Sa simula ng training,Hindi ko pa alam ang gagawin.Madalas,pumapalpak ako basta tungkol sa mga gawaing may kinalaman sa paglilinis at mali maling pagtitimpla ng kape.Pero pag dating sa gawaing may kinalaman sa computer at sa pautakan,madali akong makagawa ng paraan.
"Dane,Pakibilhan mo na lang ako ng pagkain sa canteen.Madami pa kasi akong ginagawa,hindi ko pwedeng iwanan._Mrs.Tamayo.Isa sa head staff ng maintenance management team.Sila ang department na namamahala pagdating sa maintenance at mga trouble shooting ng mga eroplano.
Mga Engineers at mga technicians ang karamihang nasa matataas na posisyon dito."Yes po Ma'm.Ako na po ang bahala._Agad akong tumayo sa mesa ko at kinuha ang pera nya.Pati na din yung dalawang may edad ng empleyado ay nakisuyo sa akin na magpabili.
"Ate,Pakibilisan naman ng kaunti baka gutom na yung mga boss ko._AKO.
Ang haba kasi ng pila kaya halos kalahating oras na yata akong nakatayo."Dont worry ganda,hindi ka pagagalitan ng mga boss mo.Nakaka alangan kang pagalitan sa ganda mo eh.Bago ka lang dito noh?_Tindera sa canteen.
Bahagya nama akong nangiti sa sinabi nya.Kailangan kong maging friendly para madaming magtiwala sa akin."Yes ate,bago lang ako dito.Hindi ko akalain na ang dami palang kumakain dito sa canteen.Wala na bang ibang kainan maliban dito?_Nagsisimula na ako sa pag iimbestiga.
"Oo,madami talagang kumakain dito.Maliban lang dun sa mga nasa taas at saka mga sipsip.hihihi.Wag ka na lang maingay ha.Walang VIP na tumutuntong dito liban kay President Manuel ha._Tindera.Sa palagay ko sa kanya tong canteen dahil sya lang ang hindi masyadong aligaga sa pagsi serve sa mga coztumer nya.
"Ganun po ba.Ay sige po sa susunod na lang ulit.Kanina pa po ako inaantay ng mga boss ko._AKO.Nagmamadali akong lumabas ng canteen at sumakay sa elevator.
Tatlong araw na ako dito sa opisina pero hindi ko pa din nakikita si Ninong Manuel.Hindi naman ako pwedeng basta basta na lang magtanong dahil baka maghinala pa silang interesado ako sa kanya.
"Oi ganda,Bago ka lang dito noh?Ngayon lang nagkaroon ng maganda dito sa opisina eh._Ale na naka unipormeng taga maintenance (cleaning dept).Sila kasi ang kahanay namin sa 2nd floor.Nasa canteen ako at kumakain ng lapitan nila ako.
"Opo.Tatlong araw pa lang ako dito Ma'm._AKO.Ngumiti din ako sa dalawang kasama nyang lalaki.
"Ganun ba,Ako nga pala si Ate Flora.Taga maintenace department kami at eto naman sila Mang Rene at Mang Jun
._Ate Flora."Pwede mo kaming lapitan kapag nagka problema ka.Lalo na pagdating sa pasweldo,kapag late may kaltas at kapag absent ka kahit ano pang dahilan yun,wala kang sweldo.Ilalapit natin yan sa unyon._Mang Rene.
"Ho?Bakit naman po ganun,wala po bang konsiderasyon kahit may sakit ka or may emergency sa bahay nyo?Saka ano po bang unyon yung sinasabi nyo?_AKO.I need to ask everything para mas maintindihan ko kung bakit sila nagtayo ng unyon sa kumpanya ni dad.
"Naku saka na namin sayo ipaliliwanag.Sa ngayon,mag focus ka na muna sa trabaho mo para hindi ka mapagalitan.Medyo strict kasi si Boss Manuel lalo na sa mga baguhang empleyado,kaya goodluck na lang sayo._Mang Jun.Actually di pa naman sila katandaan.Nasa late 30's siguro.
"Hahahha.Masyado nyo namang tinatakot si ganda.Baka mamaya di na pumasok bukas yan.Iha,basta kung kailangan mo ng mga bagong kaibigan wag kang mahiyang lumapit ha._Ate Flora.Chubby sya at may kaliitan lang pero mukhang masayahin.Si kuya Jun naman ay payat at mataas lang ng kaunti sa akin.At si kuya rene naman,para syang hawig ni Andrew E.
