Miss,Pupwede ko bang palitan itong sapatos na binili ko nung isang araw?Hindi kasi gusto ng anak ko yung style eh._Ale na naka tsinelas at damit pambahay lang.
"Ay ma'm dala nyo po ba yung resibo nyo?At saka mayroon na po ata itong putik,nasuot na po yata?_AKO.Masusi ko din kasing chineck yung sapatos.
"Andito yung resibo.Pero oo nga nasuot na yan ng anak ko ng isang beses.
Hindi na ba uubra na palitan?_Ale.Yung itsura nya na parang mangiyak ngiyak na kaya naman naawa ako sa kanya."Ma'm,susubukan ko pong itanong sa visor ko kung pupwede pa ha.Kapag kasi nagamit na,hindi na pwedeng palitan lalo na po kung wala namang defect yung item na binili nyo._Paliwanag ko.Pero nagbakasali pa din ako na kausapin yung supervisor ko.
"MISIS,Hindi na po pupwedeng palitan.At isa pa,hindi lang nung isang araw yung date na binili nyo ito,last week pa.Pasensya na po pero hindi na talaga pwede._Visor Thelma.Sya na ang ipinaki usap ko dun sa ale.
"Ganun po ba,sige salamat na lang po._Ale.Saka sya malungkot na umalis na sa pwesto dala dala yung supot na may lamang sapatos.
Tamang tamang nasa labas na ako nun ng mall ng makita kong may isang dalagita na may sinisigawang ale sa gilid ng mall.Saka ako biglang na curious na lapitan sya at saka ko naalala na sya yung ale na nagsosoli ng sapatos kanina sa akin sa loob.Agad ko syang nilapitan.
"Excuse me,May problema ba tayo?Baka may maitulong ako?_AKO.Actually hindi ko ugali ang makialam,pero naaawa kasi ako dun sa aleng payat na payat tapos sinisigaw sigawan nung dalagita.
"Ano naman ang pakialam mo kung may problema kami ha?Umalis ka dito kung ayaw mong pati ikaw idamay ko sa pagka bwisit ko sa matandang ito!_Dalagita.Saka hinila yung ale papalayo sa akin.
"Anak,Umuwi na tayo.Wag ka ng mag eskandalo dito.Sa bahay na tayo mag usap.Wala talaga akong magagawa kung ayaw nila palitan yang sapatos,ibibili na lang kita sa susunod._ALE.Saka tumingin sa akin at senyasan ako na umalis na.
"Sinabi ko na kasi sayo na ayoko nga ng sapatos na yan.Ang panget panget na ang baduy pa ng style.Bakit kasi hindi mo nalang isaksak sa baga mo yan at pabayaan mo na lang ako mag isa._Dalagita.Sabay bato dun sa sapatos sa mukha ng nanay nya pala.
"Hoy babae!Sumusobra kana ha.Nanay mo yang binabastos mo!Ang kapal naman ng mukha mo,ipapasoli mo sa nanay mo yang sapatos na yan kahit gamit na tapos sya pa ang sisisihin mo?Ayos ka din noh?_AKO.Bahala na,basta need ko lang talaga turuan ng leksyon tong bruhang bata na ito.
"Sino kaba ha?Anong pakialam mo sa amin?Pwede ba,yang sarili mo ang pakialaman mo wag kami!Hindi mo alam ang problema namin kaya wag kang umepal dyan.Feeling mo superhero ka dahil maganda ka ha?_Dalagita.Na pinandilatan ako ng mga mata.
"Sira ulo ka ba,Nanay mo binabastos mo ng ganyan?At ano naman sayo kung magandang super hero ako,naiinggit ka?Halika sa presinto at ipakukulong kita sa pananakit mo sa nanay mo._AKO.Sa totoo lang,kanina pa ako hiyang hiya dahil dumadami na ang mga taong nakatingin sa amin.
"Wala kang pakialam!_Dalagita.Saka nya hinila yung nanay nya papalayo sa akin.Agad ko silang sinundan at saka ako lumapit dun sa manong pulis na nag babantay dun sa sakayan ng jeep at sinabi ko yung ginagawa nya sa nanay nya.
Sa presinto kaming tatlo bumagsak.Pero matigas pa din ang paninindigan nung dalagita na itanggi na sinasaktan at sinisigawan nya yung nanay nya.
