VILLAREAL AIRLINES MAIN OFFICE
Alam kong kakaunti pa lang aking nalalaman kumpara sa mga taong ilang taon na ang inilagi sa pagpapalago nitong kumpanya.Gaya nga ng sabi ni Ninong Manuel,Para lang akong isang bubwit na dagang nagpipilit makapasok sa lungga kahit na alam kong madaming pusang naka abang sa akin.
"Hanggang ngayon pa ba,Hindi pa din tumitigil ang mga patay gutom na yan sa kaka banta ng pagwewelga?Aba naman balae,Kung kelan na aprubahan na tayo ng China saka ka naman nababahag ang buntot sa kanila?Patalsikin mo na sila lahat at maghire na tayo ng mga bago._Mr.Mondragon.(Daddy ni Sabina,Mommy nya ang koreana)
Dinig ko ang pag uusap nila sa labas pa lang ng pinto ng opisina ng daddy."Balae,Alam mong hindi ganun kadali ang magpalayas ng mga tao dahil lang sa pagbuo ng unyon.At isa pa,ikinu konsidera ko din ang hinaing ng mga mang gagawa kahit na alam kong hindi yun ang gusto ng mga nakararami sa board._Daddy.Eksaktong nasa meeting sila ng utusan ako ni ninong Manuel na dalhin daw sa opisina ni dad ang mga documents na hawak ko.Saka ko lang narealize kung bkit ako ang sadya nyang pinagdala nito...Para madinig ko ang usapan nila.
"What do you mean na ikinu consider mong pagtuunan ng panahon yang mga taong yan?Pag aaksya lang ng panahon yan kumpadre.Madami pang dapat na pagtuunan ng pansin ngayon.Yung mga foreign investors na gustong makipag ugnayan sa atin,dun tayo mag focus._Mr.Vinzon.Inangat ko ng bahagya ang pinto para masilip ko kung sino sino ang kausap ni dad.
(One of the shareholder si Mr.Vinzon pero hindi kalakihan)"That's right! I suggest na dapat turuan ng leksyon ang mga taong yan para magtanda.Unahin na nating patalsikin si Manuel ng sa ganun mawala na ang tinik sa kumpanya._Tito Ronnie.Mainit ang dugo nya kay Ninong kahit na apat silang magkaka sosyo nuon at magkakaibigan.
"Kapag nawala na ang ugat,manghihina na ang mga yan at hindi na makakapag aklas.Bakit hindi si Symon ang hayaan nating gumawa nun para masubukan natin ang ability nya sa pamumuno?_Tito Joeven.
Isa pa din syang mainit ang dugo kay Ninong.Pero kapag kaharap naman si Ninong sa debate,Hindi sya makaporma."Dad,Kung yun ang gusto ng mga nakararami...I'll do my best para hindi ako mapahiya sa lahat.What do you think daddy?_Symon.
Saka ako kumatok sa pinto para iabot ang papers na kailangang pirmahan.
Nagulat man pero agad ding kumalma si Symon pagka kita sa akin.
Tinignan ko sya bago ako tumingin din sa mga taong nakapalibot sa akin."Dane,Bakit ikaw pa ang nagdala nyan.Pwede mo namang iutos yan sa iba.
Bakit ba naman kasi ayaw mong lumipat ng ibang department para hindi ka nauutusan._Symon."Okey lang naman yun Symon...I mean Sir pala.
Gusto ko din makita si Dad eh,Alam mo na...Gusto kong nakikita siyang nakaupo sa silya nya as CEO.Lakas maka pogi kapag pala dyan naka upo eh,diba Dad?_AKO.Sabay kindat kay Dad na natawa sa akin."Ahahhaha.Malakas ba makapogi iha?Well,totoo naman yan.Kaya nga madaming nangangarap umupo sa silya ng Daddy mo eh._Tito Ronnie.Lahat sila nagtawanan maliban kay Symon na alam na alam kung ano ang gusto kong ipahiwatig.
"Yes Tito madami nga.At kung hindi ako nagkakamali,Isa ka sa mga nangangarap ding makaupo dyan,tama ba ko?_AKO.
Saka sila lahat napahinto sa pagtawa at nagsipag yukuan.
Saka lang nila na gets ang gusto kong tumbukin."Here's the paper Miss Dane.Paki balik na kay Mr.Manuel yan at sabihin mo mag uusap kami mamaya bago sya umuwi.