"Salamat po mga kuya at ate.Hayaan nyo po,kapag may mga tanong ako at mga hindi maintindihan,kayo po ang unang lalapitan ko.At saka mas maganda po kung sabay sabay tayo palagi kumain para mas masaya._AKO
Magaan ang loob ko sa kamilang tatlo.Kahit mas may edad sila sa akin ng kaunti,parang mas masarap silang kausapin kaysa mga kaedaran ko sa department na panay ang irap sa akin.Hindi ko alam kung bakit."Naku,mga insecure lang yun sa beauty mo.Kasi naman,ang ganda mo para maging empleyado lang.At utusan.hahahah.Kung ako ganyan kaganda,nag modelo ako o di kaya naman artista._Ate Flora.
"Kayo naman ho,masyado nyo akong binobola.Hindi naman ako papasang model at artista,wala po kasi akong talent.hahahah._AKO.
"Asus,kadami nga dyang mas walang talent wala pang ganda pero artista ah.Pero sabagay,magulo lang ang showbiz.Tingin ko pa naman sayo mahiyain ka sa tao.Syanga pala,papano ka nga pala napasok dito?May kakilala kaba?Mahirap makapasok sa isang kilalang kumpanya unless may backer ka._Kuya Jun.
"Ahh...Ehh...Nag apply po ako.Sa Internet po kasi naghiring sila.Sinubukan ko pong mag apply kaya po tinawagan ako at ininterview._AKO.
"Ganun pala.Kami kasing tatlo sa agency lang.Kaya until now,wala pa ding linaw kung mareregular kami.Policy ng kumpanya na kapag galing ng ahensya,renew lang ng renew ng contract._Kuya Rene.Sa pagkaka alam ko,kapag contractual kasi,walang mga benefits na makukuha mula sa kumpanya.Kaya hindi sila nag reregular para mas maliit ang gastos at pasweldo sa mga tao.
"Ibig pong sabihin,ang agency lang ang nagpapasahod sa inyo ngayon?
Hindi po ba malaki ang kinakaltas nila sa sahod nyo kapag ganun?_AKO."Sinabi mo pa,pero wala naman kaming magawa.Mas maige na yun kaysa walang trabaho.Kaya nga kami sumali sa unyon,kasi ang pangako sa amin ni Boss Manuel,gagawin nya ang lahat para sa patas na pamamalakad dito sa kumpanya._Ate Flora.Mahina lang ang pagkakasabi nya dahil baka daw marinig ng iba.
"Kundi lang sa anak kong pinag aaral,gusto ko na nga sanang umalis dito.
Kaya lang wala din naman akong ibang choice kundi magtiis sa pagiging contractual palagi dahil ayoko namang mahinto ang anak ko sa pag aaral nya._Mang Jun."Konting tiis lang Jun,pasasaan ba ang pakikinggan din tayo ng mga nasa itaas.Kahit sabi nila,mas matindi pa daw yung anak ng CEO sa paghihigpit sa mga tauhan wala pa ding tatalo sa mas nakararaming humihingi ng katarungan._Kuya Rene.
Saka ako napaisip,tama ba yung nadinig ko.Mas mahigpit si Symon sa mga tao kaysa kay dad?Ibig sabihin,mas manipulative si Symon pag dating sa pagpapatakbo ng kumpanya kaysa kay dad.Ang akala ko pa naman,Si dad ang mahigpit sa pagpapatupad sa mga batas ng kumpanya,mas si Symon pala.
"Naku,kayong dalawa talaga ang dami nyong alam.Baka may makadinig sa inyo at malintikan kayo kay Sir Symon.Alam nyo naman kung ganu ka terror yun.Hala,bilisan na nating kumain at baka mahuli pa tayo sa trabaho._Ate Flora.
"Pati tuloy si Dane naiingayan sa atin.Ang dami nyo kasing kwento.Nalibang tuloy tayo ng husto._Kuya Rene.
"GD na lang po ang itawag nyo sa akin.Yun po kasi ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko.At saka ayos lang po sa akin na maingay at masayahin kayo.Mas gusto ko nga yun,hindi ko nararamdaman ang stress at pagod.
Salamat sa inyo._AKO.Salamat sa mga bagong kaibigan.Mukhang mas mag eenjoy ako sa pagta trabaho dito dahil sa kanila.At isa pa,madami din akong nalalaman sa mga sikreto ng VILLAREAL AIRLINES na dati ay hindi ko binalak na panghimasukan.
![](https://img.wattpad.com/cover/133176161-288-k939608.jpg)
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomansComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...