Nadinig kong nag uusap ng mahina sina Tatay Caloy at si Sally sa kusina kagabi.Sa pagkaka intindi ko,Kailangan nila ng pera para sa tuition ni Sammy.After all,last sem na nya sa engineering kaya talagang kailangang makapag enroll sya.
"Sally,Sa palagay mo kaya magkano ko pwedeng maisanla itong kwintas ko?Para naman kasing hindi ko sya kailangan at saka sayang naman dahil hindi ko nagagamit._AKO.Ipinakita ko sa kanya yung kwintas ko.Dun nila binase yung pangalan ko na DG na sya naman talagang totoong nickname ko.
"Ano kaba,wala ka namang pag gagamitan ng pera mo.Itago mo lang yan dahil darating ang araw,yan ang magdadala sayo sa mga magulang at pamilya mo._Sally.Madalas kaming magkwentuhan bago matulog.Dun na kasi ako sa kwarto nya natutulog,sa baba nga lang tapos sya sa kama.
Binilhan kasi ako ni tatay Caloy ng foam nung isang araw.Hindi naman daw kasi magandang tignan na sa sala ako natutulog,kababae kong tao."Gusto mo na ba kong umalis dito sa inyo?Sabagay,magdadalawang linggo na din ako dito.Masyado ko na kayong napeperwisyo.Pero sana bago ako umalis,may maiiwan akong alala sa inyo.Kaya gusto ko sanang isanla itong kwintas ko para may maiambag naman ako mga mga kabutihan nyo sa akin._AKO.
"Ano kaba,hindi kita gustong umalis dito noh.Kaya lang sympre,kailangan mo pa ding umuwi sa inyo dahil tyak na nag aalala na sayo ang mga kapamilya mo.Tungkol naman sa sinasabi mong naitulong namin,hindi kami humihingi ng kapalit sa mga naitulong namin sayo,kaya hindi mo dapat pang alalahanin ang lahat._Sally.
"Pero ganun pa din yun,gusto ko lang din naman na kahit papano masuklian kayong lahat sa pagpapatira nyo sa akin.Hindi naman yun bayad kung sakali...Regalo ko para sa inyo ngayong nalalapit na ang pasko.
_AKO.Alam kong mahihirapan akong kumbinsihin sila para tanggapin ang tulong ko kung sakali pero sisikapin ko pa ding makatulong sa kanila."Haay naku,matulog na nga tayo.Ikaw talaga,nahahawa kana sa akin sa pagiging masenti kakabasa mo ng wattpad stories na pinababasa ko sayo.
Goodnite na at maaga pa ako bukas.Madaming tao palagi ngayon sa mall dahil magpapasko kaya need ko ng energy para bukas._Sally."Saang mall ka nga pala nagta trabaho?Kapag kasi sabado o linggo na wala ka,gusto ko sanang mag malling kasama si Sassy tapos susuduin ka na din namin para sabay sabay tayong uuwi._AKO.Actually,matagal ko ng binabalak yun gawin kaya lang nakakalimutan kong mag ask kung saan sya nagwowork.
"Ahhh,Oo nga pala hindi ko nasabi sayo kung saang mall ako nagta trabaho.Sa CK mall ako pumapasok.Sa loob ako ng department store,dun sa mga sapatos pambabae at saka bags.Malapit ako dun sa Gucci boutique.
_Sally.Para naman akong binuhusan ng yelo pagka dinig ko sa CK MALL.
Ang dami dami namang mall sa mundo,bakit dun pa sa Mall ni mommy."Ganun ba,Hindi ko pala alam pumunta dun.Baka maligaw ako kapag pinasyalan kita kaya siguro saka na lang._AKO.Hindi ako pwedeng magpakita duon.Siguradong malaking gulo kapag nalaman nilang nasa loob ako ng CK.
"Kasama mo naman si Sassy,alam na alam nya ang pagpunta duon.
Wag kang mag alala.Sa bonus ko,isasama kita dun para makabili ka naman ng bagong damit.Puro pinaglumaang damit ko nalang kasi yang mga sinusuot mo eh._Sally."Like i said many times,Komportable ako sa mga damit na pinahiram mo sa akin.Kaya hindi ko naman need ng bagong damit.At isa pa,sanay na din akong nakikita ng mga kapitbahay natin sa labas kaya di na ko naiilang.
_AKO.Mula kasi nung isinasama na ako ni Sally sa pamamalengke tuwing umaga,hindi na ako nahihiyang lumabas.Kaya lang,isa pa yun sa gusto kong maresolve sana.Yung araw araw nyang pamamalengke.Kung meron sana silang ref,kahit tuwing RD nya nalang sya mamamalengke para hindi sya napapagod."Okey,ikaw ang bahala.Matutulog na ako ha.Totoo na talaga toh,pikit na mga mata ko eh.Memetyt._Sally.Saka sya bumaling sa kabila at nagtakip na ng kumot nya.
Saka ko biglang naalala,sabi ko na nga ba at nagkita na kami before ni Sally.Sya yung saleslady na di sinasadyang natapunan ko ng softdrinks nuon sa fastfood kasama ko si Terry.Dun sa store ni TOP!Gooooshh!
Kaya naman pala hindi sya naniniwala sa akin na may amnesia ako,kasi nga nagkita na kami before. Pero im sure naman na hindi nya alam na anak ako ng may ari ng CK.Medyo pasado pa ding mahirap lang."Ate,isasagad nyo na po ba?Masyado po kasing mataas ang kilatis nito. aabot po sya ng hundred thousand kapag isinagad natin._Pawnshop owner.Maaga pa lang,nagpunta na ako kaagad sa sanglaan pagka alis nilang lahat sa bahay.Sa karaniwang pawnshop lang ako nagpunta,baka kasi pag sa mga sikat na pawnshop ako magpunta,madaling madi detect nila daddy.Kaibigan nya kasi ang mga may ari ng mga sikat na pawnshop at pera padala kaya baka ma trace nila tong necklace ko.
"Kahit mga kalati na lang muna miss,hindi ko na muna isasagad.Babalikan ko din naman sya later._AKO.Palinga linga ako sa kaliwa at kanan ko.Hindi dahil sa mga snatcher kundi baka may mga taong makakilala sa akin.
Matagal na din akong nawawala sa bahay,siguradong galit sa akin sila mom and dad.Pero mas ako ang dapat magalit sa kanila,Hindi ko akalain na mgagawa nila akong ipagkasundo sa lalaking hindi ko naman kilala at lalong hindi ko gusto.
Pero namimiss ko na din silang lahat.Namimiss ko yung pagsasama sama namin kapag linggo ng tanghali paminsan minsan.
May nakita akong payphone sa isang tindahan kaya lumapit ako."Hello Terry.Terry hello..._AKO.Mahina lang ang boses ko dahil baka may makadinig sa akin.
"Hello sino toh?Bakit ang hina ng boses mo?_Terry.Sa kabilang linya.
"Katarina,Ako toh..si Dane.Its GD!_Ako.Palinga linga ako habang nakikipag usap.
"Dane????Is that you,is that really you?What happened,bakit ngayon mo lang ako kinontak,are you okey?Nasaan ka?_Terry.
"Hindi ako pwedeng tumawag ng matagal,Pero wag kang mag alala dahil safe naman ang kalagayan ko.Basta kapag nag tanong sila mom and dad sabihin mo di pa tayo nagkausap ha._AKO.
"GD!Umuwi kana sa inyo...Mag usap kayo ng parents mo,Im sure naman pakikinggan ka nila._Terry.Nasa boses nha pa din ang pag aalala sa akin.
"Tatawagan ulit kita para magkita tayo next time.Pero sa ngayon,hindi na muna kita pwedeng sabihan kung nasaan ako.Mahirap na,kilala ko ang parents ko,lahat gagawin nila para mahanap ako._AKO.Then ibinaba ko na ang fone at nagmadali akong umuwi na sa bahay.
Sa ilang ilang araw kong pamamalagi dito sa bahay at sa matyagang pag tuturo sa akin ni Sally,nalaman ko na din kung papano mag saing.
Kaya naman,bago pa sila dumating galing sa trabaho at eskwela,nakapagsaing na ako.Gusto ko din kasing makatulong kay Sally kahit papano.Sya pa din kasi ang kumikilos sa bahay pagkatapos nya sa maghapong pagta trabaho.
Sa unti unting paglalapit naming dalawa ni Sally,nararamdaman kong nagugustuhan ko na sya.Ang hindi ko lang alam,kung pareho kami ng nararamdaman sa isa't isa.Pareho kaming babae,yet alam ko sa sarili kong sa kapwa ko babae din ako na aattract kahit nuon pa.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...