Today's the birthday of my dad.Kaya naman abala ang lahat sa pag aayos para sa party mamaya ni daddy na gaganapin sa SYDNEY EVENTS PLACE.
Hindi ko alam kung bakit kinakailangan ko pang magsuot ng bonggang gown at magpa make up para sa party na yun,gayung si daddy naman ang celebrant at hindi ako."Dane,Umayos ka mamaya sa party ha.Baka naman nakasimangot ka na naman at magsuot ng kung ano ano kagaya nung ginawa mo nuon sa party ng mommy para lang di ka makilala ng mga tao._Sydney.Sya ang nag abot sa akin ng gown na susuotin ko daw mamaya.
"Why you keep on calling me Dane.I told you its GD!...At saka bakit ko ba kailangang magpaka bongga dun eh hindi naman ako ang may birthday?_AKO.Padabog akong dumapa sa kama ko habang kausap sya.
"Pwede ba Dane,Umayos ka nga ng ayon dyan sa edad mo.Hindi kana batang kailangan pang bihisan at sabihan sa dapat gawin.Basta magpaganda ka mamaya.Wag mong sungitan yung mga make up artist ko ha.Lagot ka talaga sa akin._Sydney.Party Event CEO ang business ni Sydney.Lahat ng okasyon pati na ang venues,ang kumpanya nya ang namamahala.Hanggang sa damit at makeup,package deal yun sa company nya.
"Hindi ako sure na magbi behave ako Syd.Basta kita na lang tayo later.
_Ako.Then sinarado ko na yung room ko paglabas nya.Buong fourth floor kasi ang bahay ko while sila naman yung sa second floor.May mga sarili kaming sala,kusina at kwarto sa bawat palapag kaya hindi na namin need magsama sama kapag kumakain since hindi din naman pare pareho ang mga sked namin."Tonight is a very speacial night for all of us,dahil hindi lang ang kaarawan ko ang ipagdiriwang nating lahat kundi pati na din ang napipintong pakikipag isang dibdib ng aking bunsong anak na si Glaiza Dane Villareal sa anak ng matagal ko ng kasosyo sa negosyo na si Shipping magnate Andy Chavez.Ladies and gentlemen,ipinakikilala ko sa inyo ang aking anak na si Dane at si Andrew!_Daddy.
Parang bombang sumabog ang balitang yun sa mukha ko.Halos magiba ang buong venue sa ingay at sigawan ng mga taong naandun.Kitang kita sa mga mukha nila dad and mom ang saya,habang nakatingin naman sila Sydney at Symon sa akin.
Akmang hahawakan na sana ni Andrew ang kamay ko para dalhin sa gitna ng stage pero agad akong tumakbo papalabas ng venue.Tumakbo ako ng mabilis kahit naka mataas pa akong takong.May mga tumatawag sa pangalan ko mula sa likuran pero hindi ako lumingon.
Then suddenly,isang sasakyan ang biglang pumreno sa harapan ko at saka ako biglang nawalan ng malay.
"Doc,kamusta na po ang lagay ng pasyente?Hindi pa din po ba sya nagkakamalay?_Isang tinig ang nadinig kong nagsasalita habang nakapikit ako.
"Lets wait and see kapag nagkamalay na sya at makausap natin.Base naman sa mga pagsusuri,wala namang damage sa kanya kaya wala kayong dapat ipag alala._Doctor.Nang madarmadaman kong umalis na yung doctor,saka ako dahan dahan dumilat.Isang hindi naman katandaang lalaki ang naka upo sa tabi ko ang nabungaran ko.Halos kaedad lang sya ng daddy siguro.
"Ohhhhhh,my head._AKO.Sa totoo lang,wala naman talagang masakit sa akin.Napagod lang siguro ako sa pagtakbo kaya hindi na kinaya ng powers ko at tuluyan na akong nakatulog habang nakasakay ako sa kotseng minamaneho ni Manong.
"Miss,Anong masakit sayo?Anong nararamdaman mo?Sandali at tatawagin ko ang doktor._Manong.Bakas sa mukha nya ang pag aalala.
"Okey lang naman ako sir,Medyo sumakit lang yung ulo ko ng bahagya.