Wag mo ding kalimutang bisitahin mamaya ang mommy mo pag umuwi ka okey?_Daddy.Saka ngumiti sa akin.Gumanti naman ako ng ngiti sa kanya at saka ako lumabas na ang office nya."Dane iha,Mabuti pa siguro umalis ka na dito sa kumpanya.Baka madamay ka lang sa gulo kapag nagsimula na kaming kumilos.Nararamdaman ko na gumagawa na sila ng paraan para unahin akong mapatalsik ng sa ganun mas malaya na sila sa pagpapatupad ng mga batas na gusto nilang mangyari._Ninong.
"Hindi Ninong,Sasamahan ko kayo kahit hanggang saan tayo makarating.
Alam ko naman kung anu ang pinaglalaban nyo eh.At gusto ko din maputol na ang kasakiman ng mga nasa posisyon._AKO."Naiintindihan kita iha,Pero hindi basta basta ang kalaban.Sila yung mga malalaki ang puhunan at handang gawin lahat wag lang mabawasan ang kayaman.Wag kang mag alala,Kahit naman anung mangyari patuloy pa din ako sa pagsuporta sa mga kasapi ng unyon._Ninong.
Matapos ang maghapong trabaho.Naghahanda naman ako para pumasok sa University.Hindi naman sya masyadong malayo sa opisina kaya sa van na ako nagpapahinga ng kaunti at nagpapalit ng damit.
"Wag na wag kayong magpapahuli,tandaan nyo yan.Ako mismo ang magpapakulong sa inyo kapag pumalpak kayo sa plano._Malaking boses ng lalaki.Halos nasa tabi lang kasi sya ng Van ko kaya dinig ko ang boses nya.
"Yes boss,Tatakutin lang namin at hindi papatayin.Pero papano kapag pumalag?_Isa pang lalaki.
"Turuan nyo ng leksyon.Gulpihin nyo.Tapos dalhin nyo sa lugar na walang makakakita sa inyo.Pagkatapos,umalis na kayo dito sa Maynila.
Kapag pumalpak kayo sa plano,wag nyo ng asahan na babayaran ko pa kayo,Nagkakaintindihan ba tayo?_Lalaking malaki ang boses.
Pilit kong sinisilip kung sino yung nagsasalita pero wala akong maaninag sa loob dahil madilim na dito sa parking lot.
Dito pa naman ako pumwesto sa malayo sa CCTV para hindi ako makilala nila dad at Symon kung sakaling may mag check.Umalis na yung sasakyan at yung mga kausap pero hindi pa din ako makalabas ng sasakyan.Malaking pala isipan sa akin kung sino yung taong gusto nilang turuan ng leksyon,at kung sino ang taong nag uutos nun?
Hindi kaya may kinalaman yun kay Ninong?O di kaya naman isa sa pamilya ko ang gusto nilang gawan ng masama?Kaya ba ganun na lang ang pakiusap ni ninong na umalis na ako sa kumpanya para hindi mapahamak?
"Sir,magandang gabi po.May gusto lang sana akong ipakiusap.
Sino ba ang pwede kong makausap tungkol sa pagrerewind ng CCTV sa Parking lot?_AKO.Kausap ko yung head ng security sa opisina.Hindi ako pumasok ngayon.Gusto kong makilala kung sino ang taong yun at kung sino ang balak nyang saktan."Naku Miss,Hindi basta basta yun pwedeng tignan unless meron kang permission mula sa taas.Isa pa,kapag wala namang nangyaring masama o aksidente dun sa parking lot,hindi yun iniri review kaagad._Manong guard.
"Ganun po ba,Sino po bang nasa itaas ang pwede kong hingan ng permiso?
Importante lang po kasi dahil may nawala akong hikaw dun sa parking lot na galing pa sa mommy ko.Gusto ko lang makita kung saan ko nahulog._Ako.Ang babaw ng rason ko pero hindi talaga kasi ako magaling magsinungaling at gumawa ng kwento."Hikaw sa parking lot?Aba iha,mahirap ng makuha yun.Bukas mo na lang tignan baka sakaling andun pa yun.Isa pa,si Boss Symon lang ang may access para sa cctv.Mahihirapan kang mahagilap yun dahil palaging busy.
_Head SG.Agad akong nagpaalam sa kanya at umakyat sa opisina ni Symon.
Walang tao sa loob ng pumasok ako kaya dumiretso na ako sa room nya.
Para ding mini condo ang opisina ni Symon,May sariling kwarto at banyo na pwedeng tulugan.Dahan dahan kong pinihit ang pinto ng kwarto nya at saka ako biglang na shock sa nakita ko...
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...