76.GD POV'S

1.6K 57 1
                                    

                                          Habang papalapit na ako sa finals,Saka ako nagsisimula na din sa pag aaral sa pasikot sikot sa kumpanya.Nag hired din si Dad ng mga specialist para mag train sa akin sa mga dapat gawin sa kumpanya.Kahit si Symon ay matyaga din akong tinuturuan sa ilang mga mahahalagang bagay na may kinalaman sa negosyo.

"Dane,Salamat nga pala sa pag back up mo sa akin para malipat sa security department.Asahan mong gagawin ko ang lahat para hindi ka mapahiya sa pagtulong mo sa akin at sa pamilya ko._Kuya Jun.Hindi na sya ngayon sa maintenance and cleaning department.

"Aba'y lalo naman ako.Kung dati rati,mop at walis lang ang hawak ko...Ngayon ay computer na ang laging kaharap ko.Salamat Dane ha._Kuya Rene.Sya naman yung ipinalit ko sa dating pwesto ko pero mas mataas nga lang kaysa sa pagiging errand girl ko before.

"Hahahaha.Iba din talaga ang nagagawa ng may kaibigan kang anak ng CEO anoh?Pero ang maganda nyan,wala naman akong nadidinig na against sila sa mga posisyon natin ngayon.Kaya iba din talaga itong si Dane makisama sa lahat.Maganda na,mabait pa sa kapwa._Ate Flora.
Hindi sya umalis sa pagiging taga linis pero sya naman ang naging headmanager at taga supervise na lang sa mga kasama nya.

"Maiba nga pala ako Dane,Kamusta na nga pala yung pagmamanman na ginagawa mo kay Mondragon,may balita ka na ba?_Kuya Rene.Naikwento ko din kasi sa kanila yung mga nadinig ko nuon pati na din yung tungkol kay Sabina.

"Wag kang mag alala Dane,Hindi din kami natutulog lang basta sa pansitan.Lalo pa ngayon at may access na ako sa lahat ng transaction na may kinalaman sa Mondragon group.Mas madali kong mapag aaralan kung anong kaugnayan ng Company nya sa VAL._kuya Rene.Dati syang computer analyst sa company na pinagtrabahuan nya kaya magaling sya pagdating  sa computer.

"Tama yun Dane,Kahit ako din na palaging naka bantay sa CCTV footage...Hindi ko pinalalampas ang bawat anggulo nyang si Mondragon.
Mahirap na baka may gawing hindi maganda yan sayo,dapat alerto._Kuya Jun.

"At ako naman ang bahala sa mga nadidinig kong mga pag uusap nila.
Alam mo bang hindi lang ako kay Mondragon naka focus?Pati dun sa dalawang kumpare ng daddy mo.Wala din ako minsang tiwala sa mga kinikilos nung dalawang yun eh._Ate Flora.Saka ako biglang napalingon sa kanya.Sila Tito Ronnie at Tito Joeven ba ang tinutukoy niya?

"Sila Sir Borja at Sir Medel ba ang tinutukoy mo ha Flora?Teka siguraduhin mo yang sinasabi mo baka nagkakamali ka lang ng pinaghihinalaan?_Kuya Jun.Saka luminga sa bandang pintuan.
Andito kasi kami ngayon sa sarili kong opisina.Maliit lang sya at di kagaya ng kila Dad at Symon pero komportable ako gumalaw.

"Papano kasi,Aksidente ko silang nakaringgan na nag uusap ng mahina dun sa may lobby ng mga opisina nila.Para silang may pinagtatalunan.Nung papalapit na sana ako para mas madinig ko sila,saka naman sila magkahiwalay ng umalis._Ate Flora.

"Parang hindi naman magagawang mangloko nung dalawang yun sa matalik nilang kaibigan.Kahit nga si Pres.Manuel na kaibigan nila,never na inilaglag si Boss Mandy eh._Kuya Rene.

"Yun naman ay obserbasyon ko lang,Bakit mo naman ikukumpara si Pres dun sa dalawang yun.Kung sa loyalty at loyalty lang din,ibang iba kung irespeto ni Pres ang CEO kahit na magkaiba sila ng mga ipinaglalaban.
Nakikita ko yun sa mga mata nilang dalawa.Kahit pa magkasalungat sila ng pinaglalaban,sa huli...Sila pa din ang totoong MAGKAIBIGAN._ate Flora.

