94.SALLY

1.9K 70 14
                                    

     Magkaharap kami ngayon ni GD sa lamesa.Overlooking ang resto na kinakainan namin ngayon.Bukod sa tahimik at hindi sya crowded,May mahina syang background music na lalong nagpapagaan sa atmosphere.

"How do you like this place hon?Alam mo bang nung una ko itong napuntahan nuon,Ipinangako ko sa sarili ko na sa susunod na pag punta ko dito,kasama ko na ang mahal ko.At nagkatotoo na nga sya ngayon._GD.
Napakaganda ni GD sa suot nyang mini dress at kaunting make up.
Habang ako ay naka simpleng blouse at palda naman.

"Maganda sya hon,Saka tahimik.Perfect talaga sya sa mga gusto lang ng music habang kumakain.Maganda pa ang view._AKO.Pang lovers ang lugar kaya puro couples ang kasabay naming kumakain.

"Yeah,And this spot was the perfect.Kitang kita mo talaga ang kabuuan ng busy life ng Manila.Kapag hapon naman,maganda tignan  ang unti unting paglubog ng araw duon sa kanluran._GD.
Alam kong may gusto si GD na pag usapan kami kaya nya ako dinala dito.
Dito kasi sa area na ito,Wala ng iba pang umuupo liban sa amin lang.Ibig sabihin,okupado ni GD lahat ng mesa na katabi namin para walang istorbo.

"Kaya nga eh,Siguradong malaki na naman ang nagastos mo dito.
Bakit ba napaka gastador mo Miss Villareal?Akala ko ganun lang kadali pulutin ang pera.Aba,magtipid tipid ka naman._AKO.Pero sa totoo lang, kahit na anong gawin at gustuhin ni GD sa buhay,madali nya lang iyun lahat makukuha dahil sa yaman ng pamilya nya.

"Money is nothing kung ikaw naman ang pag aalayan ko hon.
Masaya akong makita kang masaya din.At gusto kong iparamdam sayo kung gaano ka ka espesyal sa akin._GD.Seryoso sya sa pagsasalita kaya hindi na ko muli pang nagbiro.

"Salamat GD sa lahat.Hindi ko naman mararanasan ang mga ganitong bagay kundi dahil sayo.Salamat din sa pagpaparamdam sa akin kung gano ako ka espesyal sayo._AKO.Nagsimula na akong maglitanya ng mga seryosong hugot para makapag open na din sya.

"May mga pangyayari lang talaga sa buhay ko na hindi ko man gustong gawin pero kailangan.Hon,Tungkol dun sa proposal ni mommy,kung ayaw mo naman hindi ko gagawin.Mas importante ang opinyon at mararamdaman mo higit pa sa lahat._GD.So,tama nga ako.Tungkol nga ito sa sinabi ng mommy nya nuon nung huli kaming nag dinner sa bahay nila.

"Hon,Kung ang tinutukoy mo ay yung request ng Mommy mo na magka anak ka,para sa pagpapatuloy ng lahi nyo...Mas ikaw ang inaalala ko.
Mas malaki ang pressure na naka atang sayo.Alam ko naman na kahit na ikaw,Labag sa loob mo ang gustong mangyari ng parents mo._AKO.
Higit kanino man,Mas apektado at mas mahirap para sa kanya ang sitwasyon nya.

"Your right hon.Sa sobrang pag iisip ko sa mga bagay bagay para na akong baliw.Mula pa sa pag gising ko hanggang sa pagtulog,Hindi ko na alam kung ano ba ang nararapat._GD.At naiintindihan ko sya dun.Natutuwa din akong malaman na kahit ganun kahirap ang pinagdaraanan nya,ako pa din ang unang unang inaalala nya more than her self.

"Hon,Hindi mo ako kailangang alalahanin.Naiintindihan ko ang sitwasyon mo.Alam kong napakahirap sayo ng gagawin mong desisyon pero kailngan mong gawin alang alang sa pamilya mo.Andito ako hon para umalalay sayo,hindi para dagdagan pa ang pasakit na kinakaharap mo._AKO.
Hindi madali ang sitwasyon pero ayokong makadagdag pa ako sa problema ni GD kaya kailangan kong magpakita sa kanya na hindi ako magiging problema sa gagawin nya.

