SYMON? What the hell are you doing?..._AKO.Saka lang sya parang natauhan at biglang napatayo sa kama nya.
"DANE! Anong ginagawa mo dito sa opisina ko?_Symon.
Saka nya ako hinatak papalabas ng room nya at iniupo sa sofa."Symon...Anong ibig sabihin ng mga nakita ko?Kelan mo pa ginagawa yun ha?_AKO.Hindi sya makatingin sa akin ng diretso.
"Look here Dane,Nakikiusap ako sayo.Please,kung ano man ang nakita mo wag mong sabihin kina Mom and Dad._Symon.
Saka ko sya pinagmasdan maige.Kaya naman pala halos hindi na sya umuuwi ng bahay.Kaya naman pala ang payat payat nya na hindi dahil sa problema sa trabaho kundi sa pagbibisyo."Bakit kailangan mong gawin yun Symon?Bakit kailangan mong sirain ang sarili mo pati yang pag iisip mo?Anong problema?_AKO.
Nasa kanya na ang lahat.Pera,posisyon,girlfriend,pamilya at yaman."Please Dane,don't tell anyone.Titigil na ko sa pagdo droga pero wag mong sasabihin kahit kanino pakiusap.Ang totoo nyan,ayoko naman talaga gumamit nun,pero may nakapagsabi sa akin na kapag gumamit ako nun mas magiging matapang ako at malakas._Symon.
Saka sya biglang umiyak sa harapan ko.Sa kauna unahang pagkakataon..
Ngayon ko lang syang nakita na nagkakaganun."Symon...Tell me.Anong problema?Bakit ka nagkakaganyan?
Hindi mo kailangan ng drugs para lang masabi na malakas ka at matapang.Kung ano man yang problema mo,andito ako para makinig at tulungan ka._AKO.Saka ko sya niyakap habang umiiyak sya."Dane...Alam mo naman na hindi kami mga tunay na anak ng mom and dad hindi ba?After kong malaman yun,Nagsimula na akong matakot.
Pakiramdam ko,anytime pwedeng mawala ang lahat ng meron ako.
Tapos masyado pa akong na pressure sa father in law ko.Ang sabi nya,
Kapag pinagsama daw naming dalawa ang shares namin sa kumpanya,
Mas malakas pa kami sayo._Symon."Nakipag sabwatan ka sa father inlaw mo para kalabanin ang sarili nating kumpanya?Kaya ba gusto nyang mawala na ng tuluyan sa kumpanya si ninong para kayo kayo na lang ang magpatakbo nito?_AKO
"Don't worry Dane,Hindi naman ako pumayag sa gusto nila eh.
Kahit pinagbantaan ako ng byenan ko na ipahihiwalay nya sa akin si Sab kapag hindi ako nakipag sabwatan sa kanila._Symon."Kaya ka nag drugs dahil hindi mo kayang harapin ang pressure?
Kaya sa droga ka tumatakbo kapag nahihirapan kana sa pinagagawa nila sayo,ganun ba?_AKO."Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko Dane.Mahal ko kayo ng Daddy at Mommy.Ayokong lokohin kayo at saktan.Pero natatakot din akong mawala sa akin si Sab.Pati si Sab,gusto din nya na makuha ko ang pagmamay ari ng VAL.Kapag daw nasa akin na ang kumpanya,saka kami magpapakasal at magkaka baby._Symon.
"Sa palagay mo ba,kung sakaling mapasayo ang kumpanya hindi yun pag iinteresan ng pamilya Mondragon?Hindi mo ba nakikita,Hindi ikaw ang gusto ni Sab na mapasa kanya kundi ang kumpanya lang Symon.
Kapag nakuha na nilang mag ama ang VAL,iiwanan ka din ni Sabina.
_AKO.Kaya naman pala gusto nila akong ipadukot nuon pa.Dahil gusto nilang makuha ang kumpanya."Im sorry Dane.SORRY,kung naduwag akong ipagtanggol kayo na pamilya ko.Im sorry kung dahil sa pagmamahal ko kay Sab,hindi ko nakikita ang tama at mali.Hindi ko na inisip ang lahat ng magagandang bagay na ibinigay sa akin ng nanay at tatay natin.Na kahit hindi nilaa kami tunay na anak ni Sydney,hindi nila ipinagdamot sa amin ang lahat ng meron sila.
