May mga pictures ako habang kausap ko si Sally,Naglalakad kami papunta ng palengke.Nagtatawanan pa kami si Sassy habang bumibili sa tindahan.
Nagmano ako kay tatay Caloy habang nakatambay dun sa gate nila.Lahat ng mga larawan ko habang nakatira pa ako sa Abad Santos kumpleto.
At saka mga xerox copy ng mga documents ng lahat ng assets ko at mga pag aari kong mga sasakyan at bank account ko.Lahat ng yun,andito sa loob ng envelop na bigay ni Dad sa akin.Napatingin ako sa kanya."Alam mo naman na hindi ka pangkaraniwang anak lang ng mayamang negosyante Dane hindi ba?Anak ka ng BIYONARYONG MGA MAGULANG MO,kaya naman automatic na isa ka ding BILYONARYO.
"DAD,Anong ibig sabihin ng mga ito?At saka bakit mo sinasabi sa akin yan.
Hindi ako Bilyonaryo,Kayo ang mayaman at hindi ako.Karaniwang empleyado lang ako dad,wala pa akong maipagmamalaki._AKO."Hindi ka aware sa pamilyang pinagmulan mo anak,Kaya akala mo ganun lang kasimple ang buhay para sayo.Pero hindi na pwede ang ganun ngayon,lalo pa at tumatanda na din kami ng mommy mo.Kailangan ka namin para sa pagpapatuloy ng legacy ng pamilya natin._Dad.
"Pero Dad,Andyan naman sila Sydney at Symon para pumalit sa pwesto nyo ng mommy.Like what i said,Wala akong interes sa negosyo nyo at hindi ko yun pag iinteresan pang agawin sa dalawa kong kapatid._AKO.
"Sa palagay mo,both Sydney and Symon are capable to inherit and manage our business?Then why are you here right now?_Daddy.
"Because I just want to help people in need.Pero after nung hinihiling ko at natupad mo na sya,aalis na din ako dito dad._AKO.
"Sa palagay mo,bakit may mga hawak akong mga larawan at mga documents na naglalaman ng lahat ng mga bagay na tungkol sayo?
Ano sa palagay mo ang dahilan?_Dad.Saka muling inabot sa akin ang envelop na this time may kasama ng isang USB."DAD naman,wag mo na akong i suspense.Kanina pa nga ako naguguluhan.Alam ko ang kapasidad mo para pabantayan ako,at ipahanap pero ang di ko maintindihan bakit pati assets ko kailangan mo pang tignan.Sa inyo din naman ng Mom galing lahat ng yan diba?_AKO.
"Dahil hindi kami ng Mommy mo ang nagpakuha ng mga larawan na yan.
Lalong hindi kami mag aabala pang tignan at kalkalin ang lahat ng mga assets mo dahil alam na namin lahat yan.Pati ang laman ng USB na yan na nagbabanta na kapag hindi kami nagbigay ng SAMPUNG MILYON,papatayin ka nila._Dad.Napatulala ako sa sinabi ng Dad.Ibig sabihin,hindi si Dad ang may gawa sa mga larawan na yun at mga documents na yun kundi ibang tao?
"Whaaaat?May gustong kumidnap sa akin or maybe gustong pumatay sa akin dahil sa anak nyo ako?Tama ba ko sa pagkaka intindi daddy?_AKO.
"Ilang beses ko ba kasing uulit ulitin sayo,hindi ka lang basta mayaman Dane,Bilyonarya ka.Sayo namin ibinibigay ng Mommy mo ang lahat ng pera at kayamanan namin kaya naman ganun na lang kung pag interesan ka ng ibang tao.Hindi ka basta ordinaryong anak lang ng mga negosyante kundi Tagapagmana ka ng lahat ng pag aari ng mga magulang mo._Dad.
"What do you mean na sa akin nyo lang ibinibigay ang lahat ng kayamanan nyo ng Mommy,ha Dad?...Papaano naman sila Sydney at Symon?_AKO.
"Both Sydney and Symon are "ADOPTED CHILD".Hindi naman lingid sa kaalaman mo na pareho lang kaming pinagkasundo ng Mommy mo ng mga magulang namin para mas lalong lumago ang negosyo ng pamilya.