"Hon...Are you sure about this?Hindi ka masasaktan kung sakaling ituloy ko ang gustong mangyari nila mom?Makikipag 'do ako sa isang lalaki, hindi sa taong mahal ko.May posibilidad na hindi lang iisang beses dahil wala namang kasiguraduhan na mabubuntis kaagad ako sa unang gabi lang...Kaya mo ba yung tanggapin Sally?Kaya mo ba akong iaccept yung fact na...While you are alone here,Im doing such thing with another guy?_GD.
Napansin ko na biglang pumatak ang mga luha sa mata niya pero agad nyang pinahid yun.

"GD,The fact na gagawin mo yun kahit labag sa kalooban mo at sa pagkatao mo...Sino ba ako para humadlang.May tiwala ako sayo Hon at sa pagmamahal mo para sa akin.Alam ko din na kaya mo yun gagawin dahil sa pamilya mo.Naiintindihan ko din ang punto de vista nila.
Hindi kita pipigilan sa magiging desisyon mo bagkus ay susuportahan kita hanggang sa mangyari ang dapat mangyari._AKO.Sa totoo lang,hindi ko din alam kung anong kalalabasan ng lahat ng mangyayari.Hahayaan ko si GD na magdesisyon sa lahat.

"Salamat sa pang unawa Hon...Alam ko kung gaano ka kabukas pagdating sa pag intindi palagi sa akin.Sorry kung palagi nalang kitang binibigyan ng alalahanin at problema.Wala na akong naidulot sayo kundi sakit ng ulo.
Alam ko,kahit hindi ka nagsasalita...Nasasaktan ka din.
Sally,This time...Gusto kong humingi sayo ng kapatawaran sa lahat lahat ng mga nagawa ko sayo nuon pa...Lalo na yung mga kasinungalingan ko.
Sana mapatawad mo ako lalo na sa gagawin kong desisyon._GD.
Bakit parang kinabahan ako sa huli nyang sinabi.

"Wala ka namang ginawang masama.Ginawa mo yun para protektahan ang pamilya mo.At pati na sa gagawin mo pang desisyon ngayon,Alam kong para din yun sa pamilya mo kahit labag sa kalooban mo_AKO.

"That's why ayokong maging unfair sayo Sally.Mas pinili kong magdesisyon para sa ikabubuti ng pamilya ko at hindi ikaw at ang damdamin mo ang naging una sa priyoridad ko.That's why i dont think you deserve me.Sa gagawin kong desisyon ngayon,Mas makabubuting lumayo para hindi ka masaktan.Ayokong maging UNFAIR sayo Sally...
You deserve someone na hindi ka ipagpapalit dahil lang sa yaman.
_GD.Saka muli na naman tumulo ang luha sa mga mata nya.And this time, namalayan ko nalang din na tumutulo  na din ang mga luha ko.

"Anong ibig mong sabihin GD? Nakikipag break ka sa akin dahil sa mas pinili mo ang kayaman nyo kaysa sa akin?That's a LIE GD,Alam natin pareho na hindi ito tungkol sa pera o kayamanan lang.Hindi ka ganun.Kilala kita.Hindi natin  kailangang maghiwalay dahil lang duon.
I'll support you all the way.Kung ano man ang kalalabasan ng lahat,
Handa akong tanggapin ka at ang magiging anak mo kung sakali._AKO.
This time mas naging emotional na ako talaga.

"Pero buo na ang desisyon ko Sally.Ayokong habang nasa ibang lugar ako, Andito ka at nag aantay sa walang kasiguruhang mangyayari sa hinaharap.You have your own life.Ayokong sa akin mo lang ifocus ang buhay mo at ikulong ka sa relasyong ako lang din naman ang may kasalanan.Im setting you free,Sally.Mula sa araw na ito...Malaya ka ng mabuhay at magmahal ng iba._GD.Na parang bombang sumabog sa harapan ko kaya hindi na ko nakapagsalita pa.

Umalis kami sa lugar na iyun at inihatid nya ako sa bahay ng wala kaming imikan.Hindi ko na nagawang magsalita pa dahil ayokong maging emosyonal sa harap nya.Kahit na alam kong pareho kaming nasasaktan, Mas pinili ko na lang manahimik para hindi masyadong mabigat para sa kanya ang pagdedesisyon.

Kahit naman ako,Mas gugustuhin ko ding sundin nya ang gusto ng mga magulang nya kaysa ako ang unahin at piliin nya.Hindi din kami magiging ganap na maligaya kapag ganun.

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon