59.SALLY POV'S

1.7K 73 1
                                    


Hindi madaling mag adjust sa bagong pamunuan.Pero nakakabahala na din ang pagiging maldita at pagiging matapobre ng bagong namumuno na si CAMILLA. Hindi lang kami ang ginagawan nya ng kamalditahan nya kundi pati na yung mga baguhan pa lang.

"Stupida!Bakit ba haharang harang ka sa dinaraanan ko impakta ka?
Hindi mo ba ko kilala?Hindi mo ba alam na kaya kitang palayasin dito sa trabaho mo sa isang salita ko lang ha?_Camilla. Janitres naman ang pinagagalitan nya ngayon..Eksenang naabutan ni Madam CK.

"Camilla! Hindi ko alam na may asal taga bundok pa lang gumagala gala dito sa mall ko? Anong kasalanan ng taga linis sayo,at ganyan ka makapag salita sa mga tauhan ko?_Madam CK.Iilan lang kaming nandun pero kami yung mga iilan na napagmalditahan nya na kaya alam na namin ang ugali nya.

"Tita CK? Andyan kana pala...Naku pasensya na tita.Wala kasi si Sydney today.Ako na muna ang incharge sa pagdidisiplina sa mga tauhan ng mall.
Ito naman kasing tatanga tangang taga linis,sukat ba namang dumihan ang damit ko.Kaya nasigawan ko lang naman ng kaunti._Camilla.
Yung pagkakangiti nya na akala mo ke bait bait na tao nya.

"So,tama nga pala ang mga nakakarating na balita sa akin.Masyado ka daw nagmamarunong sa mga tauhan ng mall at parang akala mo,ikaw na ang may ari dahil sa pagkakautang ng anak ko sayo?_Madam CK. Saka ako napatingin kay madam.Ibig sabihin,alam nya din pala na nagsusugal si Miss Sydney?

"Kayong mga andito sa stockroom,Makakalabas na kayo.May pag uusapan lang kami nitong nagpapanggap nyong amo._Madam CK.Saka kami nagsilabasana lahat sa room at bumalik na lang sa pwesto namin.

"Hindi ko alam kung ikatutuwa ko na bistado na ang kamalditahan nyang si Camilla o malulungkot naman ako para kay Miss Sydney V.
Sigurado ako,kung mapapalayas yang si Camilla demonyita,pati si Miss Sydney paaalisin din ng mommy nya sympre._Dess.Nasa canteen kami.

"Baka naman di paaalisin,Tuturuan lang ng leksyon.Hindi birong halaga yung ipinatalo nya pero anak nya pa din yun kaya di naman nya yun matitiis._Joyce.

"Iba din talaga ang mayayaman anoh,Pang sugal lang ang halaga ng shares nya sa kumpanya.Parang ganun ganun lang sila magwaldas, habang tayong mahihirap,hindi nga alam kung saan kukunin ang pangbili bukas ng bigas._AKO.

"Kaya nga ba ayaw na ayaw ko sa mga mayayaman na yan.Pare pareho lang naman silang nag gagamitan at nagpa plastikan.Pakiramdam kasi nila kapag may pera,sila na ang hari at reyna.Kaya kung makapang maliit ng kapwa ganun ganun na lang._Joyce.

"Aba binibining Joyce,Ang lalim ng hugot ah! Parang meron kang pinatutungkulan nyang pinipunto mo.Naalala mo na naman yung madrasta mo noh?Hayaan mo na yun,wag mo ng isipin.Darating din yung panahon na sila naman ang magmamaka awa sayo,hindi naman palaging sila lang ang nasa itaas._Dess.

"Tama!Kaya para hindi na tayo malungkot,kumain na lang tayo.
Bukas,Sabay sabay tayo ng restday...Bakit hindi tayo mag piknik sa park?
Magluluto ako ng adobong baboy at manok at saka kanin._AKO.

"WOW,Okey ako dyan! Sa akin na lang yung fruits at saka juice.
Mamaya,dadaan ako sa palengke para bumili.Ilalagay ko na kaagad sa fridge para malamig na sya bukas._Dess.

"Kayo ang bahala.Basta sa hapon uuwi na tayo kaagad ha.Alam nyo naman walang kasama si nanay sa bahay kapag dumating na si kuya Pol galing trabaho,uuwi na sila ate at yung mga bata._Joyce.Sa ibaba lang naman ng bahay nila Joyce sila ate Zen nakatira mula nung mag asawa sila ni Kuya Pol.

