sya sinabihang pipick apin."Dane?Is that you DANE?_Sydney.Eksaktong kapaparada ko pa lang ng kotse ko sa parking lot ng mall,saka naman pasakay si Sydney sa kotse nya pauwi.
"Ohhh,Syd!Hello...Kamusta?_AKO.Palinga linga ako dahil any moment papadating na din si Sally dito.
"What are you doin here?Akala ko ba pumunta ka sa bahay nung ka work mo?Akala ko nagkamali lang ako sa nakita eh.Hindi ikaw yung tipo na papasyal dito kung di importante at pinilit ka lang ng mommy._Sydney.Lumapit sa akin at bumeso.
"Ahh,Biglaan lang din kasi.Nagpasundo si TOP kaya kahit ayokong dumaan napilitan ako._AKO.Hindi ko alam ang ipapaliwanag kapag nagkita sila Sydney at Sally.
"Si TOP andito sa CK?Ang alam ko matagal na syang wala dito hindi ba?
Bumalik na ba sya ulit sa branch nya?_Sydney.Bakit ba naman kasi ang labo din ng dahilan ko.Totoo naman kasing wala na dito si TOP matagal na."Actually,may dinaanan lang sya sa branch nya kaya nagpapasundo dahil sandali lang naman sya.Nasa pagawaan daw kasi yung kotse nya._AKO.Aware naman si Sydney na hindi din nagsasabi si TOP sa status nya kaya bulok na kotse ang gamit nya.
"Okey,Sige kita na lang tayo sa bahay.Mag ingat ka sa pagmamaneho.Amoy alak ka.hahahah._Sydney.Saka kumaway sa akin pagpasok sa kotse nya.Bumalik tuloy ulit ako sa kotse para mag spray ng mouthwash.Nakakahiya namang mag uusap kami ni Sally na amoy alak ang bibig ko.
"GD,Kanina kapa ba?Pasensya kana hindi kaagad ako naka labas.Nauna na nga sila Joyce at Dess sa akin umuwi eh.Ayos ka lang ba?_Sally.Saka sya napatingin sa kotseng dala ko.
"Hindi naman,kadarating ko lang.Hiniram ko nga pala sa boss ko.Sinabi ko kasi na may kikitain akong speacial friend kaya sinabihan nya akong gamitin ko na lang daw muna at bukas ko na ibalik pag pasok._AKO.Another kasinungalingan na naman pero wala akong choice.
"Wow,Ang yaman ng boss mo ah.Mamahalin ang kotse.Dyan tayo sasakay?
Saan naman tayo pupunta?_Sally.Saka excited na pumasok sa loob kaya sumunod na din ako kaagad."Saan mo ba gusto pumunta?Tamang tama kasi hindi na masyadong matraffic ngayon._AKO.Bukod kasi sa walang pasok dahil sabado,tapos na din ang rush hour.
"Uhmmm,Parang gusto ko sa isang tahimik na beach.Yung walang mga tao tapos nakaupo lang sa buhangin habang umiinum tapos nagkukwentuhan.
_Sally.Napalingon ako sa kanya at tinignan ang itsura nya kung nagbibiro lang ba sya o hindi."Bakit moko tinitignan,Mukha ba akong nagjo joke?Nagtatanong ka san ko gustong pumunta diba,kaya sinagot kita._Sally.Saka sya muling tumingin sa harapan ng kotse.
"Seriously?As in sa beach talaga in the middle of the night?hahahahah.
Okey fine,Dadalhin kita sa beach.Kaya lang papano kung di tayo kaagad makauwi,May pasok ka bukas._AKO."E di aabsent ako.Ikaw ba okey lang sayo na umabsent ka sa work mo?
Ay papano nga pala itong kotse ng boss mo,hindi mo maibabalik kaagad kung sakali?_Sally.Natawa na lang ako sa kanya at saka sya kinurot sa pisngi."Ayos ka din magtrip noh?hahahaha.Dont worry about the car,kasi pwede ko naman syang ipaalam na hindi ko maisosoli kaagd.So fasten your seatbelt my majesty and we will be going to the beach._AKO.Saka kami sabay na nagtwanan.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...