Amoy ng piniritong tuyo at sinangag ang nagpagising sa akin kina umagahan.Agad akong bumangon at saka tumuloy sa kusina.Naabutan ko si tatay na nakapaghanda na ng almusal.Linggo ngayon at wala syang pasok kaya sinadya nya talagang unahan ako sa pag gising.
"Sally anak,gisingin mo na muna ang mga kapatid mo at kakain na tayo.
_Tatay.Nasa singkwenta na si tatay pero malakas at makisig pa.Hindi sya mukhang matanda kaya naman may mga ilang kaidaran sya na nagkakagusto pa din sa kanya.Pero hindi nya pinapansin ang mga yun.Katwiran nya,si nanay lang daw sapat na.Wala na daw syang balak mag asawa pang muli"Opo tay._AKO.Una ko munang ginising si Sassy,matagal kasi sya magising
Tapos sunod namang ginising ko si Sammy.Agad naman akong bumalik sa kusina at umupo na sa hapag kainan."Sally,malapit na nga pala mag umpisa yung OJT ni Sammy...Nagpaalam sya sa akin na dun daw muna sya makikitira sa kaklase nya.Mas malapit daw yun sa papasukan nya.Ano sa tingin mo?_Tatay.
"Kung ako ho ang tatanungin,ayoko ho sana.Pero nasa inyo po iyun tay kung papayag kayo._AKO.Saka naman magkasabay na umupo na din sila Sammy at Sassy.
"Ate,mabait naman si Jimboy.Nakilala nyo na din naman sya.Solo lang din naman kasi sya sa condo nila since nasa states ang family nya kaya gusto din nyang may kasama.Saka mas okey na din yun para tipid sa pasahe.
Mag bibigay na lang daw ako ng share sa pagkain._Sammy.Saka tumingin kay tatay para intayin yung sagot."Alam ko namang responsable kang bata.At alam ko din namang kakayanin mo kahit malayo kami sayo.Pumapayag na akong dun ka na muna makitira sa kaklase mo basta tandaan mo lang lahat ng mga pangaral ko sayo.Wag ko lang mababalitaang nakikipag inuman ka lang at nagpapabaya ka sa pag aaral mo at talagang makikita mo ang hinahanap mo._Tatay.
Alam ko namang biro nya lang yun.Kahit kelan,hindi pa kami pinagbuhatan ng kamay ni tatay.Kaya naman hindi din namin sya binibigyan ng dahilan para ikagalit nya.Pagkatapos naming kumain,agad na akong naligo at saka nagbihis.Kailangan kong pumasok ng maaga ngayon dahil sa pag half day ko kahapon.
"Kamusta kana man bru?Ano ba ang feeling ng mabasa ng softdrinks?
Hahahha._Dess.Sabay kaming papunta sa naka assign sa aming pwesto.
Halos puro branded ang mga paninda ni Dess,mga mayayaman ang mga costumer nya."Magsipag handa kayo,darating mamaya ang may ari ng mall na si Madam CK para bisitahin tayo.Ayusin nyo yang mga itsura nyo.Yang mga make up nyo at uniporme,ayusin nyo.Dapat presentable kayo lahat pag dumating sya._Mrs.Aimee.Manager ng buong sales department.
"Yes Ma'm._sabay sabay naman naming sagot sa kanya.Medyo strict si Mrs Aimee sa amin.Ang balita nga,malayong kamag anak daw sya ni Madam CK kaya talagang loyal sya sa tungkulin nya.Hindi din nya kami madalas kinakausap unless kailangan lang talaga.Palagi lang syang nag uutos sa mga visor at staff ng department store na hinahawakan nya.
"Bakit naman kaya naisipang bumisita ni Madam,Hindi naman nya ugaling makipag kita sa mga empleyado nya kahit nuon pa ah._Dess. Kay Joyce sya nakatingin.
"Hindi ko nga din alam kung bakit.Bigla bigla naman.Kinakabahan tuloy ako.Hindi ko pa naman nasabihan yung iba na linisin at ayusin yung mga pwesto nila.Balitang mataray pa naman daw si Madam CK sa mga tauhan nya._Joyce.Agad naman kaming nag ayos ng kanya kanya naming pwesto.
