Mag iisang linggo na din sa amin si GD.Hindi ko alam kung bakit biglang nag iba ang ihip ng hangin at naging close na kami sa isa't isa habang nasa bahay sya.Siguro kasi,wala din naman ibang makakausap sa bahay kundi kami kami lang din kaya naging palagay na din ako sa kanya.
"Tay,Tinubos nyo na po pala yang tv natin sa pagawaan?Hindi ba ang usapan natin,sa sweldo ko na yan kukunin?_AKO.Alam ko naman kasing naka budget na ang sweldo ni tatay sa gastusin at pang bayad sa tuition ni Sammy nung last semester pa.
"May dagdag bonus kasi yung boss ko sa mga na promote na mga empleyado,kaya sabi ko tutubusin ko na yung tv para naman may mapaglibangan dito si GD kapag lahat tayo wala dito.Nakaka awa naman kasi na wala syang napapanood man lang._Tatay.Hindi ko naman masisi si tatay na ganun ang gawin,kahit ako kasi yun din sana ang gusto ko pagka sweldo ko,nauhan lang ako ni tatay.
"Kayo po ang bahala tay,Congrats po pala at na promote ka na sa trabaho mo tay.Head chief kana siguro sa department nyo ano po?_AKO.Sa maintenance department kasi si tatay sa isang private company nagta trabaho.Hindi kalakihan ang sweldo pero dahil matagal na sya duon, permanent na syang nagta trabaho.Sa edad ng mga kagaya nya,mahirap ng makahanap pa ng trabaho kaya kahit hindi kalakihan ang sahod,nakakaraos naman.
"Naks naman ate GD,Ang lakas mo talaga kay tatay oh.Nakuha na din sa wakas tong tv namin.Im sure,hindi kana maiinip dito sa bahay kapag mag isa ka._Sassy.Kakagaling lang nila ni GD sa labas at bumili ng softdrinks at
Chichiria."Naku salamat po tatay!Napakabuti nyo po talaga sa akin.Nakakahiya na po talaga ang pag stay ko dito.Pagpasensyahan nyo po sana ako._GD.
Alam kong nahihiya na sya sa amin.Ramdam ko din na ayaw nya mang maging pabigat,pero wala naman syang magawa.Pinaninidigan na nyang may amnesia nga sya kahit alam ko namang wala.
Sa ngayon,hahayaan ko na lang muna sya.Kung anu man yung dahilan nya gusto kong sya ang magsasabi sa amin ng katotohahan.Hindi ko sya pipilitin."Naku,wala yun iha.Para ka na ding anak ko kaya hindi kana iba sa akin.
Basta kapag natandaan mo na kung sino ka at kung saan ka nakatira,sabihin mo kaagad sa akin para masamahan kita pabalik sa inyo.
_Tatay.Saka parang bigla akong nalungkot.Kung sakaling bumalik nga si GD sa pinanggalingan nya,baka hindi na kami muli pang magkita.Puno at dagsa ang mga tao ngayon sa mall.Palibhasa kasi,malapit na ang pasko kaya madaming mamimili.At dahil sa local shoes at bags ako naka assign,madami dami ding makukulit na costumer akong na encounter ngayong araw.
"Bru,Kamusta naman sa pwesto mo madami bang benta?_Dess.Nasa canteen kami at kumakain.As usual,late na namang bababa si Joyce dahil nagchi check pa sya sa mga hinahandle nyang tauhan.
"Kakapagod,daming demands ng mga utaw!Lalo na dun sa mga sapatos.
Papakuha ng sizes tapos di naman pala bibilhin.Pero sanay na naman ako kaya keri lang._AKO.saka ako sumubo sa pagkain ko.Sisig at kanin ang inorder ko today.May libre namang sabaw kaya solve ang pagkain ko."Hahahha.Yan ang pangit sa mga local product eh,sukat dito sukat duon.
Di kagaya sa branded at mamahalin ang item,lahat naka order na sila at pipick apin na lang sa amin._Dess.Nasa Gucci section kasi sya."Speaking of mayayaman,may balita na ba dun sa anak ni Madam Chairman?Hindi pa din ba nakikita?_AKO.Ewan ko ba,hindi naman ako chismosa,pero pag about dun sa istorya nung anak ng chairman,gusto kong malaman kung may happy ending.
"Ay naku wala pa din daw balita.Mahirap naman kasing mahanap si Girl dahil wala namang nakakakilala dun maliban sa mga kapamilya at malalapit na mga kaibigan lang nila.Ayaw daw kasi i expose ang mga anak ng mayayamn dahil iniiwas sa kidnap at scandal._Dess.Saka namin natanaw si Joyce na nagmamadali sa pag order ng pagkain nya sa cashier.
