I started the day with a positive vibes.Bakit hindi gayong tapos na ang problema ng unyon at ng kumpanya ng VAL.Ganun din ang problema sa CK mall na madali namang naresolba.Iisang tanong na lang ang nagbibigay sa akin ng agam agam,Kung sino ang nasa likod ng bantang pananakot sa akin.Pero ang nakapagtataka,wala pa naman akong kahit isang insidente na nangyari sa akin.
"Hindi ba tumatawag sayo ang Yaya Cora mo anak?_Daddy.
Mula ng ipakilala nya ako sa kumpanya,Madalas nya na akong ipinapatawag sa opisina nya para kausapin.Hindi naman tungkol lang sa trabaho ang pinag uusapan namin kundi kahit na kung ano ano lang."Ohhh,Dad buti na lang pala pinaalala mo.Hindi ko pa nga sya makontak.
Pero nagsabi na ako kay TOP na kung pwede kong ma trace or malaman kung saan sa Canada nag i stay si Yaya._AKO.Since sa Canada din natira si Top."Ganun ba,Well kung sakaling mahirapan ka sa paghahanap sa whereabouts ng Yaya Cora mo,Sabihan mo lang ako.Madali natin yung mapapahanap sa mga source ko._Daddy.Saka muling hinarap ang mga papeles na binabasa nya sa mesa.
"Its okey Dad,Hayaan na lang muna natin si Yaya.Baka need lang talaga nyang mapag isa.Baka naman kapag kinontak nya ako kaagad,ma stress na naman yun sa akin kapag nag kwento ako ng mga nangyari last few months ago._AKO.Dahil para ko na din syang nanay,kaya naman alam kong mag alala pa yun sa akin ng husto.
"Ang sabi ng mommy mo,napapadalas ka na daw yata sa pag tambay sa condo ni TOP,Baka daw isang araw nalang din magpaalam kang dun ka na din makikitira gaya ni Terry?_Daddy.Talagang walang makakaligtas na mga balita tungkol sa aming tatlong magkakaibigan.Hindi na ko magugilat kung isang araw,kilala at alam na din nila ang tungkol kina Sally.
"Hahahaha.As if naman papayagan nyo ko Dad.Masaya lang kasi talaga mag stay sa place ni TOP,Madami kaming napag uusapan tungkol sa mga trabaho namin._AKO.Sinabi ko kasi na kapag traffic pauwi,dun na muna ako nag iistay sa condo nya kahit ang totoo nag aaral ako sa gabi talaga.
"Kung ako ang tatanungin,Ayos lang naman sa akin kung mag sarili kana ng tirahan.Nagta trabaho kana naman at saka alam ko namang responsable kang bata,Kaya lang ayaw ng Mommy mo pumayag eh._Dad.
Si mommy naman talaga ang mahirap kumbinsihin.At isa pa,Ayoko din silang maiwan ng daddy sa bahay na kasama si SAB.Hanggang di ko pa naku confirm ang motibo nya talaga,hindi ako makakampante."Okey lang yun dad,Naiintindihan ko naman si Mommy.Hindi pa din naman ako ganun ka confident na mag sarili dahil wala akong alam sa pagiging independent.Maybe in the near future,baka magkaroon na ako ng lakas ng loob._AKO.Gusto ko din naman masubukan na tumayo sa sarili kong mga paa,hindi pa nga lang sa ngayon.
Habang tahimik na gumagawa ng pangalan si Terry sa larangan ng commercial advertising as a director,Nadagdagan na naman ulit ng isa pang branch ang Happybee ni TOP.Ako naman ay kalahating taon na lang ang bubunuin para matapos ang masters ko at makapag establish na ng sarili kong pangalan sa kumpanya.
"GD,Private jet ba talaga kaagad ang plano mong bilhin pagka graduate mo?Bakit hindi na lang sariling condo na muna?Ayaw mo ba talagang kumawala sa poder ng parents mo?_Terry.RD naming tatlo ngayong araw pero sa pool ng condo lang ni TOP kami nag stay.Bagong lipat pa lang sila dito ni Terry,May kasamang pool ang unit kung saan mas malaki at mas marangya ang kabuuan.
"Ayoko nga kasing mag condo at umalis sa bahay.Sayang naman yung bahay ko kung iaabandona ko lang.Isa pa,pang negosyo ang purpose ko kaya jetplane ang bibilhin ko.Mas mahal,mas malaki ang kita._AKO.
