Madalas akong inspired gumising at pumasok ng maaga lalo na kapag araw ng byernes.Iyun kasi ang raw na pinupuntahan ako ni GD para maglakad lakad o kumain kami sa kung saan saan lang na malapit dito sa amin.Mas maaga kasi syang pina pauwi kapag ganung araw at wala syang pasok kinabukasan.Ang araw kasi ng linggo ay nakalaan naman para sa pamilya nya.
"Gusto mo bang manuod naman tayo ng sine para maiba?Yun nga lang 2hours ang maximum time na mako consume natin,baka masyado ka ng mapagod nyan?_GD.Nasa babaan kami ng jeep,dun nya kasi ako inaabangan.
"Okey lang naman,hindi naman ako masyadong pagod.Saka gusto ko din manuod talaga para bawas stress.Ang dami kasing paaway ngayon sa mall
_AKO.Sa totoo lang,mas gusto ko na matagal kami magkasama ni GD."Kaya pala nakakunot na naman yang nuo mo pagbaba mo pa lang.Hindi pa din ba tapos yung pakikialam nung bago nyong boss?hahaha._GD
Bahagya akong nangiti sa masarap na pagtawa nya."Sira,Hindi naman sya nakikialam.Madami lang pinapabago sa dating rules.Keri naman kasi hindi naman namin sya nakikita.Panay lang ang utos nya kapag meron syang gustong ipabago at ipagawa._AKO.
Pasalamat na nga lang ako at hindi pa kami ulit nagkikita,dahil malamang ako na naman ang pag initan at gawing example nun sa mga kapwa ko Saleslady."Hahahha.Ganun na din yun,Pakikialam pa din ang tawag.Let's go,mag taxi na lang tayo para mas mabilis tayo makarating sa mall.Sa susunod siguro magtitxt na lang ako sayo kung saan tayo magkikita para hindi sayang sa time._GD.So,may mga susunod pa nga kaming mga date? Hindi ito panaginip o ilusyon ko lang.
"Pwede naman.Mas madali pang makasakay mula sa CK MALL dahil madami ng jeep duon na naka abang.Pero sure kaba na ayos lang sa inyo na gabi kana na kakauwi kapag friday?_AKO. Magkatabi kami ngayon sa taxi at kaswal na nag uusap.
"Oo naman.Ikaw nga ang inaalala ko,maghapon kang nakatayo sa work tapos maglalakad lakad kapa after.Baka naman ugatin na yang mga binti mo.hehehhe._GD.Saka bigla syang tumingin sa binti ko.
"Hindi naman ugatin ang binti ko noh!Yabang mo,porke flawless ka.hahaha.Pero seriously,nakaka wala talaga ng pagod kapag paminsan minsan may time ka din para maglibang gaya nito.Buti na lang naisipan mong gawin natin ito kahit once a week lang._AKO.Gusto kong malaman nya na masayang masaya ako sa ganitong simple lang naming pag uusap.
"Yun naman kasi ang purpose ko talaga,para makapag relax ka at ako na din sympre.Nuon kasi na wala pa akong work,hindi kita malibre man lang kahit palamig sa kanto.Ngayon naman,kahit papano kaya ko ng ilibre ka ng softdrinks...Diba nag level up naman kahit papano?hahahah._GD.
"Naks naman!Sige na lang kahit malakas makataba ang softdrinks.
Saka infairness ha,Nung nagka trabaho ka nagkalaman ka ng kaunti.
Hindi kana kagaya dati na super thin._AKO.Malaki na din kasi ang pinagbago ni GD,hindi lang sa itsura kundi pati sa buhay."Hahahha.Kasi nga may pambili na ng pagkain.At saka yung mga ka work ko kasi masasarap sila kumain kaya pati ako napapagaya na.Buti na lang sanay ako sa gulay at isda,kaya hindi nakakahiya kahit makipagsabayan sa boodle fight._GD.Ilang minuto lang nakarating na kami sa Mall.Mas malapit itong SN MALL sa amin kaya dito na kami manunuood.
"Isuot mo na muna itong jacket na dala ko para hindi ka lamigin._GD.Saka nya isinuot sa akin yung jacket nya.
