Agad kong sinalo sa may bandang ulo si Sally nung matumba sya sa tabi ko.Hindi ko din naman kasi akalain na ganun sya kadaling mahila at saka sya napahiga sa tabi ko.Gaya ng madalas kong nararamdaman pag nasa tabi ko sya,Bahagya akong namula ng maramdaman ko ang palad nyang dumait sa braso ko.
"GD talaga!Puro ka talaga kaloko..._Sally.Hindi nya na natapos ang sasabihin nya dahil nakita nyang nakatitig lang ako sa mukha nya.
Magkadikit na halos ang mga mukha namin habang nakaunan sya sa braso ko kaya amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga."Sorry...Hindi ko naman alam na ganun ka pala ka weak.Kaunting hila lang pala sayo,bibigay kana.Payat mo kasi eh._AKO.Dinaan ko na lang sa biro para hindi nya mahalata yung lakas ng kaba sa dibdib ko.
"Akala mo naman katabaan sya kung makapanghusga.Mas payat kapa nga sa akin eh!At saka isa pa,malay ko bang hihilahin moko eh akala ko tulog kana._Sally.Actually,mahina lang ang mga boses namin dahil madidinig kami ni tatay Caloy at Sassy sa magkabilang kwarto.Nasa pagitan kasi nila ang kwarto ni Sally.
"Uhmmm,Parang mas okey pala tong ganitong pwesto natin eh.Mas malapit kapag nag uusap tayo.Dito ka na lang kaya sa tabi ko palagi matulog?_AKO.Nasa pang single na kama kasi sya.Kahoy na kama ang hinihigaan nya na nilagyan ng kutson kaya nasa itaas sya at dito ako sa sahig nakahiga.
"Ayoko ngang katabi ka.Lakas mo kaya humilik,kababae mong tao! Dyan ka na nga,dun na ko sa kama ko._Sally.Saka sya tumayo at lumipat na nga sa kama nya.Mabuti na din na lumipat na sya,baka kasi hindi ko mapigilan ang damdamin ko at mahalikan ko pa sya.
"Ako pa daw ang malakas humilik.Hahahaha.Ikaw kaya dyan.Lalo na kapag halatang pagod ka sa work,para akong nasa kweba na may halimaw na sumisigaw._AKO.Biro ko lang yun,hindi naman sya malakas humilik,mahina lang lalo kapag pagod sya sa trabaho.
"Hahahha.Sira!Puro ka talaga kalokohan.Matulog na nga tayo.Memetyt
_Sally.Saka kami magkasabay ng natulog.I decided na makipagkita kay Terry,ilang araw matapos ko syang tawagn nuon.Gusto kong makibalita tungkol kila mom and dad.Sa HOLLY cafe kami nagpasyang magkita.
"Ohhh my goooshhhh,GD is that you?_Terry.Sa reaksyon nya,para syang nakakita ng multo ng dumating sya meeting place namin.Saka ko sya biglang namiss at agad ko syang niyakap bago maupo.
"Yes,Its me.The Goddess of beauty,GLAIZA DANE._AKO.Alam kong maninibago sya sa transformation ko.Hindi na kasi ako masyadong maputla gaya dati dahil naaarawan na ko.Ikaw ba naman ang mamalengke araw araw kundi ka maarawan.
"Anong nangyari sayo,bakit mukha ka ng jologs?Look at that clothes,pinaglumaan pa yata yan ng mga lolo at lola ko ah!Saka bakit hindi kana yata masyadong maputi ngayon.Tapos,yang hair mo hindi na soft and shinny.What happened to you?_Terry.Masusi nya akong sinuri mula ulo hanggang paa.
"Sabi ko na nga ba at lahat mapapansin mo eh!Mamaya na tayo mag usap,
Iorder mo na muna ako ng frapp at saka blueberry cheesecake.Saka pa take out na din mamaya ah_AKO.Ngayon na lang kasi ako ulit nakapag kape ng hindi 3 in 1."Sandali lang oorder muna ako.Dyan ka lang sandali lang ako.Baka mawala ka na naman bigla._Terry.Napangiti naman ako sa sinabi nya.
Terry is my bestfriend,pero kahit sobrang close kami,may mga bagay pa din akong hindi nai oopen up sa kanya.Gaya na lang ng pagtatago ko ngayon.Alam ko na nag aalala din sya sa akin,pero minabuti ko na lang na di sabihin sa kanya kung nasaan ako para hindi sya madamay pa."Namiss ko talaga tong Caramel Machiatto.Mga three weeks din akong nawala sa sirkulasyon,Anong balita.Si TOP kamusta?_AKO.Nakatingin lang sya sa akin habang sumisipsip ako sa frapp ko.