_Symon.Saka sya muling umiyak na yumakap sa akin.Umuwi ako sa bahay na dala dala ang mga problemang kinakaharap ni Symon.Papano sya muling magsisimula kung nasa paligid lang ang mga anay na gustong sumira sa aming pamilya?
At ako,Ano nga ba ang unang hakbang na pwede kong gawin para makatulong?
Kung nuon,simple lang ang mga bagay bagay.Ikakain at itutulog ko lang ang isang araw ko at masaya na ako kinabukasan.
Pero ibang iba na ngayon.Parang lalong dumadami ang nalalaman ko sa kumpanya,mas lalong dumadami din ang problema."Anak,Kamusta naman sa opisina nyo?Mukhang pagod na pagod ka ah.
Ilang araw ko ng napapansin yang mga mata mo na malungkot at pagod. Bka naman sobra ka ng nahihirapan sa trabaho mo?_Mommy.
Nakahiga na sya sa kama kaya tumabi ako sa kanya."Ayos lang naman sa trabaho mommy,di naman masyadong mahirap.
Bukas nga,mag uusap usap na ang mga taga unyon at ang board eh.
Sa palagay ko,mananalo kami Mommy.Si Daddy pa din naman kasi ang magde desisyon sa huli eh.Im sure na sa akin yun kakampi sympre._AKO."Naku wag kang paka kampante anak.Yang tatay mo,paiba iba din yan ng desisyon.Lalo na kapag yung mga kumpadre nya na ang nagsalita,madali syang maniwala.hahahha._Mommy.
"Bakit ikaw mom,kapag mga kasosyo mo sa CKG ang nagsalita...Hindi ka din ba makaka hindi?_AKO.
"Iba ang CKG sa VAL anak.Ako ang founder at nag iisang may ari ng shopping mall at eventually sayo din mapupunta balang araw.Pero sympre may parte pa din ang dalawang kapatid mo ha.
Kung meron mang mga shareholder na makikialam,hanggang dun lang sila sa baba.Ako pa din ang may karapatan sa lahat._Mommy."Sa pagkaka alam ko,Sa VAL din naman ganun din ang hatian diba mom?
Halos 1% lang naman ang ambag ng mga shareholder duon dahil sa atin pa din ang malaking share._AKO."Well depende yun anak.Kasi kahit malaki ang share natin,kapag ibinenta halimbawa ni Symon at Sydney yung share nila tapos ako at ang dad mo na lang ang magka share,mahahati yung percent ng share at pwedeng mas lumaki pa yung sa bumili ng mga share nung iba._Mommy.
"Anong pwedeng gawin para hindi mabawasan ang share natin sa kumpanya mommy?What if mangyari nga na may isang tao na interesado sa VAL at bilhin ang share ng iba pang mga nasa board at pumantay sa shares ni daddy,ibig sabihin mas may karapatan na sya sa kumapanya kaysa sa atin?_AKO.Kaya pala ganun na lang ang paghahangad ni Mondragon na pati share ni Symon makuha nya.
"Siguro naman hindi aabot sa ganun anak.Kasi Lima tayong may pinaka malalaking share sa VAL.Wala naman sigurong magbebenta sa atin ng shares natin sa ibang tao.Kung magkaganun man,Dapat mapalitan mo kaagad ang Daddy mo sa posisyon nya,Mas malaki ang share,mas mahirap ng mapabagsak at mapa alis sa pwesto._Mommy.
"Ibig sabihin,Ako ang may pinaka malaking share sa kumpanya?
Kaya kapag ako na ang namahala sa VAL,Wala ni isa sa kanila na pwedeng makialam at mag utos sa akin sa gusto kong mangyari at gawin para sa ikabubuti ng lahat?_AKO."Yes anak.Tama ka!Sayo nakasalalay ang paglubog at pag unlad pa lalo ng VAL.Kaya nasa mga kamay mo kung papano mo sya pagyayamanin pa.
Hindi ka namin pini pressure ng daddy mo agad agad kasi alam naming nagsisimula ka pa lang...Pero naniniwala kami na kaya mong higitan pa ang mga nagawa ng kapatid mo at ng Daddy mo sa kumpanya balang araw._Mommy.Alam kong hindi na magtatagal at darating ako sa puntong kailan kong isalba ang kumpanya laban sa mga gustong agawin ito sa aming pamilya.
Kapag dumating na ang mga araw na yun,mas lalo na akong mawawalan ng time para kay SALLY.Ngayon pa nga lang,para na akong maloloka na hindi ko sya nakikita.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomansaComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...