Sa simula,hindi kami nagtatabi ng mommy mo sa kwarto pagkatapos naming ikasal.Hanggang sa masanay na kami na sa magkaibang kwarto natutulog.Sa kagustuhan ng mga magulang namin na magka apo na,Napilitan kami ni CK na mag adopt.Sa Canada kami nag stay at kunwari nagdalang tao ang mommy mo at nagka anak ng kambal..._Dad."Ohhhh!Ang akala ko talaga,kapatid ko silang dalawa.Pero how come na nabuo ako kung hindi pala kayo nagtatabi ng mommy dad?_AKO.
"One time,Nag inuman kami ng mommy mo.Kinwento nya sa akin kung gaano nya kamahal yung kasintahan nya pero mas pinili nyang sundin ang mga magulang nya.Hanggang sa pareho kaming nakalimot at di sinasadyang may nangyari sa aming dalawa._Dad.
"So,nabuo pala ako ng walang pag ibig dad?Dahil sa nakalimot lang kayo?
Don't tell me na hanggang ngayon,Hindi pa din kayo nagkagustuhan ng mommy?_AKO."Minahal ko na ang mommy mo,lalo na nung ipinanganak ka.Alam kong sya din ay masayang masaya nung mga oras na yun.Napakasarap sa pakiramdam na nagmula ka sa amin ng mommy mo at totoo ka naming anak talaga.Lalo na nung lumalaki ka at halos kamukhang kamukha kita anak,Walang pagsidlan ang tuwa sa akin lalo kapag nadidinig ko yun sa mga tao.__Dad.
"Dad,I don't know what to say.Pero ganun pa man natutuwa ako na hindi nyo ipinadama kila Sydney at Symon na ibang tao sila.Itinuring nyo pa din silang mga tunay nyong anak._AKO.Saka ko biglang naalala si Sab.Maaaring may kinalaman siya dun sa tangkang pagkidnap sa akin na hindi natuloy.
"Nang magkaroon na ng sariling pamilya ang dalawa mong kapatid, Ipinagtapat din namin sa kanila ang lahat.Saka namin ipinaliwanag sa kanila na pantay pantay ang pagmamahal at pagtingin namin sa kanila at sa iyo.Ipinaliwanag din namin sa kanila yung legalities at basehan ng pagbabahagi namin ng mommy mo sa mga mana nyo.At sympre,dahil ikaw ang legal at tunay naming anak,Higit na malaki ang parte na makukuha mo at mapupuntang shares sayo._Dad.
Saka ko lang ngayon naiintindihan kung bakit ganun na lang ang pagkapit ni Symon sa VILLAREAL AIRLINES at ni Sydney sa CK MALL.Kasi sa akin pala mapupunta ang lahat ng yun.Kung meron man silang share sa mga negosyo,nasa one fourth lang yun at malaki pa din ang share na matatanggap ko.
"Dad,Sa palagay mo.Sino yung mga tao sa likod ng balak na pagkidnap sa akin?Meron ba kayong suspect or maybe pinaghihinalaang tao sa likod nito?_AKO.
"May mga suspek pero walang matibay na ibedensya.Kaya mag iingat ka anak.Lalo na ngayon na nasa kumpanya kana.Siguradong pag iinitan ka ng iba kapag nakahanap sila ng butas tungkol sayo.Kaya wag kang padalos dalos at wag basta magtitiwala.Lahat pwedeng suspek anak,Kaya dapat mag ingat ka sa mga taong nakakasalamuha mo._Dad.
"Don't worry daddy,Mag iingat naman po ako eh.Saka salamat din pala sa pagsasabi sa akin ng buong katotohanan.Atlis ngayon daddy,Nagkaroon na ako ng dagdag na lakas ng loob para makatulong sa mga taong nangangailangan._AKo.Saka ko niyakap ng mahigpit ang daddy.
Kung dati,nahihiya ako kapag sinasabihan nila ako na kamukhang kamukha ko daw si Daddy...Pero ngayon,Im proud to be his DAUGHTER.
At nararamdaman ko din na sobrang proud sa akin ng Daddy as his ka LOOK A LIKE and REAL DAUGHTER.Buti na lang gwapo ang daddy ko,mestiso at matangkad kaya maganda ang kinalabasan ng kumbinasyon ng Español at Intsik.Lumabas ako sa office ni Dad na may kakaibang pakiramdam.After kong malaman ang lahat mas lalo akong nagkaroon ng malakas na hinala na may kinalaman si Sab sa tangkang pagpatay sa akin.Pero hindi ako dapat maging kampante na lang basta,Hindi ko alam kung pati ba si Symon may kinalaman sa lahat ng mga nangyayari o wala.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
Lãng mạnComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...