Muli na naman akong pinatawag ng management sa hindi ko malamang dahilan.This time,mismong si Madam CK daw mismo ang gustong kumausap sa akin.Bago ako pumasok sa loob ng opisina ni Madam,Kinailangan ko munang mag log in sa reception area at saka ako pinagbuksan ng pinto ng guard na naka assign.May dalawang mesa para sa executive secretary at personal assistant na bubungad sayo sa loob at sinabihan akong maghintay muna na ipatawag ni Madam CK.
"Miss Magtanggol,Pwede mong iwan na muna yang mga dala mo bago ka pumasok sa loob.Mas magiging komportable ka makipag usap kung wala kang gamit na inaalala._Miss Aimee
"Yes ma'm,Iiwan ko lang po muna dito itong bag ko.Salamat._AKO.
Saka ako dahan dahang pumasok na sa loob ng room ni Madam.
Napanganga ako sa paghanga sa ganda at laki ng silid na iyun.
Sinong mag aakala na may hotel room pala sa loob ng mall ng CK."Please have a seat Miss Magtanggol.Lalabas na din kaagad si CK,may kausap lang sandali sa fone._Miss Aimee.Kalalabas nya lang sa room na tinutukoy nyang kinaroronan ni Madam.
Ilang room pa kaya ang meron dito bago mo makausap at makita si madam?Nakakailang room na ako,may room pa din pala pag tapos nito. Grabe naman sa laki.Ilang saglit pa,lumabas na nga mula sa room si Madam na formal lang ang itsura.
"Aimee,Iwanan mo na muna kami.I mean,kuhanan mo muna pala kami ng maiinum.Ibilin mo na din sa department ni Miss Magtanggol na medyo mali late ng kaunti sa pagpasok itong si Sally._Madam CK. Saka muling pumasok si Miss Aimee sa pinang galingang room ni Madam.
"Go..Good morning po Madam._AKO.Kahit kabado,kinakailangan ko pa ding bumati sa kanya ng formal.
"Good Morning?Ano nga kaya ang good sa morning kapag sa pag gising mo pa lang,masamang balita na ang sasalubong sayo?_Madam.
Saka tumayo at naglakad lakad sa harapan ko."Po? Ahhh,ehhh...Yung magising pa nga lang po tayo sa umaga,Good na good na po iyun,Madam._AKO.Saka ako biglang nahiya sa sagot ko.
Feeling close naman kasi ako."Hahahaha.Syanga naman CK.Kapag gumising kapa mula sa pagkakahimbing,malaking milagro na yun na dapat ipagpasalamat. Good answer Sally._Miss Aimee.May dalang fresh juice na nakangiti sa akin.
"Uhmmm,Sabagay.Good nga naman ang umaga lalo na kapag may taong nagpapa inspired sayo,hindi ba Miss Magtanggol?_Madam.Saka ako parang kinabahan.Bakit parang ibang gustong iparating ang sinabing yun ni Madam.
"Hinay hinay lang sa pagtatanong CK,baka naman himatayin yang kausap mo sa masyadong pagka istrikta mo.Ang aga aga mong beast mode._Miss Aimee.Ganun sila ka close ni Madam.
"Pwede ka bang tumayo sandali miss Magtanggol?May gusto lang akong makita na hindi ko talaga alam kung anong meron sayo._Madam CK.
Kahit naguguluhan,tumayo naman ako ng ayos sa harapan nilang dalawa."Ohhhh my GOD! Hindi na talaga ako magtataka kung bakit sya ang napili.
Look at her CK,lalo na yung mukha nya...May naaalala ka bang kahawig nya except lang sa mata nya kasi medyo bilugan ng kaunti?
Hindi ba syang sya din nuong kabataan natin?_Miss Aimee.
Mas lalo akong naguluhan sa expression nila parehas.Para silang nakakita ng multo."No!Hindi totoo yan...Malayong mangyari ang sinasabi mo.Malaki ang pagkakaiba nila.Magkaiba silang dalawa._Madam CK.
Saka muli akong sinenyasan na maupo na.Agad syang uminum ng juice."Hahahha.Okey wala na akong sinabi.Obvious naman sa reaksyon mo na sya din ang naiisip mong tao na kahawig ni Sally sa malapitan.
Anyways,Maiwan ko na muna kayo at may kakausapin lang ako sandali sa labas._Miss Aime.Tinapik nya ako sa balikat bago sya umalis at iwan na naman kaming dalawa ni Madam."Now,tell me something about your self.Yung family mo,yung buhay nyo sa Abad Santos._Madam CK.Napa angat ako ng mukha.Papanong pati kinalakihan kong lugar,alam ni Madam.
"Ahh,ehh...Taga Abad Santos nga po ako Madam.Namatay po sa sakit ang nanay ko nuong high school pa lang ako at ang tatay lang po namin ang kasama namin ng dalawa ko pang kapatid sa bahay._AKO.
Bakit ba kinakailangan kong mag confess yata ng talambuhay ko sa kanya."Kaya ba pagsi saleslady lang ang naabot mo dahil maaga kang nagtrabaho para makatulong sa pamilya?Hindi ka ba naghangad na makapag aral ulit para naman magkaroon ka pa ng mas magandang trabaho sa hinaharap?_Madam.
"Ang totoo po nyan Madam,Sapat lang po sa pang araw araw na pangangailangan namin ang kinikita namin ng tatay ko.Kaya gustuhin ko mang makapag aral pa,Yung mga kapatid ko na lang muna po ang mas priority kong tulungang pag aralin._AKO.Sa totoo lang ako,Ayokong magpanggap na masipag akong mag aral para lang magpa empress.
"Ang balita ko,Sa Val nagta trabaho ang kapatid mo.Kamusta naman daw ang trabaho nya duon?_Madam.Hindi na ako nagulat na lahat alam nya tungkol sa akin.Ang nakakagulat,bakit sya naging interesado sa kagaya kong karaniwang empleyado lang.
"Opo Madam.Sa Villareal Airlines nga po sya nagta trabaho ngayon.
Wala pa po syang isang taon duon pero isa na sya sa naregular na empleyado._AKO.proud ate lang ang peg sympre."Hindi ka ba nagtaka kung bakit mabilis syang naregular at natanggap duon considering na fresh graduate pa lang sya?_Madam.
"Naku hindi na po ako nagulat duon.Matalino pong bata ang kapatid ko.
At saka dedicated sa trabaho nya kaya deserving sya sa kung anong nakakamit nya ngayon sa buhay._AKO."Then how about your father?Ang balita ko,personal driver sya ng isang
Opisyal ng gobyerno.Kamusta naman ang kita?Sumasapat naman ba para sa mga pangangailangan ng pamilya nyo?_Madam."Hindi man po kalakihan ang sweldo ng tatay ko pero proud po akong naitaguyod nya kaming pamilya nya na walang tinatanggap na tulong mula sa ibang tao.Kahit po ang tulong mula sa kapatid nya,hindi nya po tinanggap dahil ang katwiran nya,tungkulin ng isang padre de pamilya na itaguyod ang kanyang mga anak sa sarili nyang pagsisikap._AKO.
"Hello,Its me again.Reremind ko lang CK na may meeting ka ng ten o'clock with the Ayala group.Pwede nyo namang ituloy na lang ulit yan over dinner._Miss Aimee.Nakadungaw lang sya sa pinto habang nagsasalita.
"Ohhh,Its okey.Tapos na kami mag usap ni Miss Magtanggol.
Miss Magtanggol,Isang bagay lang ang gusto kong ipagbilin sayo.Wag na wag mong sasabihin kahit kanino na nagkausap tayo.Remember that.
_Madam CK.Saka nya ako sinenyasan na pwede na kong umalis.Papa alis na ako sa room ni Madam CK ng bigla syang magsalita na parang may naalala at saka kami sabay na napalingon ni Miss Aimee sa kanya...
"Wait Miss Magtanggol...Meron ka bang kakilala o kamag anak na Cora Magtanggol ang pangalan?_Madam CK.
"Yes po madam.Cora Magtanggol po ang pangalan ng panganay na kapatid ng tatay ko na nasa CANADA po ngayon._AKO.Saka sabay na nagkatinginan sila Miss Aimee at si Madam CK.Para namang nahilo at napaupo sa sofa si Madam kaya nilapitan sya kaagad ni Miss Aimee.
"Sige na Sally,Pwede mo na kaming iwan dito.Ako na ang bahala kay CK.
Salamat sa time.Mag iingat ka._Miss Aimee.Saka ko bahagyang tumango at umalis na.Kakaiba sa karaniwan ang pangyayari ngayong araw.Anong dahilan bakit ako kinausap ng ganun ni Madam?Bakit parang inalam nya ng husto ang background ng pamilya ko na parang meron akong ginawang di maganda sa kanya.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...