Si Dess ay sa mga branded na bags and shoes naka toka habang ako naman ay sa mga locally made na bags and shoes naka assign.Ilang sandali pa,dumating na sa mall ang may ari at agad na dumiretso sa pwesto namin.Isang magandang babae na nasa pagitan ng edad na singkwenta ang agad bumungad sa harapan naming lahat.May ilang babaeng kasama at mga bodyguards na nakapwesto naman sa likuran nya.Isang gwapong binata din ang kasama nya na agad namang nagpakilig sa ibang saleslady na kasama ko kabilang na si Dess at Joyce.
"Hello every one.Im sure nagulat kayo sa biglaang pagbisita ko sa inyo dito.Well,as you all know hindi naman lingid sa kaalaman nyo ang napapabalitang planong ipakasal ko ang bunso kong anak.Its true,hindi sya tsismis lang.And this handsome guy na nasa tabi ko ngayon,Ang napili ng pamilya ko para ipakasal sa aking bunsong anak.At nandito kami para samahan syang pumili ng magandang pang regalo sa anak ko._Madam CK
Nagpalakpakan naman kaming lahat para sa anunsyo ng may ari."Its really an honor for me na ako ang napili nyo Madam CK para sa inyong pinaka mamahal na anak.Salamat po sa pagtitiwala._Andrew Chavez.Hindi ko maramdaman ang sincerity sa mga sinasabi nya habang nagsasalita.Parang hindi sya totoong ganun kabait sa tingin ko.Pero sino naman ako para humusga.hindi naman ako ang pakakasalan.
"Miss,pwede mo ba akong samahang pumili ng magandang pang regalo
para sa magiging fiancee ko?_Andrew C.Hindi ko namalayang ako pala ang kinakausap nya.Agad naman akong naglakad papunta sa pwesto ni Dess at inassist sya sa pagpili ng mamahaling bag."Sir,This way po.Mga branded bags po ang kadalasang pang regalo ng mga guy sa mga girlfriends nila.Gusto din po ng mga babae ang bags kaya po tyak na magugustuhan po ito ng reregaluhan nyo._AKO.Naka sunod lang sa amin si Madam CK at patingin tingin sa amin habang nagsasalita ako.
"Nice idea.Sa palagay ko nga magugustuhan nya ang mga yan.Can you please give me your latest collection and then ikaw na din ang bahalang mag wrap if you dont mind._Andrew C. Very confident sya sa pagsasalita at halatang nagpapa empress sa magiging inlaws nya.
"Is there anything you want to add sir?May gusto pa po ba kayong bilhin or kailangan?_AKO.Habang ipinapabalot ko yung tatlong bag na binili nya.
"Im okey,Thanks for accomodating us.Hindi lang pala mababait ang mga saleslady dito,magaganda din.Salamat po sa inyo._Andrew C. Na kumaway pa sa mga naka antabay na kapwa ko saleslady at mga salesman.
"Tama ka naman dyan Andrew.Magaganda at masisipag nga ang mga tauhan namin dito sa mall.And im sure my daughter will love those bags.
Mauna kana sa car dahil kakausapin ko lang ang manager sandali.
Aimee,follow me to the office.May mga ibibilin lang ako sayo._Madam CK.
Agad namang umalis ang mga bisita kaya saka lang kami lahat nakahinga mg maluwag,lalo na ako."Ang taray mo dun day ha!Ikaw pa talaga ang napiling mag assist dun kay Sir Andrew C.Ikaw na talaga!_Melissa,isa sa mga saleslady.
"Sympre naman noh.Maganda kasi tong friend ko kaya tawag pansin sa mga gwapong papa.Baka nga mas maganda pa sya dun sa magiging bride nya eh.hahahahah._Dess.Napailing na lang ako sa sinabi ni Dess.Alam ko namang pinapatawa nya lang ako para mawala yung nerbyos ko.
"Sigurado yun!Si Sally naman talaga ang pinaka magandang saleslady dito sa buong mall eh.Hindi na nakakapagtakang sya ang mapili na mag assist dun sa mestisong bangus na yun._Boyet.Salesman na matagal ng nagpaparamdam sa akin pero sinabihan kong friends lang kami.
"Huuuuuuu!Sipsip ka lang kay Sally kahit basted ka naman eh!hahahaha.
_Paul.Isa ding salesman na sa mga branded shoes na panglalaki naman nakapwesto."Kayo talaga,Magtrabaho na nga lang tayo.Baka bumalik pa si Madam CK at mapagalitan pa tayo eh._AKO.Saka naman kami nagkanya kanyang balik na sa mga pwesto namin.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomantizmComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...