Mula ng mag aral ako ulit,Mas lalo akong namotivate para maging isang successfull business woman sa hinaharap."Sabagay,Eroplano ang line of business nyo kaya natural na ganun din ang gusto mong pasuking negosyo.Pero teka,Alam ba naman ng parents mo yang binabalak mo?_TOP.Habang nakasadal ang ulo sa gilid ng pool.
"Nope!Saka ko na sasabihin kapag tapos na lahat ng kailangan kong ayusin at gawin.Nasa process na kami ng pagpili kung saan kami makaka mura pero mas maganda ang kalidad.May ilan na din akong nakausap pero depende sa bidding kung sino ang mas maganda ang offer._AKO.
Matagal ang proseso kaya aabutin pa yun ng hanggang sa maka graduate ako."Parang kilala ko na kung sino ang unang unang makakasakay dun kapag natuloy na.Speaking of Sally,Kamusta naman kayo?_TOP.
Saka kami napalingon kay Terry na umiinum ng beer sa gilid.Alam naming nadidinig nya kami pero kunwaring hindi sya aware."Ganun pa din,Parang kami na hindi.Walang confirmation at walang aminan na pareho kami ng nararamdaman pero kapag magkasama para namang wala ng nakikita kundi ang isa't isa lang._AKO.Ganun ako ka kampante mag disscuss ng feelings ko sa kanilang dalawa kasi pare parehas kami.At alam na alam nila ang lahat ng nangyayari sa amin ni Sally.
"Im glad to hear that GD.Pero kelan mo naman balak sabihin sa kanya ang totoong pagkatao mo?Mabuti at hindi pa sinasabi ng kapatid nya na ikaw ang taga pagmana ng VAL,Pero papano kapag sya na mismo ang maka alam nun,Baka naman magalit sya sayo sa pagsisinungaling mo._TOP.
Siguradong magagalit sya talaga sa akin lalo na kapag nalaman nya ang dahilan ko sa pagtatago sa pagkatao ko."Tama lang naman si Dane sa di pag amin sa totoong status nya.Tutal kahit naman anong mangyari,maiintindihan pa din sya ni Sally pag dating ng araw.Hindi lahat ng pagpapakatotoo,May magandang kinalalabasan,Minsan mas lalo pa itong nakakasama._Terry.
"Hahahaha.Ang bitter mo pa din until now Katarina!Mag move on kana kasi.Tanggapin mo na lang na AYAW ni JOYCE sa LESBIAN.
Ang daming babae dyan.Kung ayaw sayo,E di huwag._TOP.
Kahit tuloy kami ni TOP,Naiilang na din makipag usap masyado kay Joyce kapag nakakasama namin sya with Sally and Dess...After kasi ng magtapat si Terry kay Joyce na Lesbian sya,Hindi na sila nagkita pa ulit o nag usap man lang."Hindi yun ganun kadali guys,pero kinakaya naman.Wag kayong mag alala sa akin,Okey lang naman ako.Sa ngayon hindi ko pa lang siguro kaya pa syang makaharap pero unti unti ko namang sinasanay ang sarili ko kalimutan sya.Masaya ako para sa inyong dalawa dahil kahit hindi nyo man sabihin,alam kong masaya ang mga puso nyo ngayon._Terry.
"Oi si GD lang yun noh!Wala pa akong bagong pet mgayon eh.Hayaan nyo kapag nagkaroon na,Pakikilala ko agad sa inyo.hahahaha._TOP.
Na until now,Indenial pa din sa nararamdaman nya para kay DESS."TOP,Alam naman namin na playboy ka.Alam din namin na takot kang ma inlove kaya until now ayaw mo pa ding umamin na inlove ka eh!Hindi mo ba napapansin,o ayaw mo lang talaga aminin?
Iba kaya ang glow sa mga mata mo ngayon.Saka Inspired ka palagi sa mga negosyo mo kasi hindi ka lang sa parents mo gusto magpa empress kundi pati sa dream girl mo._Terry.Nagkatinginan kaming dalawa at nag ngisian."Hahahha.Ako inlove,Kanino naman?Sa pagkaka alam ko kasi,Wala pa akong girl na nakikilala na magpapabago ng isip ko bilang gamer.
Kalokohan lang LOVE na yan.Ang mga babae,Pera at SEX lang ang habol nyan sa atin.Kapag PULUBI ka at Walang kwenta sa pagpapaligaya,Hindi ka nila papatulan._TOP.Nagdive sya sa tubig at saka naman ako umahon para kumuha ng beer.Tinabihan ko si Terry sa upuan habang nakatingin lang kami kay TOP sa paglangoy.Pareho kami ng nasa isip ni Terry ng mga sandaling yun,TOP's dream girl is about to unfold.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...