Ako pa ang pinalalabas na nakiki alam daw sa kanila ng nanay nya.Gusto ko na talaga syang sabunutan pero nagpipigil lang ako.Napaka maldita at sinungaling nyang bata."Ineng,Salamat sa tulong.Pero hayaan mo na lang kami ng anak ko.
Pare pareho pa tayong maaabala kung magtatagal pa tayo dito.Ako na ang bahala sa anak ko.Matigas lang talaga ang ulo nyan pero mahal na mahal ko yan.Wag kang mag alala,kapag inulit nya pa akong saktan,ako na mismo ang pupunta sa pulis para magsumbong._Ale.Saka naman ako biglang nahimasmasan.Bukod sa payat at maliit si ate,halata pang may dinaramdam na sakit.Kaya lang,bilang isang ina...Hindi naman nya kayang tiisin ang anak nya kahit na ganun pa ito ka maldita.Umalis ako ng presinto na lulugo lugo.Wala mang kinapuntahan ang mga sinabi ko at ginawa,Ganun pa man gusto kong maramdaman ni ate na kahit papaano may mga tao pa din sa paligid nya na marunong magpahalaga sa kapwa at malaman nya ang halaga nya bilang isang ina sa kanyang anak.
"Ginabi ka yata anak?Nahirapan ka bang sumakay,o baka nagkita na naman kayo ni GD sa labas at nagkwentuhan?_Tatay.Sinabi ko kasi sa kanya na kapag araw ng byernes,may bonding moment kami palagi ni GD.
"Hindi po tay,Meron lang po akong dinaanang kakilala.Naawa po kasi ako sa kanya dahil hindi sya tinutulungan ng anak nya kahit may sakit na sya.
_AKO.Alam ko naman na maiintindihan na ako ng tatay kahit di ko na ikwento pa ng buo."Ahhhh,Alam ko na yan.Nagpaka super hero na naman ang anak ko malamang.
Hahahha.Manang mana ka talaga sa tatay mo.Kahit madalas ng mapahamak,sige lang sa pagtulong._Tatay."Tay,Bakit po kaya may mga anak na walang pag galang at pagrespeto sa magulang nila?Hindi ba nila alam kung ganu kahirap kapag walang mga magulang na kasama sa buhay,malungkot yun.Ganun yung pakiramdam ko nung mawala si nanay eh...Tapos yung dalagita,kung makasigaw dun sa nanay nya na parang sya ang naghirap para lang iluwal sya sa mundo.
_AKO.Saka ako biglang napaiyak.Naalala ko din kasi si Joyce.Kung papano sya nagsasakripisyo para sa nanay nya para lang madugtungan ang buhay nito."Shhhh...Anak,Ganun talaga ang buhay.Hindi natin hawak ang kanilang puso at isipan.Pwedeng matiis ng isang anak ang kanilang magulang,pero hindi yun magagawa ng magulang sa anak.Kaya kahit na sobra ng nasasaktan ang nanay o ang tatay,nakahanda silang magtiis para sa kapakanan ng anak nila._Tatay.
"Maswerte kaming magkakapatid sa pagkakaroon ng tatay na tulad mo tay.Wala kang katulad.Nanay at tatay ka na namin,bestfriend pa.
Kaya siguro ganun ka kamahal ng nanay,kasi napakabuti mo.
Kaya kami ding mga anak mo,sobrang mahal ka namin._AKO."Maswerte din kasi ako sa pagkakaroon ng maganda at mabuting asawa tulad ng nanay nyo.At sympre,sa pagkakaroon ng mababait at masunuring mga anak tulad nyo.Sa totoo lang,hindi kayang tumbasan ng kahit na ano pang kayaman sa mundo ang pagmamahal ko sa inyong magkakapatid.Kayo ang yaman at inspirasyon ko._Tatay.
Matagal kaming magkatabi lang sa bintana at nakatingala sa ulap habang nag uusap.Tama naman si tatay duon,Hindi nga kami mayaman at wala kaming madaming pera,Pero punong puno kami ng pagmamahalan at pagrerespetuhan sa bawat isa.Hindi nasusukat ang kaligayahan ng tao sa kung anong materyal na bagay na meron ka,kundi sa pamilya mong laging andyan kahit malungkot o masaya ka.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomantiekComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...