"Oo naman Joyce,Ihahatid ka pa namin pauwi.Para na din madalaw namin ang nanay mo.Matagal na din kaming di nakakapamasyal sa bahay nyo eh._Dess.Tumango naman ako at ngumiti sa kanilang dalawa.
Masaya at excited kaming tatlo para sa piknik namin bukas.

Si Joyce naman daw ang bahala sa banig na hihigaan namin at sa mga kutkutin gaya ng mga chichiria at saka mga street foods.Mahilig kasi kami sa mga fishball,siomai at saka kwek kwek.Sya na daw ang magluluto para mas sure na malinis at masarap ang sawsawan.

●●●●●●●

Umaga pa lang ay nagsaing na ako para sa almusal namin.Dahil may pasok naman sila tatay at Sassy,hindi na ako magluluto ng pananghalian.
Dinamihan ko na din ang binili kong baboy at manok na aadobohin para may uulamin na din sila sa gabi.

"Ate,Saang park nga ulit kayo magpipiknik?Di naman halatang excited ka dahil ang aga mo nakapag luto ah!hehehhe._Sassy.
Na nakaligo na at nakabihis na ng uniporme nya.

Sa "RANCHO KATARINA"...Medyo malapit na yun sa Rizal pero maganda daw ang park na yun.Malinis at saka hindi masyadong madami ang tao.
Hindi naman kami masyadong magpapagabi pero dadalaw na din kami sa nanay ni Joyce bago umuwi._AKO.
Nagsabi na ako kay tatay kaya alam nya na kung sakaling gabihin ako ng kaunti.

"Okey ate,enjoy your restday!Sige na,papasok na ko._Sassy.Nauna na si tatay pumasok pagtapos naming sabay sabay mag almusal.
Ako naman ngayon ang nagsimula ng maligo at magbihis.Maya maya pa ay naglagay na ako ng ulam at kanin sa isang piknik basket.

"Naks naman Sally,Girl na girl tayo ah.Talagang naka pang piknik dress kapa ha.Di naman halata na pinaghandaan mo.hahahha._Dess.
Pati si Joyce tuloy ay natawa sa pangangantyaw ni Dess sa akin.
Naka dress kasi ako at saka malapad na sumbrero na nilagyan ko ng scarf sa palibot para magmukhang piknik hat.

"Para namang ikaw hindi din naghanda masyado.Naka make up kapa at blush on.Saka may selfie stick kapang dala.hahahah._Joyce.
Naka skinny jeans at blouse naman si Dess habang naka short at loose shirt naman si Joyce.Pareho silang sexy kaya bagay na bagay sa kanila ang porma at outfit nila.

"Tignan nyo girls,Ang lawak pa ng space sa banda dun oh! May mga alaga pa silang kabayo.Kaya pala Rancho Katarina ang name nitong park.
Humanap na tayo ng pwesto dun sa malilim.Sa ilalim ng puno para presko at hindi masyadong mainit ang araw._Dessa.
Malayo layo na din ang nilakad namin bago kami nakahanap ng magandang pwesto.

"Ito na siguro yung pinaka magandang spot para magmuni muni.
May malaking puno,makapal na bermuda grass at mga bulaklak sa paligid.Perfect para sa magagandang gaya natin.hahahaha._Joyce.

Agad naming inilatag yung picnik mat na dala ni Joyce,at saka namin inilabas yung mga pagkain at mga inumin na dala dala namin.
At dahil napagod kami sa paglalakad,naisipan naming magpahinga muna at magpicture picture.

"Hello there pretty ladies,Pwede ba kaming makisali sa piknik nyo?...
Saka kami sabay sabay na napalingon sa nagsalita sa likuran namin.

Mga nakangiting magagandang babae ang nasa likod namin na nagsalita.
Isang naka braces na kulay darkbrown ang buhok.Isang short hair na babae na may dimple kapag nakangiti at isang mala dyosang chinese mestisa na kapag tumitig parang matutunaw ka.

SALLY...TERRY... AND TOP?Hindi ba kami nananaginip lang?
Sa ilang buwan nilang di pagpaparamdam sa amin,Hindi ako sigurado kung sila nga talaga ang kaharap namin ngayon.

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon