85.GD POV'S

1.5K 68 2
                                    

There's so much revelations today...Kaya naman halos hindi ko na alam kung saan ako tatakbo at magtatanong para malinawan ang lahat.
Hanggang sa matagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa harapan na ng presinto kung saan naka detain si Sabina.

"Hindi ko alam kung saan magsisimula.Kung ano ba ang unang itatanong ko kapag nakaharap kita.Siguro hindi ako yung unang tao na inaasahan mong makikipag usap sayo ngayon,Pero andito ako ngayon sa harapan mo._AKO.Kahit nasa magulong sitwasyon sya,hindi mo pa din makikita sa mukha nya.Magaling talagang magtago ng nararamdaman si Sab kahit nuon pa.

"Actually,Inaasahan ko ng ikaw ang unang kakausap sa akin.As expected,
Andito ka na nga sa harapan ko ngayon.Madami kang tanong na gusto mong malaman ang totoong kasagutan._Sabina.Inayos ang pagkaka upo at saka muling humarap sa akin.

"Bakit nyo ginagawa sa amin ang lahat ng ito Sab?Bakit ang pamilya ko?
_AKO.Kapag naiisip ko ang ginawa nila kay Yaya Cora,lalo akong namumuhi sa kanilang mag ama.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito Dane.Kasalanan mo na ikaw ang naging taga pagmana ng VAL dahil ikaw lang ang tunay at totoong na anak  ng mag asawang Villareal.Okey na sana ang lahat eh,Naka plano na na si Symon ang papalit sa daddy nyo sa VAL pero hindi naman pala yun totoo.
Kaya naman ikaw na sana ang target na mawala pero dahil sa Yaya mong pakialamera,pumalpak na naman ang plano._Sab.

"Kaya ba nakuha ng tatay mong ipadukot si yaya at takutin?Ganun ba talaga kayo ka LOOSER ng tatay mo na kahit ang mga taong walang kalaban laban ay idadamay nyo makuha lang ang gusto nyo?_AKO.

"Hahahah.Sino ba ang walang kalaban laban na sinasabi mo Dane? Kung ang pagbabasehan lang ay ang POSISYON namin ng yaya mo sa bahay nyo,Higit na mas malaki ang boses nya duon kaysa sa akin.Alam mo kung bakit?Bakit di mo itanong sa mommy mo?_Sabina.

"Alam mo Sab,Nagpunta ko dito para sana makausap ka at maliwanagan ako ng bahagya sa mga pangyayari pero parang mas lalo mong pinagugulo ang sitwasyon.Inaasahan ko din na kahit papano,may natitira pang kabutihan dyan sa puso mo para kay Symon at nagsisisi ka kahit papaano sa nagawa mo sa amin ng pamilya ko._AKO.

"Bakit Dane,Sa palagay mo ba magtitiis akong makisama sa inyo sa loob ng tatlong taon kung hindi kayo napalapit na din sa akin at kundi ko minahal kahit kaunti si Symon?Araw araw,kinakain ako ng konsensya pero pilit ko yung pinaglalabanan para sa pamilya ko.Sa pamilya ko na hindi ko kayang makita na naghihirap kaya ko yun ginawa._Sab.Saka sya umiyak sa harapan ko.

"Tama ba ko sa nadinig ko Sab,Kahit kaunti lang...Minahal mo din ako?_Symon.Hindi ko napansin na nasa likuran na pala naming dalawa ni Sab.

"Symon,What are you doing here?Ang sabi ng Daddy,bawal ka munang makipagkita o makipag usap kay Sabina._AKO.Agad syang lumapit kay Sab at saka nya ito niyakap.

"Get out of here.Hindi kita gustong makausap Symon.Umalis kana,kayong dalawang magkapatid.Umalis na kayo parehas dito._Sab.Saka sya tumayo at saka lumabas ng room.

"Umuwi na tayo Symon.Hindi makaka tulong sa kaso ang pagpunta mo dito.Mas lalo lang magiging kumplikado ang lahat.Lets go._AKO.Saka ako tumayo at nauna ng lumabas sa room.Nagpasalamat ako sa officer na nagbigay sa amin ng time para makausap si Sab na ngayon ay nasa sarili nya ng detension cell.

Hindi ko muna pinaandar ang sasakyan ko at pinauna si Symon na umalis at saka ako sumunod sa kanya.Halos magkasabay lang kami na nakarating sa bahay at nadatnan naming naka abang na sa aming dalawa sina Mom and Dad sa recieving area.

