After what happened last night,Saka ko narealize na Mahal na mahal ko pa din talaga si GD.Walang nabago sa pagtingin ko sa kanya,Bagkus ay lalo pang sumidhi ang pananabik ko sa kanya.
Tanghali na kaming lahat nagsipag gising at saka ko lang nalaman pagbaba ko na kanina pa pala umuwi si GD kasama ang dalawang anak nya.
"Mamayang tanghali na lang daw ulit babalik si Dane,Paliliguan nya daw muna ang mga anak nya.Magpapasama na lang din muna ako kay Terry sa shop pagkahatid namin sa inyo sa Spa._TOP.Magpapa body scrub daw muna kasi kaming tatlo at magpapa facial nila Dess at Joyce para maganda ang aura namin bukas sa kasal.
"Make sure na susunduin nyo agad kami ha,Baka kung saan saan na naman kayong dalawa mag gala._Dess.Kay TOP sya nakatingin na alam nyang madaming kalokohang alam lalo na kapag nandito sa ibang bansa.
"As if naman may iba pa kaming alam puntahan dito maliban sa bahay ni Dane?Dadaanan na din namin sila ng mga bata bago namin kayo sunduin.
Ikaw ang mag ingat duon.Baka maglilikot ka at magpalakad lakad,baka mapaano yang bata._TOP.Saka lumapit at hinalikan yung tummy ni Dess"Olright guys,lets go na.Don't worry Dess,kasama namin si baby Katie kaya for sure after namin sa shop,kay GD na ang tuloy namin agad._Terry
Saka ko na naman biglang naalala ang nangyari kagabi pagkadinig ko sa pangalan ni GD."Sally,Kayo na lang dalawa ni GD ang naiwan sa baba kagabi diba?Nakapag usap ba naman kayo?_Joyce.Magkakatabi kaming nakahiga ng padapa sa tig iisang kama habang ini scrub yung likod naming tatlo.
"Hindi na kami nakapag usap dahil umiyak yung mga anak nya.Nabasa kasi pareho yung diaper nila.Tinulungan ko lang syang palitan ng lampin si Aloha.Sabay kasing umiyak at nagising eh._AKO.Hindi ko na binanggit pa yung nangyari kasunod kagabi.
"Sayang naman,Sana nag usap kayo para nagkaliwanagan.Wala na bang pag asa na magkabalikan ulit kayong dalawa?Kung sino pa yung sweet na sweet nuon at walang problema,Sila pa pala yung hindi na magkikibuan sa bandang huli.Bigla tuloy akong na Sad._Dess. Medyo maliit pa naman ang baby bumps ni Dess kaya pwede pa syang dumapa dapa.
"Parang mahirap ng maibalik pa yung dating kami.Iba na kasi ang sitwasyon ngayon dahil may mga anak na sya._AKO.Pero hindi pa din naman ako nawawalan ng pag asa.Kung halik at yakap lang ang pagbabasehan ko,Ramdam ko pa din yung dating init at tamis sa bawat pagdadait ng aming mga labi.
"Oh my gosh Sally,Why are you blushing?Para tuloy hindi ako naniniwalang walang ibang nangyari kagabi bukod sa pagpapalit nyo ng diaper.hahahaha._Dessa.Nahiya tuloy ako at lalong pinamulahan ng mukha kaya lalong nagtawanan sina Joyce at Dess.
Saktong nakaupo na kami sa reception area at nag aantay na lang ng sundo ng dumating si TOP at Terry.Agad din kaming lumabas kaagad sa Spa at lumapit sa dalawang kotseng nakaparada sa harapan.
"Sally,Okey lang ba sayo na dun kana lang muna sumakay sa kotse ni GD?
Kasama pa kasi yung yaya ni Katie kaya sakto lang kami dito sa sasakyan ko._TOP.Tumango naman ako at saka tumapat sa kasunod na sasakyan."Dito ka na lang sa front seat umupo.Para hindi naman ako magmukhang driver._GD.Na sumungaw ng bahagya sa pinto ng kotse nya at saka binuksan.
"Hindi mo yata isinama yung mga anak mo?Akala ko kasama mo sila ngayon._AKO.Pinilit kong maging kaswal lang sa pagsasalita kahit medyo kinakabahan ako.Bigla ko na naman kasing naalala yung nangyari sa amin kagabi.
"Iniwan ko na lang muna sa mga yaya nila.Ang hirap kasi ng may batang kasama lalo na kapag ganitong may mga selebrasyon at okasyong nagaganap.Hindi ako makapag focus._GD.Mas relax na syang kausap ako ngayon kaysa kahapon na bago pa lang kaming nagkita ulit.
