87.GD POV'S

1.6K 70 7
                                    

Sobrang daming revelation na sa totoo lang parang puputok na ang ulo ko sa dami ng nalaman ko.I decided to stay here in TOP AND TERRY'S Condo
para naman kahit papano mabawasan ang isipin ko.Kung kelan naman ako may problema,saka naman nakisabay itong si TOP na may problema din sa pamilya nya.

"Ano nga ba kamo ulit yung sinasabi mo DANE,Dating nagkaroon ng relasyon ang Mommy mo sa YAYA CORA mo tama ba?_Terry.
Inabutan naman ako ni TOP ng beer at tinabihan sa sahig sa pag upo.

"Ano namang nakakagulat dun,wala namang mawawala dahil parehas silang babae?Saka isa pa,tanggap naman ni Tito Mandy na past na yun.
_TOP.

"Ang problema,Sila naman ngayon ni Sally.Na pamangkin pala ni Yaya Cora.Papano naman tatanggapin yun ni Sally sa tingin mo?
History repeat itself?Tapos malalaman nya pa na sobrang yaman naman pala ng jowa nga,Sa palagay mo ganun lang kadali ang lahat?_Terry.

"Ano naman ang bigdeal dun?Hindi naman kagaya ni JOYCE si SALLY na hate na hate ang mayayaman..Wait teka lang,Speaking of Hatered nga pala...TERRY,alam ko na kung bakit ka BINASTED ni JOYCE...Hindi dahil ayaw nya sa tomboy,Kundi BAKA NALAMAN NYANG ANAK MAYAMAN KA.
_TOP.

"Ohhhhh!Bakit di ko nga pala naisip yun.Posible ngang  yun ang dahilan.
Ibig sabihin,Hindi dahil hindi nya ko gusto kundi dahil sa anak mayaman ako kaya nya ko inayawan._Terry.

"Then prove to her that kahit na mayaman ka,hindi ibig sabihin nun na kagaya ka na din ang pamilya nung asawa ng tatay nyang masama ang ugali at matapobre._AKO.

"Hahahha.Actually,magkakaroon kapa din ng problema kung sakali dude.
Parang hindi pa din duon matatapos ang kalbaryo mo kung sakali._TOP

"Kasi paniguradong hindi makakapayag ang parents mo sa relasyon nyo.
Hindi mo gayahin tong si TOP,May instant fiancee na kaagad.
Super supportive ng parent sa pagiging lesbian nya._AKO.
Enggage na kasi si TOP sa anak ng ka business partner ng parents nya.

"Wag tayong pakasisiguro dyan.Kahit pa boto ang parehong partido nilang dalawa,Ang tanong...GUSTO ba naman ni TOP si babae?
Kahit babaero yang si TOP,Naniniwala pa din yan sa LOVE sympre._Terry

●●●●●

Umuwi ako ng bahay na wala pa ding konkretong sagot sa mga tanong ko sa isipan.Hind na muna ako pumasok sa kwarto ko at naglakad lakad na muna sa labas ng bahay.Gusto ko na munag makalanghap ng sariwang hangin.

"Naguguluhan kapa di  ba sa mga nangyayari sa pamilya natin anak?_Daddy.Nakaupo sya sa pool area at may brandy na nakapatong sa lamesa.

"DAD?Bakit andito ka...Malamig na dito ah?_AKO.Saka ko sya tinabihan sa upuan.

"Parang ikaw din,Gusto ko lang magpahangin.Mag isip isip.Iba din kasi ang sariwang hangin,mas ramdam mo na may hagod._Daddy.

"Dad...After mong malaman na may something kila Yaya Cora and Mom,Bakit hinayaan mo lang silang dalawa na magkasama pa din dito sa bahay?_AKO.

"Dahil ang nakaraan ay nakaraan na.At kahit naman ano pa ang gawin ko,hindi na mawawala ang pagtingin ng mommy mo para kay Cora.Nagmakaawa ang mommy mo sa akin na wag kong paalisin si Cora sa bahay kapalit ng Pangakong mula sa araw na yun pinuputol na nilang dalawa kung ano man ang namamagitan sa kanilang at magpo focus na lang sya sa pamilya.
At ng dumating ka sa buhay namin ng mommy mo,saka ko lalong napatunayan na magkaibigan na lang talaga ang turingan nila sa isat isa._Daddy.

"Dad,Gaano kasakit sayo na malaman na ang karibal mo sa puso ng mahal mo ay babae din pala?_AKO.Ngumiti sya sa akin ng bahagya at saka ako hinaplos sa buhok.

"Kapareho din ng kung lalaki ang naging karibal ko sa mommy mo.
Walang kaso kung babae o lalaki ang involve anak...Ang pinagbabasehan ay kung sino ang sa huli ang nakakalamang.At dahil meron akong DANE sa buhay,Sigurado akong...ako ang NANALO SA LABAN._Daddy.
Saka ko sya niyakap ng mahigpit.

"Daddy,Maswerte din ako na ikaw ang naging tatay ko eh.Bukod sa magandang lahi na namana ko sayo,Magandang buhay din ang ibinigay mo sa akin.Wala na akong mahihiling pa sa buhay. Kung totoong nagpasabog ng swerte si God nuon...Malamang ang dami kong nasalo kaya ganito ako kaswerte sa buhay._AKO.

"Hahahaha.Pareho pala tayong maswerte kaya lalo tayong yumayaman anak eh!Kamusta na nga pala yung Jetplane na inorder mo,padating na daw ba?_Daddy.Saka ako napakamot ng ulo.Sabagay,di naman na ako magtataka kung alam nya lahat ng nangyayari sa akin.

"Next week na sya darating Dad.Actually,excited na nga akong ma test sya.Gusto mo bang ikaw ang unang makasakay dun daddy?_AKO.

"Alam ko naman na may iba kang gustong maisakay duon anak.
Madami pa namang time na kami naman ng mommy mo ang isasakay mo duon.Ayoko namang sirain yung plano mo para sa special someone mo.
_Daddy.Saka naman ako nag blush.Pati ba relasyon ko kay Sally alam nha na din?

"Wag kang mag alala.Approved sa akin yung nagugustuhan mo anak.
Maganda at saka mukhang mabait na bata.At isa pa,kilala natin ang pamilya dahil hindi na iba sa atin si Cora._Daddy.

"Dad,You mean to say...Alam mo ng lesbian ako?_Ako.

"But ofcourse anak.Nag iisa kitang laman at dugo kaya kilalang kilala kita.
Bata ka pa lang wala ka ng hilig sa mga manika at bestida.
Pero ininsist pa din ng mommy mo na maging babae ka kaya lumaki kang maganda at babaeng tignan.Hanggang sa malaman ng mommy mo na nagkagusto ka na nga sa pamangkin ni CORA._Daddy.

"You mean to say,alam din ni Mommy na lesbian ako at alam nyang si Sally ang special someone ko nuon pa?_AKO.

"Naku hindi naman,kailan lang din namin nakumpirma.Wala din kaming kamalay malay nuon.Pero mula nung magka interes ka sa kumpanya at naging masigasig sa pagta trabaho,saka nalaman ng mommy mo ang nagawang impluwensya sayo ni Sally. _Daddy.

"Hirap na hirap pa naman ako sa pagtatago ng tungkol sa amin ni Sally Dad.
Kahit gusto ko syang bisitahin sa CK MALL hindi ko ginawa dahil sa takot ko na kapag nalaman ni mommy ang tungkol sa amin,awayin nya ito bigla at paalisin._AKO.

"Galit na galit nga nung umpisa ang mommy mo.Gusto nga daw nyang sabunutan at kaladkarin si Sally kapag nakikita nya.
Kaya lang nakikita nya daw ang sarili nya sa inyo nuon kaya alam nya ang pakiramdam.At naiintindihan nya kayong dalawa.
Ang sabi nga nya,baka kaya hindi naging sila sa ending ng istorya nila ni Cora dahil kayo pala ni Sally ang nakalaan para sa isat isa._Daddy.

Hindi na ako magtataka kung bakit patuloy ang pagbuhos ng mga biyaya sa aming pamilya.Dahil bukod sa talino at sipag ni Daddy sa pagpapalago ng aming kumpanya,Punong puno din ang puso nya ng pagpapatawad at pang unawa para sa lahat.Kaya naman mas lalo kong hinangaan at minahal  ang daddy dahil sa kanyang kabaitan.


















  

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon