17.GD POV'S

2.8K 96 1
                                    

     After hearing the news about TOP and Dess,Parang bigla akong kinabahan.Posible kayang kilala na ako ni Sally?Naalala nya siguro yung time na nabuhusan ko sya nuon ng coke sa Happybee at inihatid pa namin sya sa may Edsa.Pero bakit hindi nya ako kinompronta?Ibig bang sabihin nun,hindi nya na ko matandaan talaga?

"Paki ulit nga ulit yung sinabi mo GD,Dun ka tumutuloy sa bahay nung Magandang babae na di sinasadyang natapunan mo ng softdrinks?
Come on!Imposible naman yun.Papano nangyari?_Terry.Sa ikalawang pagkakataon,muli kaming nagkita ni Terry sa Holly Cafe.

"Actually,Nung una hindi ko din talaga sure na sya nga yun.Tapos kinabukasan,saka ko naalalang nagkita na nga kami before.Nung unang meeting kasi namin,tuliro pa ako nun eh.Saka ang gulo pa ng utak ko.

"Kung sakaling natatandaan nyang tayo nga yun,at ikaw nga.Bakit hindi ka pa din nya ini interogate o kinakausap man lang tungkol sa pagkatao mo?
Dapat pina alis ka na nya dun sa bahay nila at dinala ka na nya kay TOP para makauwi kana hindi ba?_Terry.

"Kaya nga kita tinawagan.Kasi kahit ako,hindi ko alam ang gagawin kong sunod na hakbang.Kung ako na nga ba ang magtatapat at aamin sa kanya mismo or iintayin ko na lang na komprontahin nya ako bago ako umalis duon?What do you think?_AKO.Saka ko naman napansing papasok sa loob ng cafe sila SYMON AT SABINA  kaya agad akong tumayo at nagmadaling pumasok sa banyo.

"Hindi ba sinabi ko na sayo,wag mo kong tatawagan dito sa number ko?
Wag mo kong sisihin,tatanga tanga ka kasi.Chance mo ng makuha si Dane naunahan kapa ng iba.Letse!Intayin mong ako ang tumawag sayo.Bwisit ka!_SABINA.Tama ba ko sa nadinig ko,Ako ang tinutukoy na gustong ipakuha ni Sabina sa kausap nya?Ibig sabihin,May interes sa akin si  Sabina nuon pa?Pero sa tatlong taon na magkakasama kami sa iisang bahay lang,hindi ko naman napansin na may lihim syang binabalak sa akin.

"Ang tagal tagal mo naman sa banyo,kanina pa umalis yung utol mo at yung jowa nya ah!Hindi naman siguro kayo nagkita sa loob noh?_Terry

"Terry...I think,Babalik na ko sa bahay sa lalong madaling panahon.
Kukuha lang ako ng tyempo at babalik na ko sa bahay agad._AKO.
Kung totoong may masamang balak sa akin si Sabina,hindi kaya posibleng  kasabwat nya din si Symon duon?

Pero bakit gusto nya kong ipadukot?Bukod sa pera at mana na makukuha ko,Ano pang gusto nyang maangkin?Mga negosyo ba?Kahit ba sarili kong kapatid,pwede akong pagtatangkaan para lang sa kayamanan?Bigla akong nalungkot sa isiping yun.

"GD ayos ka lang ba?Kung ano man yang iniisip mo,Paka isipin mo na muna ng maka ilang beses yan ha.Hindi biro ang maging anak ng isang mayamang pamilya.Minsan kahit pa nga sarili mong kadugo,mawawalan ka din ng tiwala..Pero lagi mong isipin na,Iba pa din ang totoong pamilya.
Kapag ipinaliwanag mo sa kanila ang lahat,sigurado akong matatanggap ka nila at maiintindihan.Tiwala lang._Terry.

"Gusto kong isipin na sana nga ganun lang yun kasimple.Ganun lang yun kadali.Sana nga pag uwi ko,Maging maayos na ang lahat._AKO.

Sa palagay ko,mas mababantayan ko ang kilos ni Sab kung nasa bahay ako at palihim na mag oobserba.At isa pa,nahihiya na din talaga ako kila Sally at sa buong pamilya nya.Sa totoo lang,malaking pasanin ako sa kanilang lahat.Ang isa pang problema,Ayaw nilang tatanggap ng kahit isang kusing sa mga tulong na nagawa nila sa akin.Ayoko namang mabaon pa ng husto sa utang na loob kung magtatagal pa ako sa kanila.