"Sabagay napansin ko din yan nuon pa.Kung tutuusin nga,hindi na dapat nakikipag usap pa si Pres kay CEO at itinuloy na natin kaagad ang rally nuon diba,Pero hindi nya pa din binalewala ang CEO at muli nya pa ding kinausap para sa maayos na sistema ng pamamahala.Yung dalawang sila Borja at Medel lang ang galit na galit kay Pres Manuel nuon pa man eh._Kuya Jun.

"Pasalamat na lang tayo at may dumating na anghel sa katauhan ni Dane kaya lahat tayo ngayon ay maalwan ang trabaho.At wala nang deskriminasyon sa mga nasa itaas at nasa ibaba.Lahat tayo pantay pantay na tauhan ng kumpanya._Ate Flora.Napangiti naman  ako sinabi ni ate Flora.Masarap sa pakiramdam na kahit papano,may nagawa ako sa kapwa ko at the same time sa kumpanya na walang nasaktan o naagrabyadong tao.

"Kaya ikaw Dane,Mag iingat ka palagi.Lalo na kapag ikaw na ang inilagay ng daddy mo sa posisyon,mas madami pa ang lihim na maiinggit sayo kahit wala ka namang ginagawa sa kanila.Wag kang mag alala,Palagi kaming naka antabay lang sayo.Tutulong kami sa abot ng aming makakaya._Kuya Rene.

"Salamat po sa inyo.Salamat sa pagtitiwala.Salamat din sa pakikipagkaibigan.Kahit nuon pa man na hindi nyo pa ako lubos na kakilala,hindi kayo nagdamot ng tulong at kabutihan sa akin._AKO.
After nilang magpa alam na babalik na sa kani kanilang mga trabaho,Saka naman ako naiwang mag isa dito sa loob ng opisina ko.

Ang assistant at personal secretary ko ay parehong nagmula sa magandang eskwelahan kaya naman kampante ako.
Si Ervin na isang Law student sa kilalang unibersidad ang personal secretary ko,habang si Daniella naman ay isang Economics graduate sa America at sya namang assistant ko.Silang dalawa lang ang tanging may access na maglabas pasok dito sa loob ng opisina ko.

"Boss Dane,Ireremind ko lang po na mamayang 4pm may meeting kayo with the CEO and COO.Then after that,may Dinner kayo ng foreign client nyo kasama ang family nyo ng 7pm._Daniella.At dahil assistant ko sya,Sya na din ang bahalang magpa prepare ng isusuot ko pati na ang pagpapabook sa venue ng magaganap na meeting.

"Okey,Salamat Daniella.Dont worry,Pagsasabayin ko kayo minsan ng RD ni Ervin para naman mas mahaba ang time nyong makapag bonding._AKO.Nagblush naman bigla si Daniella.Akala nya siguro hindi ako aware na may something sa kanila ni Ervin.
Dahil din siguro kami kami ang laging magkakausap at magkakasama,Na develop na silang dalawa sa isat isa.Masaya ako para sa kanila.

"Naku Boss,Ayos lang naman po na di kami magsabay.Mas mahirap po para sa inyo na wala ang isa sa amin.Wala po kayong makakasama dito sa opisina._Daniella.Fresh graduate lang sila pareho kaya mas bata sila sa akin

"Anong ginagawa nila Ate Flora at nila Kuya Jun at Kuya Rene?Sila ang mag aassist sa akin kung sakaling magsabay ang RD nyo.Wag nyo kong alalahanin,Hindi naman ako masyadong busy sa trabaho eh.Marunong naman akong mag chill kaya dapat kayo din._AKO.Masayang lumabas naman ng room ko si Daniella.Nasa labas ng room kasi ang mesa nilang dalawa,then sa pinaka pasilyo ng floor nitong building,meron namang receptionist na nakabantay at sasalubong sayo.

"Ervin,Pakisabi naman kay Mrs.Rosales na paalis na ko._AKO.Sa intercom ko lang sya sinabihan.Saka ako naghanda na para bumaba.May pasok ako ngayon sa masteral at hindi ako pwedeng makita nila daddy at Symon kapag umaalis.

"Ingat po Boss.Seeyou tomorrow._Sabay na sabj nila Daniella at Ervin.
Sila na lang kasi ang maiiwan dito sa loob dahil kapag may pasok ako,nauuna na akong lumabas mag isa.Dire diretso ako sa mini coaster ko para duon na magbihis.Madalas na white shirt at skinny na black lang ang suot ko.Saka ko lalagyan ng blaser para magmukhang formal naman.

"THE LAZY BILLIONAIRE"   [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon