Ito ang unang pagkakataon na tutuntong ako sa opisina ni Miss Sydney V.
Malaki ang loob ng office.Halatang mamahalin ang mga gamit sa loob at halatang western style ang disenyo ng loob.Para syang opisina na parang hotel combined.Pagpasok pa lang,May sasalubong na kaagad sa inyong nakangiting receptionist at iga guide kayo sa loob.
Pinaupo kami sa isang malambot na sofa na may mga magazine at books sa ibabaw ng lamesa.Lumabas ang secretary mula sa loob at saka kami sinabihang pumasok na daw."Hello ladies,Have a seat.May mga gusto lang akong i confirm kaya ko kayo ipinatawag._Sydney.Nakaupo sya sa chair nya ng naka relax.
"Good morning din po ma'm!_Sabay sabay naming bati nila Joyce at Dess.
Kabado kami mula pa kaninang ipinatawag kami ni Miss Sydney V.
Wala kaming natatandaang may nagawa kaming mali para ipatawag."I guess nagulat at the same time kinabahan kayong tatlo ng nalaman nyong ipinatatawag ko kayo right?_Sydney V.
Saka kaming tatlo nagtingin at tumango sa knya."Yes po ma'm.Ang totoo nyan nag iisip talaga kaming tatlo kung ano ba ang mga nagawa naming kasalanan bakit nyo kami pinatawag._Joyce.
"Well,hindi ko kayo masisisi kung ganyan ang maramdaman.Pero para makabawas sa alalahanin nyo,hindi ito tungkol sa kung may mga kasalanan o mali ba kayong ginawa,in fact dahil ito sa ilan nyong mga nagawang maganda kaya ko kayo ipinatawag._Miss Sydney.
Magandang babae si Miss Sydney,hindi nga lang sya chinita gaya ng mommy nya."Naku Ma'm,Akala po namin may palpak na kaming ginawa kaya kami andito.Salamat naman kung para pala sa maganda naming nagawa,meron pala.hihihi._Dess.As usual,Nagsimula na naman si Dess sa pagpapaka bibo nya.Pati tuloy si Sydney napangiti sa kanya.
"Yeah,Base dun sa monthly performances nyo kayong tatlo ang nasa una palagi among your co league when it comes to sales is concern.
Si Miss Mercado ang palaging nangunguna bilang best supervisor of the month.Habang si Miss Nakpil naman ang most recommended sales representative of the month.Then si Miss Magtanggol naman ang palaging may pinaka mataas ang sales among her co workers every month.
Consistent yun ha,hindi iisang buwan lang kundi madalas.
Kaya naman bilang mga huwarang employee dito sa mall,Bukod sa dagdag na sweldo nyo,May mga free certificate din kayo sa SPA at Salon para i pamper ang inyong mga sarili paminsan minsan._Miss Sydney."Maraming Salamat po Ma'm.Malaking tulong po iyun sa aming lahat.
Asahan nyo po na lalo pa naming mas pagagandahin ang amjng mga performance sa araw araw._AKO.Sa wakas nakapag salita na din ako.
Ewan ko ba,bakit kapag kaharap ko silang mag ina palagi na lang akong napapatulala sa kanila."Opo Ma'm Maraming salamat po sa mga biyaya.Masaya po kaming kahit papaano,may nakakapansin sa mga pinaghihirapan namin._Joyce.
Malaking bagay sa kanya ang dagdag na sweldo para sa pang dagdag nilang gastusing mag ina."Ako din po Ma'm,Nagpapasalamat din po.Di lang pala kayo maganda,pati heart nyo maganda din._Dess.Napangiti namang muli si Miss Sydney
"Hahahha.Napatawa mo ako ha.Pero sa totoo lang,kayong tatlo din daw ang pinaka mgagandang empleyado dito.Madami nga daw mga nanliligaw pero hindi nyo pinapansin at focus kayo sa trabaho lang.Hindi lang kayo huwarang mga empleyado,mga beauty queen pa ang dating. Hindi na ki magtataka kung bakit lapitin kayo ng mga costumer._Miss Sydney.
Lumabas kaming tatlo na may mga ngiti sa mga labi.Hindi lang dahil sa dagdag na sahod sympre,pati na din sa pag appriciate ng mall sa mga ginagawa namin para sa kumpanya.May mga ilang employee din na ipinatawag si Miss Sydney para din bigyan ng mga parangal.
"Sa wakas,May dagdag sahod na din.Mabibili ko na yung magazine na gustong gusto kong bilhin nuon pa._Joyce.Mahilig kasi sya sa fashion kaya gustong gusto nyang nagbabasa ng mga latest issue ng fashion magazine.
"Tama ka dyan.Mabibili ko na din yung make up na gusto ko.Ang mahal naman kasi kaya di ko ma afford,nahuhuli na tuloy ako sa latest trend.
Pero infairness,ang dali patawanin ni Miss Sydney ano?_Dess.Yun din ang napansin ko.Strict sya sa unang tingin pero kapag nakausap mo ng matagal,palagi naman pala syang nakangiti."Ikaw Sally,Anong bibilhin mo para sa sarili mo?Dont tell me para na naman sa tuition fee yan ng kapatid mo?_Joyce.
"Loka,Hindi noh.Di na ko masyadong nag aalala sa tuition fee dahil tatlo na kaming naghahati hati sa gastos sa bahay.May pinag iipunan kasi ako.
_Di ko lang masabi sa kanila na gusto ko kasing tubusin yung kwintas na isinanla nuon ni GD.Naiwan kasi ni GD sa akin yung resibo nung isinanla nya,nakaiwan sa isa sa mga isinuot nyang short nuon kaya buwan buwan ko lang syang tinutubuan para hindi maremata."Ay graabe sya oh,Nag iipon na yan para sa future!Iba na yan.Hahahah.
Bakit Sally,Ayaw mo din bang makapag asawa ng mayaman gaya nitong si Joyce kaya ikaw na ang nag iipon para sa kinabukasan nyo?_Dess."Luka luka ka talaga Dess!Pati pag ayawa ko sa mayayaman naungkat pa dahil lang sa pag iipon nitong si Sally?Hahahaha.Ikaw ba,mayaman ang gusto mong mapangasawa?What if matapobre yung maging inlaws mo keri mo ba?_Joyce.
"Heheheh,Sympre hindi.Pero kahit mayaman o mahirap okey lang naman din sa akin basta mahalaga nagmamahalan kami.At saka sa lakas ng charm at appeal ko na ito,kahit siguro may ari pa ng fast food chain yan mapo fall sa akin._Dess.Saka kami nagtawanan tatlo.
"Lakas din talaga ng tililing nitong si Dess anoh?Ibang klase.Puro ka kalokohan Dess,Seryoso na nga kasi...What if mayamang gwapo nga yung manligaw sayo,kaya lang matapobre at ayaw sayo ng magulang dahil poor ka lang,Anong gagawin mo?_AKO.
"Well,baka maghanap na lang ako ng iba.Ayoko namang ipilit ang sarili ko sa mga taong ayaw sa akin.Kung talagang mahal mo naman ang isang tao kahit na sino at ano pa sya basta masaya ka sa piling nya hindi mahalaga ang pera._Dess.
"Wow ha,Ikaw na ba yan Dess Avila Nakpil?Kelan kapa naging open minded aber?Samantalang nung last na usap lang natin parang gusto mo nang paiwasin si Sally kay GD dahil sabi mo baka lesbian.Tapos ngayon meron ka pang basta masaya hindi mahalaga ang pera._Joyce
"Eh magkaiba naman kasi yun.Pero bigla ko din narealize pag uwi ng bahay,nung una ko ding nakita si TOP sa Happybee,Parang nagka crush din ako sa kanya nuon.Buti na lang kontra pelo kaming dalawa kaya nawala din yung pag ka crush ko sa kanya.Kaya naisip ko,hindi naman pala imposible na magka gustuhan ang parehong babae._Dess.
"Kita mo na,Ikaw din pala nakaranas ng ganun.Kaya wag tayong maging sarado sa mga bagay na nakikita natin sa paligid.Kung sa mga mata ng iba, hindi yun kaaya aya,let them be.You cannot please anybody naman eh.
Pero sa mga taong bukas ang isip sa pagbabago,Mas maganda ang pananaw sa buhay,mas masaya ang puso at isipan._Joyce.Saka kumindat sa akin."Tama ka naman dun Joyce.Narealize ko nga din yan.Maiba nga pala tayo, bakit biglang di na kayo nagkibuan ni TERRY?May naging problema ba?
_Dess."Saka ko na lang sa inyo ipapaliwanag.Basta hindi na lang ako komportable sa presensya nya sa ngayon,Isa pa sa dami na din ng natulong nya,parang ayoko na din namang mabaon sa utang at utang na loob kaya mabuti na yung iwasan na lang._Joyce.Napatingin ako kay Dess na nakatingin din pala sa akin.
Sigurado akong may mabigat na dahilan kaya sila biglang nag iwasan.
Pero gaya ng nakasanayan ko na,Hindi ko ugali yung mamilit sa isang tao na magsabi sa akin sa kung anong problema o sekreto nya,Inaantay kong sila mismo ang kusang umamin o magsabi sa katotohanan.Bawat tao may kanya kanyang dahilan kaya nakakapag tago ng sikreto,Ang mahalaga,sa huli,marunong syang umamin sa mga pagkakamali nya.

BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
Roman d'amourComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...