"Haaaaay...Ano ba namang buhay toh!Mayaman ka nga,mapera ang pamilya nyo,pero lahat naman kayo nagkakagulo!_AKO.Napasuntok na lang ako sa upuan sa harap ko dahil sa inis ko.Tinapik naman ako ni Terry at saka nya ako ibinaba sa EDSA.

"Kamusta naman yung pakikibalita mo sa mga pulis,wala pa din daw bang naghahanap sayo?_Sally.Nadatnan ko syang nagtitiklop ng mga damit na natuyo galing sa sampayan.Agad naman akong tumulong sa kanya

"Ganun pa din,Wala pa din daw nagki claim sa akin.Pero wag kang mag alala,sa palagay ko may posibilidad na may maalala na ako.Nung isang araw kasi,may naalala akong bigla about me.Parang naaalala ko na yung kwintas ko kung sino ang nagbigay,I think my mom gave that to me._AKO.
Nagsisimula na ako sa paunti unting pamamaalam.

"Mabuti naman.Sana magtuloy tuloy na para magkita na kayo ng pamilya mo.Iba pa din kung ngayong darating na pasko,kasama mo silang magsi celebrate._Sally.Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang nadarama kong kalungkutan habang sinasabi sa akin ni Sally yun.Parang hindi ko yata kayang hindi na makasama gaya nito.

"Talagang gustong gusto mo na kong maka alis dito noh?Hahahha.Sige ka, mamimiss mo ko nyan.Wala ng mangungulit sayo at mang aasar._AKO.
Pero yung tawa ko,Fake.Aaminin ko,habang sinabi ko ang mga salitang pamamaalam,gusto ng pumatak ng mga luha sa mga mata ko.

"Oo naman.Wala ng mangungulit sa akin.Mas panatag na ang kalooban ko kasi wala ng pasaway dito sa bahay.Isa pa,ang lakas mo kaya kumain.
Baka nga totoong mayaman ang pamilya mo,sympre mas maganda ang buhay mo.Di kagaya dito,palaging paksiw at gulay lang ang ulam mo.
_Sally.

Napayuko na lang ako.Lahat naman talaga ng sinasabi nya totoo.
Pabigat ako sa kanila.Pero masaya ako dito.Hindi nila ako itinuring na iba sa kanila.Kahit kapos at madalas sakto lang ang pagkain,kapag magkakasalo kami sa pagkain,mas magaan ang pakiramdam.

"Sally...Kahit ba papano,hindi ka naging masaya nung dumating ako dito sa bahay nyo?_AKO.Gusto ko lang sanang madinig mula sa labi nya na hindi lang ako basta pabigat sa kanila.Na sana kahit sa sandali ng pagtira ko dito,naging masaya din syang makasama ako.

"Well,kahit naman papaano masaya din.Kahit ang tamad tamad mo at buhay senyorita ka madalas dati,pinilit mo pa ding matuto._Sally.
Blangko lang ang ekspresyon nya.Parang wala lang.

"Ganun ba,Pasensya na talaga sa inyong lahat ah.Sinubukan ko namang pag aralan lahat ng itinuro mo pero talagang hindi sya ganun kadaling matutunan.Hinding hindi ko kayong lahat makakalimutan,lalong lalo kana._AKO.Napalingon ako sa ibang direksyon dahil any moment papatak na ang luha sa mata ko.

"Asus,Ang drama naman nito!Sympre malulungkot kami kapag umalis kana.Pero masaya din kami dahil makakasama mo na ang pamilya mo kung sakali.Wag kang mag alala,nararamdaman ko ng malapit mo na silang makita at makasamang muli._Sally.Ipinahid ko ang mga  luha ko sa mga palad bago ako nagsalita.Actually,gusto ko ng magtapat sana sa nararamdaman ko pero BAKA PAGTAWANN NYA LANG AKO.

Natatakot din akong baka kapag umamin akong gusto ko sya,IWASAN nya na ako at pandirihan.Kaya minabuti ko na munang hindi magtapat.

Sasarilin ko na lang muna sa ngayon.Saka na ako babalik sa kanya para mangumpisal.Sa ngayon,pamilya ko na muna ang uunahin kong iresolba.
Kapag payapa na at okey na ang lahat,babalikan ko si Sally...




"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon