Habang palalapit na ang selebrasyon ng anibersaryo ng CK MALL mas lalong nagiging abala ang lahat sa pagsasa ayos ng mga bagong bihis na mga tindahan sa loob ng mall.Kahit ang area namin ay pinalitan na din ng mas maganda at mas matitibay na display cabinet.Ito daw kasi ang gagawing main sa lahat ng branches ng CK MALL kaya kinakailangang mas pagandahin at gawing world class ang standard sa bawat tindahan.
"Talaga ba?Yung guy na kausap mo kahapon pala ay yung ka klase mo na binu bully nuon dahil sa katabaan?So anong sabi sayo,bakit at papano nyang nalaman ang bahay nyo?_Ako.Papauwi na kami habang nag aantay kay Joyce.
"Oo sya nga.At oo din nakapunta sya ng bahay dahil aksidenteng nagkita daw sila ni tita sa supermarket kung saan sya pala ang manager duon._Dess.Nasa labas na kami ng mall at may nakitang nagtitinda ng fishball kaya naisipan namin bumili.
"Naks naman,Manager pala eh,so anong lagay...type mo?_AKO.Nagsimula na akong tumusok sa fishball dahil medyo luto na.
"Type kaagad,para kang sila tita at si lola eh.Nag invite lang para sa reunion ng batch namin type kaagad?_Dess.Kumagat sa fishball nya at saka napaso dahil mainit pa.
"Hahahhaa.Kasi naman,first time lang na may umakyat ng ligaw sayo noh.
Sa txt at sa mall ka lang kasi nagpapaligaw,kaya ayan madali ka ding i break dahil hindi totoong sincere sayo._AKO.Sa mall lang kasi at sa fone lang kasi nya madalas nakikilala yung mga naging bf nya kaya mga hindi din pang matagalan."Guys,sorry medyo natagalan ako sa paglabas.Kinausap pa kasi ako nung manager,mas agahan ko pa daw sana ang pasok lalo na at madaming kailangang ayusin sa shop.Hindi ko lang masabi na,from hospital pa ako manggagaling tapos kailangan mas maaga pa._Joyce.Nasa hospital na naman kasi ang nanay nya,buti na lang may kakilala si Terry dun sa hospital na yun at nabigyan sila ng mag i sponsor kaya may sariling kwarto ang nanay nya.
"Kaya nga eh,kahit sa pwesto ko din daming gawain.Kung bakit ba naman kasi isinabay pa sa Anniversary yung pagpapa renovate sa mall kaya ayan tuloy nira rush nila.haaaaist.Kakainis talaga yung management eh!_Dess.
"Kasi nga sa CK stadium gaganapin yung big night kaya yung mga bisita nila from other country na balak mag invest, gusto nyang maipakita na maganda at pang world class yung mall nya._AKO.Si Madam CK kasi mismo ang nagpaliwanag sa aming lahat kaya nagkaroon ng renovation sa loob ng mall.Late na kasi nun ang duty nila Dess at Joyce kaya hindi na nila naabutan yung anunsyo ni madam.
"Kaya naman pala nira rush.Ilang raw na lang pala kasi.Btw,pwede naman sigurong umuwi ng mas maaaga after,hindi ba?_Dess.
"Pwede naman siguro.Ako din need kong magbantay kay nanay nun kasi lunes kinabukasan,hindi pwedeng mag stay si ate ng matagal dun dahil may pasok ang mga anak nya._Joyce.
"Siguro uuwi na lang din ako kaaagad kung aalis na din kayo.Teka,san ka ba nun pupunta Dess?_AKO.Hindi din nama ako sanay sa mga kasiyahang ganyan.Mas gusto ko pang mag stay na lang sa bahay at manuod ng mga kdrama.
"Kasi nga reunion din namin nun.Sabi ni Kelvin,susunduin nya na lang daw ako dun sa party para makahabol pa ako.Gusto ko din kasing makita yung mga dati kong mga kaklase eh._Dess.
"E di walang problema.Sabay sabay tayong umuwi ng mas maaga.Mas masaya!Importante,umattend tayo sa Anniversary._Joyce.
Saka kami nagkanya kanya ng sakay ng jeep pauwi.Naabutan ko si Sam na nag eempake na ng mga damit nya.Sa lunes na kasi ang simula nya sa trabaho,pero need na nyang mag asikaso sa mga requirements nya kaya mas maaga syang pupunta dun sa condo ng kaklase nya.
"Ate,Bukas na ako aalis.Ikaw na muna ang bahala kila tatay at Sassy.
Dont worry,araw araw naman akong tatawag.At saka uuwi uwi naman ako dito ng mas madalas kapag maayos na ang magiging sked ko sa work.
_Sammy.Parang naluluha sya habang nagsasalita.Maka tatay kasi si Sammy at siguradong mamimiss nya ang palagi nilang pagkukwentuhan ni tatay kapag nandito sya."Oo naman.Akong bahala sa kanila.Ikaw ang mag iingat duon.Wag kang magpapagutom.Mahirap magkasakit.Saka wag namang masyadong dibdibin ang pagta trabaho,relax relax lang din.Alalahanin mo,hindi mo kailangang pwersahin ang sarili mo para lang magpa empress sa mga boss mo...Ang mahalaga,yung makisama ka ng tama at i enjoy ang pagiging mang gagawa._AKO.Unang work pa lang kasi ni Sammy,di gaya ko na sanay na sa pagta trabaho kaya gamay ko na ang kalakaran sa mga kumpanya.Mas madami kang kaibigan,mas madami kang kakampi kapag nagkagipitan.
"Oo ate,dont worry.Marunong naman akong makisama gaya mo eh.Bukod sa lahi ng kagwapuha at kagandahan ng pamilya natin,magagaling din tayo sa pakikipag kapwa.Kaya hindi naman sigurado akong hindi ako magiging problema sa mga kasamahan ko._Sammy.
"Mabuti kung ganun.Saka may tiwala naman ako sayo kapatid.Ikaw pa ba?hahahha.Ito nga pala,allowance mo.Habang wala ka pang sweldo ito muna ang pagkasyahin mo.Pasensyahan mo na muna yan._AKO.Lilimang libo lang ang na isave ko para sa kanya.Kulang yun kung tutuusin pero alam ko namang madiskarte si Sam kaya mapagkaksya nya iyun habang wala pa syang kinikita.
"Ate,sobra na nga ito eh.Meron pa naman akong naitabi from my allowance before.Salamat ha.Hayaan mo,kapag sumweldo ako babayarin ko ito kaagad._Sammy.
"Naku,wag mo na kong bayaran dyan.Regalo ko yan sayo para sa graduation mo.Sabi ko naman sayo hindi ba,Kapag may pera ka na,mag ipon ka para sa sarili mo.Kung gusto mo tumulong,magbigay ka pero hindi mo obligasyon na palagiang magbigay.Ang mahalaga,hindi mo pinababayaan yang sarili mo.Dun lang,masaya at panatag na kami ng tatay._AKO.
"Basta ate,ako na ang bahala kay Sassy sa college.Mag tatabi din ako syempre para sa sarili ko.Makaka raos din tayo ate,maniwala ka.
Gagalingan ko sa trabaho ko para maregular ako._Sammy."Oo na nga,Hindi tayo matatapos nyan eh!Magbibihis na nga muna ako at ng makapag luto na.Baka mamaya dumating na si tatay,wala pa tayong pagkain._AKO.Saka ako pumasok sa kwarto ko at nagbihis.Sa totoo lang kanina ko pa gustong maiyak.Masaya ako para kay Sammy,Nakikita ko sa mga mata nya ang kaligayahan.Dream come true para sa kanya ang makapag trabaho sa kumpanya ng mga eroplano.
"Ate,Nakatulaley ka na naman dyan.Ang sabi ko paabot naman nung baso.
_Sassy.Naalala ko kasi na naman si GD habang kumakain kami.Bakante kasi ang upuan kung saan sya palagi nakapwesto.Sa tabi ko."Sassy ikaw talaga,hindi ka na lang tumayo para abutin yung baso.
Nakaka bala ka sa pagdi day dreaming ni ate oh!_Sammy.Nagtawanan naman sila ni Sassy.Totoo naman kasing nakatulaley ako."Baka iniisip yung party nila sa linggo kuya,Nakita ko nga yung gown na isusuot nya eh,pang princess!_Sassy.
"Naku,bakit naman nag abala kapa sa paghiram ng gown anak.Kahit naman ano ang isuot mo maganda ka pa din. kaya kahit simple lang ang suot mo ikaw pa din ang magiging star of the night duon makikita mo._Tatay.
"Hahahha.Yan tayo tay eh.Lakas talaga ng bilib mo dyan kay ate eh!Puro anak ng mayayaman at mga sikat na tao kaya ang mga bisita dun.Imposible namang mapansin pa sya dun sa dinami dami ng tao._Sassy
"Tse!Inggit ka lang.Wag kang mag alala tay,ako ang mag uuwi ng korona.
Sisiguraduhin ko na sa akin mapupunta ang major award at makikita mo Sassy,Hindi lahat ng mayayaman bida.hahahaha._AKO."Asa ka naman ate,Goodluck.As if magugustuhan ka naman ng anak ng may ari ng mall kung maka major award ka jan.hahahha._Sassy.
"Hahahaha.Ate,itayo mo ang bandera ng mga Magtanggol.Iuwi mo ang major award sa sunday okey?_Sammy.Tapos kumindat sa akin.
Nagtawanan kaming lahat.Mamimiss ko din tong kumpleto kami sa pagkain at nagkukulitan.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...