Dont worry po._AKO.Hindi ko din kasi alam kung saan ako pupunta kaya mas mabuti ng dito na muna ako sa hospital mamahinga."Kung ayos kana,ihahatid na kita sa inyo.Siguradong hinahanap kana ng mga magulang mo iha._Manong.
"Ho?Ahhh..eh...Actually po kasi,wala akong mauuwian._AKO.Saka ko naalalang naka gown pa mga pala ako.Sino namang maniniwala na wala akong bahay na uuwian sa suot ko.
"Walang uuwian?Bakit miss,wala ka bang maalala?Sandali at tatawagin ko ang doktor._Manong.Halata sa itsura ni Manong na nag aalala sya.
Para tuloy akong nakokonsensya sa pinag sasabi ko."Doc,Wala daw po kasi syang maalala.Hindi po kaya parang yung sa tv na nagka amnesia sya dahil sa pagkaka bangga nya sa minamaneho ko?_Manong.
"Naku Tay,sa teleserye lang po iyun nangyayari.Base naman po sa mga laboratory na ginawa natin,she is perfectly normal naman po.Baka naman medyo nahihilo lamg siguro kaya hindi kaagad sya makasagot.
"Miss,Kamusta namana ng pakiramdam mo?_Doctor.Na agad naman akong sinuri kaagad agad.
"Doc,medyo nahihilo po kasi ako.Pero wag po kayong mag alala,mamaya maya lang okey na din ako._AKO.
"Mabuti naman kung ganun.So papano,magra rounds pa po ako sa iba pang pasyente kaya maiwan ko na kayo dyan._Doctor.Saka sya umalis ulit at naiwan kaming dalawa ni manong.
"Ahh,ineng.Hindi mo ba talaga matandaan kung saan ka nakatira?
Ang sabi ng doktor,wala naman daw napinsala sayo.Kung gusto mo naman,ihahatid na lang kita sa kung saan mo gustong magpahatid._Manong."Wag na po kayong mag alala sa akin.Okey lang naman po ako dito muna mag stay pansamantala.Baka po bukas,maalala ko na kung saan ba ko nakatira at uuwi din po ako agad agad.Salamat din pk pala sa tulong sir.
_Ako.Kumamay ako sa kanya.Gusto ko na din syang makauwi na dahil palalim na ang gabi.Siguradong inaantay na sya ng pamilya nya."Naku hindi naman kita basta basta maiiwan ng ganyan.Konsensya ko kung sakaling may mangyari sayo.Syanga pala,wag mo na akong tawaging sir.Tatay Caloy na lang,Hindi naman kayo nagkakalayo sa tingin ko ng panganay kong anak._Tatay Caloy.
"Sige na po tatay Caloy,umuwi na po kayo.Paniguradong nag aalala na sa inyo ang pamilya nyo dahil gabi na.Ayos na po ako dito na muna magpalipas ng gabi.Bukas ng umagang umaga,lalabas din po ako kaagad._AKO.Nilakihan ko na nag ngiti ko para siguradong hindi na sya mag alala.
"Ang mabuti pa,dun kana muna sa bahay namin magpalipas ng gabi kung gusto mo?Sa palagay ko,mas mapapanatag ang kalooban ko kung nasa maayos kang kalagayan._Tatay Caloy.
"Talaga po,Isasama nyo ko sa inyo?Pero nakakahiya naman yata.Baka magalit sa inyo ang asawa at mga anak nyo kung mag dadala kayo ng taong di nyo naman kakilala._Ako.
"Wala na akong asawa.Matagal ng namatay ang asawa ko.Kami na lang ng tatlo kong anak ang nakatira sa bahay namin at mababait silang mga bata kaya wala kang aalalahanin.Saka isa pa,Siguro naman bukas maaalala mo na kung saan ka ba talaga nakatira.Sa ngayon,kailangan mo na munang magpahinga_Tatay Caloy.
"Kung hindi naman po nakaka abala sa inyo masyado,sige po sasama na lang muna ako sa inyo.Wag po kayong mag alala,pag naka pag pahinga naman po ako baka maalala ko na kung sino ako._AKO.Kailangan ko ng panindigan ang pagsisinungaling.Mas okey na tong ganito kaysa ipakasal ako hindi ko naman gusto.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...