"I really miss you GD.Nung nawala ka,saka ko lang narealize kung gano tayo ka close sa isat isa.To the point na halos magkapareho tayo ng iniisip at ugali kaya tayo swak sa isat isa kapag magkasama._Terry.Napansin kong teary eyed sya habang nagsasalita.Kahit ako naman bigla ding naging emosyonal sa sinabi nyang yun.
"Hey!Bakit ba napaka senti mo naman masyado.Your ruining your make up.Ang ganda mo pa naman today.hahahha._AKO.Dinaan ko na lang sa biro para hindi maging masyadong malungkot ang usapan namin.
"Tita CK and Tito Mandy are still searching for you.Sobrang galit na galit si Tito the last time na umalis ka.Halos magiba ang buong venue nung malaman nyang bigla ka nalang naglahong parang bula.Napahiya daw sya sa mga tao lalo na kay Andy Chavez._Terry.Nakikinig lang ako at hindi nagsasalita.Expected ko na na ganun ang magiging reaksyon ni dad.
Higit na mas mahalaga sa kanya ang palabra de honor kaysa sa mararamdaman ko.Ganun kahalaga sa kanya ang pangako."How about mom,Kamusta naman sya.Hindi naman ba sya nagkasakit or sobra ba syang nalulungkot until now?_AKO.Wala akong idea sa damdamin ni mommy.Alam kong batas ang mga desisyon ni daddy sa bahay,pero hindi din naman nagpapatalo si mom kapag mga anak na ang pinag uusapan.
"Your mom is okey.Pero ang balita ko,naging mainitin daw ang ulo nung nawala ka.So far,hindi pa din nila mailabas ang identity mo sa social media and sa news,dahil alam naman nating pareho na we need to be privately secured and protected for the sake of our family business._Terry.
"That's why hindi ko pa kayang bumalik sa bahay.Nakaka praning sila mom and dad.Hindi ko akalain na gagawin nila akong ipakasal sa taong hindi ko naman gusto at kilala._AKO.Paubos na ang frapp ko kaya inaya ko naman si Terry na lumipat kami sa Happybee.Gusto ko kasing pasalubungan sila Sassy at Sally ng chickenjoy,fries at burger.Kapag kasi RD ni Sally kinabukasan,pwede syang magpuyat ng kaunti at saka kami sabay kumakain sa gabi habang nanunuod ng tv.
"Wow ha,Kelan kapa natutong maging concern sa iba?May pasalubong pa...hahaha.Mukhang nag eenjoy ka dyan sa nilipatan mo ha?San ba yan ng makatambay nga din paminsan minsan._Terry.Saka nya ako kinalabit ng may magandang babaeng pumasok sa loob ng fastfood.Nakaupo kasi kami sa pinaka dulo pero tanaw namin ang mga pumapasok at lumalabas sa store.
"Ooohhh myyy!Ang sexy nya dude...loook!_Terry.Saka ako napailing at natawa na lang.Kitam,lalaki daw ang bet pero kapag nakakita ng maganda,Halos lumuwa ang mata.
"Pass na ko sa ganyan dude...Nagbagong buhay na ko.Ikaw,bet mo ba?Gusto mo,lapitan mo.Tutal,sa itsura mo namang yan,mas babae kapa umasta kesa sa kanya.hahahha._Naka short kasi syang maiksi at saka pink na polo.Tapos medyo makapal din ang make up nya.While yung girl na type nya,naka skinny jeans at maluwang na shirt at naka cap.
"Hahahaha.Ewan ko ba dude.Hindi ko din kasi maintindihan tong pagkatao ko eh.Kapag may maganda at sexy sa harapan ko,Natotomboy talaga ko eh.Pero gusto ko namang mag kaanak sa guy.Ang gulo ko lang diba?_Terry.Saka ko sya palihim na pinagmasdan.Walang duda,pusong lalaki din si Terry talaga.Hindi nga lang nya yun tanggap sa sarili nya sa ngayon.Pero kapag nameet nya na yung meant to be nya,hindi na ko magtataka at magugulat sa transformation nya later.
Watch out for KATARINA'S ROMANCE LOVE STORY
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...