"Kamusta naman ang pakikipag usap nyo kay Sabina,Madami ba kayong nalaman o mas lalo kayong naguluhan sa mga kwento nya?_Daddy.
Parang bahagyang tumanda si Dad sa itsura nya ngayon.Dahil sa stress at sa kakaisip malamang.

"Mom,Why you didn't tell me about what happened to yaya Cora? Muntik na pala syang mapahamak .And you didn't tell me din na kapatid pala sya ni Tay Caloy._AKO.

"Bakit mo pa kailangang malaman yun?Para ikaw naman ang mapahamak?Kahit sino sa inyo,walang may alam sa lahat nuong una pero dahil dyan sa pagiging curious mo sa lahat ng bagay,Nagbago ang lahat.
_Mommy.

"Karapatan ng mga anak mo na malaman ang katotohanan CK.Hindi na sila mga bata kagaya nuon.Mas lalo mo silang pinaglilihiman,mas nagiging curious silang gawin ang mga bagay na akala nila ay tamang gawin.
Kaya lumaking mahina yang si Symon,Dahil na din sa palagi kang naka salo sa mga kapalpakan nya.Ano ang naging takbuhan nya ngayon...DRUGS
_Daddy.Ngayon ko lang nakaringgan si Dad na magsalita ng ganun sa harapan naming lahat.Never nyang kinontra si Mom sa mga desisyon.

"Daddy,Calm down.Baka ikaw naman ang magkasakit nyan eh.
Ngayong nasa korte na ang kaso,wala na tayong dapat pang pangambahan.Hindi naman tumitigil ang mga lawyers natin sa pag aasikaso sa lahat ng mga ebidensya._Sydney.

"Kung gusto mo pa lang malaman ng mga anak mo ang katotohanan,bakit hindi mo sa kanila sabihin ang totoong dahilan kung bakit ganun na lang ang pagka interesado ni Mondragon na makuha sayo ang VAL?_Mommy.

"Daddy,Is that true?May mabigat na dahilan talaga si Mondragon para kamkamin ang kumpanya kaya ganun na lang ang pagpupursigi nya?What is it?_Symon.Kahit kami ni Sydney ay nagulat.

"Drake Mondragon and I were the best of friend since childhood.
Pero dahil mahirap lang sila,hindi na kami nagkita since then dahil nag iba na ang circle of friends ko.As simple as that,Nagkaroon sya ng galit sa akin dahil sa paglimot ko sa pagkakaibigan namin.Nalaman ko na lang later on kung sino ba talaga sya at kung ano ang motibo nya._Daddy.

"Ang babaw naman ng reason na yun daddy,Dahil lang sa pag abandona mo sa kanya bilang kaibigan,Nagkaroon na  sya ng galit sayo to the point na kinailangan nya pang gamitin ang step Daughter nya at hangaring agawan ka ng kumpanya?_Sydney.Kahit ako ay sumang ayon sa sinabi ni Sydney.

"Takot din si Sabina maghirap ang pamilya nila kaya nya yun ginawa.
Her mom is a gambler.Lulong sa sugal kaya wala syang magawa kundi ang sumunod.Hindi din totoong mayaman sila Sabina sa Korea gaya ng pagkaka alam natin._Mommy.Saka ko naintindihan si Sabina sa sinasabi nyang ayaw nyang magutom ang pamilya nya kaya nya yun ginawa.

"Ohhh my God! Mabuti na lang at hindi ako natuluyang naging adik sa Casino.Baka ganun din ang sapitin ng mga anak ko pagdating ng panahon.
_Sydney.Nabayaran na din kasi nilang mag asawa sa akin ang utang nila.

"How about Yaya Cora dad?Bakit palagi sa aking sinasabi ni SAB na there's something goin on between her and sa Mommy? Anong dahilan at sinasabi yun ni Sab sa akin palagi?_Symon.Saka kami lahat napatingin kay Mom.

"Siguro mas magandang ang Mommy nyo na lang ang sumagot nyan.
Anyway,Its just a past.Kung ano man ang nangyari nuon...Malaki na ang kaibihan nun kaysa ngayon._Daddy.

Hindi naman kaagad nakapagsalita ang mommy sa sinabi ni Dad.Parang hindi nya inaasahang pati ang nakaraan nya din ay mauungkat.
Bakit ganun na lang ang reaksyon nya?At bakit ganun na lang ang paglilihim nya sa pagpapatira nya sa akin sa pamilya pala ni YAYA CORA.



"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon