88.SALLY POV'S

1.7K 78 4
                                    

Hindi ko alam kung bakit basta na lang akong pinapupunta ni Sassy sa likod daw ng CK mall at dun ako mag antay ng masasakyan.
Dahil nauna na sila Dess at Joyce umuwi,Ako na lang mag isa ang naglalakad dito sa gilid ng kalsada palabas ng mall dito sa likuran.

Isang itim na Van ang biglang huminto sa tapat ko at saka may dalawang malalaking mama na humila sa akin papasok sa loob.
Agad nila akong piniringan at saka nilagyan ng takip sa bibig kaya wala na akong nagawa kundi makiramdam.

"Bumaba na po tayo Miss.Dahan dahan lang po baka kayo mauntog.
_Yung mama sa van.

"Teka nga,bakit nyo ba ako kinidnap ha,wala akong pera.Hindi ako mayaman.Wala kayong perang makukuha sa akin._AKO. Saka lang ako nakapagsalita matapos kalagin ang nakatakip sa bibig ko at saka ako ibinaba.

"Hindi ka naman nila kinidnap.Ihinatid ka lang dito kasi hindi na kita masundo dahil may inasikaso ako._GD.Mula sa likuran ko ay nakangiting GD ang nabungaran ko.

"GD,Anong ibig sabihin nito?Bakit tayo andito,Saan bang lugar ito?_AKO.
Saka ko napansin na may isang jetplane na nakaabang dun sa may di kalayuan. Sa gilid ay may naka lagay na banner ng pangalan nitong paliparan.

"Andito tayo sa Subic.At kung nakikita mo yang Jetplane na yan,Dyan tayo sasakay after nating mamili ng mga damit mo._GD.Sa laki ba naman ng jetplane at ng pangalan dun sa gilid nya,di ko pa ba sya mapapansin.

"Damit para saan?At saka bakit andito tayo sa Airport?Kanino ba itong airport na ito?_Ako.Saka sya ngumiti sa akin at hinawakan ako sa kamay.

"Mamaya na tayo mag usap,need nating magmadali dahil inaantay na tayo nung sasakyan natin okey?_GD.Hawak pa din nya ang kamay ko ng pumasok kami sa isang dutyfree store.

"Here we go,you need this one...Saka ito,ito at saka ito din._GD. Undies,swimsuits at saka floral dress ang mga damit na pinili nya.
Saka kami lumipat sa toiletries section at pumili naman sya ng basic na gagamitin gaya ng tanning lotion,off lotion, feminine wash at mouthwash.

May kalayuan din ang nilakad namin pabalik sa paliparan mismo kaya parehas kaming hiningal.

"Talaga bang walang sasakyan pagpupunta dito?Ang layo ng nilakad natin,sumakit yung mga binti ko._AKO.Maghapon na kasi akong nakatayo sa mall kaya nanakit talaga sya sa malayuang lakad ng biglaan.

"Hahahha.Im sorry hon.Hindi na mauulit.Actually meron syang sasakyan talaga pero pinaalis ko na kasi ang akala ko mas romantic yung naglalakad lang tayong magkahawak kamay at nagku kwentuhan.
Nawala sa isip ko na kakagaling mo nga lang pala sa maghapong pagtayo mula sa trabaho._GD.Saka ako hinalikan sa lips kaya wala na akong nasabi pa.Ganun naman ako pag si GD ang kaharap,nawawalan ng boses lalo na kapag nilalambing nya na.

"Wala naman akong choice kasi nakabalik na nga tayo oh.Lumarga na tayo para hindi tayo masyadong gabihin sa kung saan man tayo pupunta._AKO.
Tumawa lang syang hawak hawak pa din ang kamay ko at saka kami umakyat na papasok sa jetplane.

Napanganga ako pagpasok pa lang sa loob ng plane.Bukod sa bagong bago sya tignan sa loob,ngayon lang ako nakakita ng eroplano at napakaganda ng loob nya.
Spacious sa pinaka gitna nang daanan nya at may apat na upuan sa magkabilang gilid na malalaki.
Habang sa kasunod naman ay dalawang mahabang sofa din sa magkabilang gilid na may lamesa sa harap.

"Dun na lang natin ilagay sa cabin yung mga gamit natin. Para makapag palit kana muna din ng mas comfortable na damit.Don't worry,may dala akong damit mong pamalit dyan._GD.Pumasok kami sa sinasabi nyang cabin at saka tumambad sa akin ang isang pang dalawahang kama.
May nakita din akong maliit na banyo sa kabilang gilid.

Paglabas ko galing sa banyo,Napansin kong wala sya sa kama kaya lumabas ako para tignan kung nasaan sya.Nagulat ako ng makita ko na may mga tao pala kaming kasama sa loob ng plane.

"Good evening Ma'm,Welcome to GD Airlines.We hope for your safe and enjoyable vacation._FA.Merong tatlong babaeng FA at tatlo ding guy na nakangiting bumati sa akin.Magaganda at mga gwapo sila.
Saka ako nagulat ng makita ko si Sam na nakangiti sa akin na kumaway mula sa likuran.May isa pa syang katabing lalaki din na kasing edad nya.

"Sammy,Bakit andito ka?Wag mong sabihin na dito ka na nagta trabaho?
_AKO.Lumingon ako kay GD na nakangiting tumango naman sa akin.

"Yes ate,dito ako naka assign ngayon.Kami ng kasama ko yung naka duty just incase magkaroon ng trooble shooting or may kaunting aberya sa makina._Sammy.Kami na lang tatlo ang naiwan sa labas na nakaupo.Nagsibalikan na ang lahat ng crew sa assign area nila.

"Pero papano ka napunta dito,Hindi ba't nasa VAL ka?Mabuti at pinayagan ka nilang umalis duon?_AKO. Habang busy naman si GD sa pag aayos ng kakainin namin dun sa kabilang area.

"Ate,Nasa VAL pa din naman ako.Kaya lang kapag may private business na gaya nito,Isa ako sa pinadadala nila as maintenance crew.Alam mo na, puro magaganda at gwapo lang ang naaandito sa loob.Pati yung pilot at dalawang co pilot dito ate,mga gwapo at mga bata pa din kagaya ko.
_Sammy.Napangiti naman ako sa pagdidiin nya sa salitang gwapo.

"Hahahaha.Tama naman si Sammy dun Hon,Magaganda at gwapo nga lang ang staff nitong private plane.Pero hindi dahil may descrimination or whatsoever ha...Gusto ko lang na mas ma encourage yung mga investor at mga costumer ko na itong jetplane ko ulit ang i rent nila sa susunod.
For business purposes naman kasi yun._GD. Inaya na nya kami ni  Sammy na kumain ng dinner.

"So you mean to say,Matagal mo ng alam na sa pamilya pala ni GD itong VAL pero hindi mo sinasabi sa amin nila tatay?_AKO.Kay Sammy ako nakatingin.

"Hey,Ako ang may kasalanan at hindi si Sammy Honey.Nakiusap ako sa kanya na wag nya munang sabihin sa inyo dahil ako na mismo ang magsasabi sayo._GD.Saka sumenyas si Sammy sa kanya na babalik na dun sa pwesto nya.May sariling area kasi ang lahat ng staff at crew nila duon sa loob.

"Ang dami mo talagang sikreto Miss GD Villareal.Ano pa kaya ang sikreto mo na di mo pa nasasabi sa akin ha?Baka naman meron pa kong hindi alam tungkol sayo,sabihin mo na para isang bagsakan nalang._AKO.
Nakasimangot ako sa kanya.

"Uhmmm,wala na siguro akong iba pang sikreto maliban sa sikretong patay na patay ako sayo.hahahha.Pero seriously,bukod sa ang tatay ko ang may ari ng VILLAREAL AIRLINES at ang nanay ko naman ang may ari ng CK MALL,Ako din ang nag iisa nilang tagapagmana.While Sydney and Symon will get a lot din naman from our companies._GD.Saka ko lang din nalaman na parehong ampon lang sina Sydney at Symon kaya natural lang na kay GD mapunta lahat ng kayaman ng pamilya nila.

May apat na oras din kaming bumyahe sa himpapawid at magkatabi lang na nakahiga sa kama.Sa isang private Island sa JEJU kami papunta ni GD sa KOREA.Meron din daw kasi syang ka business partner duon na kailangang i meet.

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon