GD povs:Mula sa hanay ng mga batang magsisipagtapos ng kindergarten,Agad kong natanaw sina Aloha at Maui na nakikipag kulitan sa kanilang mga kaklase habang abala ang nanay nila sa pag aayos ng headress sa ulo nila.
Natawa ako sa itsura ni Sally na nanay na nanay talaga ang dating sa paghabol habol sa dalawang bata."Aloha,don't run.Baka ka madapa.Madudumihan yang damit mo.
Look at Maui,behave lang at saka hindi malikot._ Sally. Saka ako lumapit sa kanila kaya naman tuwang tuwa yung dalawang bata pagkakita sa akin."Mommy!!!Mommy!!!_Sabay nilang sigaw at sabay na humalik sa akin.
"Hello my princesses!Mom is here now.Nagbehave ba kayong dalawa?Kawawa naman si Nanay kung nagpapasaway kayo sa kanya eh._AKO.Nakangiti naman si Sally sa akin habang kinakausap ko yung dalawang bata.
"Yes Mommy,Nagbebehave lang po ako.Pero si Aloha is so makulit that's why Nanay is tired and sweating right now._Maui.Natawa kaming sabay ni Sally sa sinabi ni Maui.Kahit pawisan naman si Sally,fresh pa dn naman at maganda
"Im not pasaway Mommy,Im always following Nanay's command diba Nanay?Ikaw kaya ang pasaway dyan._Aloha.Natawa nalang kami ni Sally sa pangangatwiran palagi ni Aloha kahit totoo namang napaka hyper nyang bata.
Pagkatapos ng graduation ceremony ng dalawang bata ay agad kaming dumiretso sa Happybee Makati branch kung saan may inihanda kaming graduation party para sa dalawang bata.Inivited ang buong klase ng kambal maging mga guro sa pinapasukan nilang school.
Masayang masaya sila habang nag lalaro kasama ang kanilang mga kamag aral."Ang ganda ganda talaga ng mga apo ko,manang mana sa akin.Sobrang sarap nila panuorin na masayang naglalaro._Mommy.
Sila ni daddy ay talaga namang super suportive sa kambal at makikita sa kanila ang labis na kaligayahan.Hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko na bigyan sila ng mga apo na nagmula talaga sa akin."Si Aloha lang ang kamukha mo dahil chinita,Mas kamukha ko si Maui lalo yung ilong na matangos.Aba'y kami kaya ng nanay nila ang pinagbiyak na bunga kaya natural pati mga apo ko ay kamukha ko din._Daddy.
Natatawa na lang kami ni Sally kapag nagtatalo sila parati kung sino sa kanila ang kamukha ng kambal.Sa totoo lang kasi,malaki din ang ambag ng foreign blood ng donor nilang ama dahil para silang foreigner sa blue eyes nilang mga mata."Mom,Dad...Pwede ba,tigilan nyo na yang pagtatalo kung sino ang kamukha ng kambal kasi si Sally talaga ang kamukha nung dalawa kasi sa kanya ko sila pinaglihi._AKO.Saka kami lahat nagtawanan.Masayang masaya kami ni Sally dahil sa wakas,naging isang pamilya na kami talaga.
Wala na akong mahihiling pa kundi ang maging maayos ang pagsasama namin at nagpaplano din kaming magpakasal,kung kelan...Siguradong malapit na.●●●●●
Madilim ang kalangitan,Nagbabadya ng paparating na malakas na ulan.
Napatingala ako ng maramdaman kong unti unting pumapatak ang mangilan ngilang tubig mula sa langit.Agad akong tumakbo papunta sa mansyon kahit na alam kong nandudon sa loob si Aloha para asarin na naman ako."Aloha,hindi mo ba talaga titigilan yang kapatid mo ng kaka asar ha?
Bakit ba palagi mo na lang syang gustong pinapaiyak?_Nanay Sally. Sinamaan ko sya ng tingin habang pinapagalitan sya ni Nanay.Isang ngisi naman ang sagot nya sa akin ng palihim habang pinapagalitan sya."Nay naman,Alam nyo namang napaka pikon lang talaga nyang si Maui.
Kahit nga masagi lang yan ng kaunti,naka singal na kaagad sa akin yan eh.
Ang arte arte,masyadong pabebe._Aloha.Paupo akong tumabi kay Nanay Sally at saka umirap sa kanya.Kami yung kambal na magkaibang iba sa kilos at gusto.Hindi naman talaga ako maarte at pabebe,kaya lang ayoko kasing matulad sa kanya na brusko at hyper kumilos.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...