Agad naman nya kaming nakita at saka sya nagmamadaling tumabi sa amin at nagsimula ng kumain ng tanghalian nya.Habang kami naman ay tapos na.
"Anung drama ngayon sa taas bru?Naka recover na ba si madam Chairman o hindi pa din?Balita ko,delayed daw ang mga bonus natin next month ah?_Dess.
"Medyo kalmado naman na sila ngayon,pero still searching pa din.Ayaw nga daw ilabas sa media kaya hindi basta basta ganun kadali mahanap si girl.Alam mo naman ang mayayaman,ayaw ng kontrobersya._Joyce.
"Maiba nga pala ako joyce,Kamusta na nga pala ang nanay mo?_AKO.May sakit na diabetes ang nanay ni Joyce,kagaya ko din syang sakto lang para sa pamilya ang kinikita.Samantalang si Dess,hindi gaanong kapos dahil OFW ang nanay nya at wala na syang tatay.Lola at tiyahin nya lang ang kasama nya sa bahay nila.
"Medyo malakas na naman ulit sya ngayon,kumpleto kasi sa mga gamot.
Inilapit kasi ng ate sa baranggay namin at pinapunta kay mayor para matulungan kami sa mga gamot nya.Pero pagka ubos ulit,panibagong hanap na naman kami ng sponsor._Joyce.Alam ko kasi yung pakiramdam ng may sakit sa pamilya kaya ramdam ko kung gano kahirap ying sitwasyon nila Joyce sa ngayon."Hay naku,kelan kaya tayo yayaman.Para wala na tayong iniisip para sa kinabukasan.Ang hirap din talaga ng mahirap noh.Ang swerte nung mga nakakapag asawa ng mayaman,atlis hindi na nila poproblemahin yung kakaininin at saka yung gastusin nila sa raw araw._Dess.
"Para namang namomoblema ka sa pera,Sayo lang naman yang kinikita mo eh.Kung nag aabot ka man sa lola at tiya mo hindi naman obligado.
Hindi kagaya namin ni Sally,may nanay akong may sakit at sya naman may mga pinag aaral na mga kapatid._Joyce."Sympre gusto ko namang pauwiin na din si mama.May edad na din naman sya,at dapat andito na lang sya sa Pinas at nagrerelax.
Saka hindi naman sa sarili ko lang din yung sinusweldo ko...May pinag aaral din ako,di ko lang sinasabi sa inyo._Desa.Sabay kaming napalingon kay Dess.Ngayon lang namin nadinig na may pinag aaral pala sya."Dati ko pa nga sana yun sasabihin sa inyo kaso nahihiya ako.Later ko lang din kasi nalaman na may kapatid pala ako.Sya yung pinag aaral ko ngayon kaya sakto lang din sa akin yung sweldo ko._Dess.
"Seryoso,may kapatid ka?Papanong nangyari yun eh diba namatay na yung papa mo?_AKO.
"Bago pa lang sya mamatay,may nabuntis pa pala syang babae.Yun pala ang dahilan kaya sila naghiwalay ng mama at nagpunta ng ibang bansa si mama.Kasi nasaktan sya sa ginawang pagtataksil ni papa sa kanya._Dess
"Ohhh,Kaya pala.Pero pano naman kayo nakakasiguro na anak nga yun ng papa mo?Baka naman sinabi lang yun para magka pera mula sa inyo?_Joyce.
"Sana nga ganun na lang eh,kaya lang si papa ang nakapirma sa birth certificate tapos carbon copy nya pa ang itsura._Dess.
"So,bakit ikaw ang nagpapa aral?Wala na ba syang pamilya or ung nanay nya manlang?_AKO.
"Kaya nga sya dinala sa amin nung kapatid nung mother nya,kasi kamamatay lang din ng nanay nya.Hindi naman kayang pag aralin nung tiyahin nya ung kapatid ko kaya ipinaki usap na kami na lang daw ang kumupkop.After naman naming magharap,magaan ang loob ko sa kanya kaya tinanggap ko na din._Dess.
Pare pareho talaga kami ng mga kapalarang magkakaibigan.Pero hindi ako nawawalan ng pag asa na balang araw makaka ahon din kami sa kahirapan.Sa ngayon,ang mahalaga ay buo kami at masaya.At hindi naman kami nawawalan lahat ng trabaho.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...