"GD,Tungkol nga pala sa nangyari kagabi...Pasensya kana.Hindi ko lang kasi napigilan ang sarili ko dahil sa kalasingan siguro._AKO.Napalingon ako sa labas ng kalsada dabil nahihiya akong tumingin sa kanya.
"Hahahaha.Bakit ka naman magsosorry,Pareho naman nating ginusto yun.
Natutuwa nga ako dahil nalaman kong hindi pa din pala nagbabago ang chemistry nating dalawa gaya nuon.Para pa din tayong sabik sa isa't isa na parang nuong dati lang_GD.Pero saglit lang ang pagtawa nya at saka sya muling nag focus sa pagda drive."Ang sabi sa akin ni Terry nuon,After giving birth to your twins ayaw mo daw bumalik pa ng Pilipinas.Talaga bang ganun mo ako gusto ng kalimutan kaya hindi mo na ginusto pang magbalik?_AKO.
Bahala na kung ano man ang itawag nya sa akin...desperada,makapal ang mukha,walang kahihiyan...basta desidido na akong isama sya pabalik sa Pilipinas."Actually,nahihiya lang talaga ako sayong magpakita.After ng mga nasabi ko sayong masasakit nuon,Parang unfair naman na basta na lang akong magbalik pagkatapos ng lahat lahat ng pananakit ko sa damdamin mo.
_GD.Nagtaka ako na nag iba sya ng ruta at hindi na kami nakasunod sa sasakyan nila TOP."Alam ko namang hindi lang ako ang nasaktan kundi pati ikaw din.
Hindi naman ako madaling sumuko kahit na ipinagtabuyan mo pa ako nuon.Wala pa din namang nagbago sa nararamdaman ko sayo dati hanggang ngayon._AKO.Nagulat ako ng bigla akong halikan ni GD sa labi pagkahinto nya ng sasakyan."Sorry for all the pain i've cause you.Mula nuon hanggang ngayon,nananatili ka pa ding loyal sa akin kahit na ang dami ko ng kasalanang nagawa sayo.Wag kang mag alala,babawi ako.
I'll make sure this time,hinding hindi kana luluha pa..Hon._GD.
Saka muli naming pinaglapat ang aming mga labi."Talaga bang totoo yung sinabi mo na this time babawi kana at hinding hindi na ko iiyak pang muli?_AKO. Pabalik na kami ulit sa resto kung saan kami magsasalo salong magkakaibigan.
"Oo naman.Alam mo naman na may isang salita ako hindi ba.At hindi ako nangangako ng di ko tinutupad.Meron ka bang pabor na gustong hilingin sa akin this time?_GD.Magkahawak ang mga kamay namin habang nagda drive sya.
"Gusto ko sanang hilingin sayo na sumama kana sa amin pabalik ng Pilipinas.Gusto ko na kayong makasama ng kambal.Kahit hindi mo na ko pakasalan okey lang sa akin,ang mahalaga magkakasama na tayo._AKO.
Yun lang naman talaga ang hiling ko nuon pa.Ang makasama sya at ng mga anak nya."Iga grant ko yang wish mo pero hindi kaagad agad hon.Kailangan ko na munang ayusin ang lahat ng papers ng kambal bago ako bumalik sa Pilipinas.At isa pa,wala pa tayong magiging bahay duon kung sakali.
Ayoko namang kila Mommy at daddy pa tayo makitira._GD.
Hindi na muna kami kami bumaba ng kotse kahit nasa tapat na kami ng restaurant habang nag uusap."Madali na lang naman mag ayos ng papers ngayon kaya for sure hindi na magtatagal ang paglalakad mo.Tungkol naman sa titirahan natin,Okey lang naman sa akin na umupa na muna tayo ng condo pansamantala.
May trabaho naman ako kaya pwede tayong magshare sa pagbabayad.
_AKO."Hahahaha.Hindi ka naman atat nyan na makasama ako honey?
Ibang klase ka talaga,Wala ka pa ding kupas hanggang ngayon.
Kaya hindi kita makalimutan eh!Wag kang mag alala,pagkatapos na pagkatapos kong maiayos ang travel documents ng mga anak natin babalik kaagad kami ng Pilipinas para magkasama sama na tayo._GD.
Matapos naming mag usap,magaan ng loob naming parehas na humarap sa kanila na magkahawak ang mga kamayAlam naming kahit na di na kami magsalita pa...Alam na din nilang okey na kaming dalawa ni GD.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...