"Papano ka,di ikaw naman ang nilamig?Keri ko naman yung ginaw eh._AKO.Andito na kami sa loob ng sinehan.Actually,nag uumpisa na ang movie nung pumasok kami.
"Ayos lang din naman ako.Saka pwede naman akong yumakap sayo kung sakaling lamigin ako.hahahha._GD.Then sinubuan nya ako ng Popcorn.
"Hey,Ang lakas ng tawa mo.Nakakahiya sa mga tao.Quite lang tayo okey.
Behave ka lang._AKO.Saka naman sya biglang tumahimik.Maya maya pa ay bigla nyang inilapit sa akin yung labi nya at saka bumulong sa tenga ko.
"Sally,Nilalamig ako.Pwede bang payakap naman?_GD.Saka ako biglang kinabahan.Papano ko ididikit ang katawan ko sa kanya na wala akong mararamdamang kuryente?At isa pa,madidinig nya ang malakas na kabog ng heart ko kapag lumapit sya sa akin.
"Sabi na kasi sayo ikaw na ang magsuot nitong jacket mo eh.Kita mo na tuloy,nilalamig ka._Ako.Pero bigla syang dumikit sa akin at kinuha yung isang kamay ko saka nya niyakap bigla.
"Okey na ko,Hindi na ko nilalamig.Ang hot naman kasi ng katabi ko eh.
_GD.Saka nakangiti syang bumalik na yung mga mata sa screen.
Kahit madilim ,kita yung mapuputi nyang ngipin kapag ngumingiti sya.Ang totoo,hindi ko naman talaga naiintindihan yung palabas.Mas iniintindi ko yung masayang pakiramadam kapag katabi at kasama ko si GD gaya ngayon.Yung simple lang ang buhay,Walang problema at walang stress.Wala ding pakialam sa iniisip ng iba.
"Ang sad naman nung ending,namatay yung bidang lalaki._GD.Nasa labas na kami ng sinehan at pipila naman sa Happybee para kumain.
"Kahit naman namatay yung guy,binabantayan nya pa din si girl sa kabilang buhay.Ang romantic nga ng ending eh,ibig sabihin kapag na deads na din si girl,sila din kahit nasa heaven na sila._AKO.
Magkatabi kami sa pila at nag uusap pa din.Parang hindi naman kasi kami nauubusan ng topic pag magkasama."Dane,Is that you?Anong ginagawa mo dito sa SN?Sinong kasama mo?_ Babaeng koreana pero magaling magtagalog.Ngumiti sya sa akin na parang kilala nya ako.Friendly ang dating nya at mukhang masayahin.
"Ohh,Sab! Your here pala..btw,Im with my friend,Sally....Sally,This is SAB,my brothers girlfriend._GD.Nasa mukha ni GD ang pagkabigla pero pilit na pinagmumukhang normal lang ang lahat.
"Sally!...Well,Nice meeting you Sally.Infairness ha,maganda sya like us babygirl.
Btw,mauuna na nga pala ako.Kanina pa ako inaantay ni Symon for sure.
Bye Sally,Its nice to finally meet you._Sab.Na kumindat pa sa akin habang papalabas ng HAPPYBEE.Sosyal sya manamit at kumilos,mamahalin din ang bag nyang dala."Koreana pala ang hipag mo GD?...Ang ganda nya,para syang artista.
Bakit sya andito mag isa,Wala ba syang kasama?_AKO.Tamang tama namang nasa counter na kami kaya hindi agad nakapagsalita si GD.
Omorder lang kami ng burger at fries dahil gabi na din naman at kumain naman kami sa sinehan habang nanunuod kanina."Half korean,half pinay si Sabina.I really dont know why she's here.Baka may binili lang or may dinaanan.Anyways,bilisan na nating umuwi para hindi masyadong gabihin.Baka nag aalala na sila tatay Caloy sayo nyan.
Biglaan lang itong panunuod natin._GD.Ewan ko ba,mula ng makita sya ng hipag nya kanina,Parang biglang nag iba ang mood nya.Inihatid nya pa ako hanggang sa labasan at saka sya nagmamadaling sumakay ng taxi after.Hindi na kami nakapag usap pa kahit nung nasa jeep kami pauwi.Saka ko naalala,suot suot ko pa pala itong jacket nya.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
Roman d'amourComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...