Hindi ko alam ang mararamdaman habang magkahawak ang kamay namin ni GD na naglalakad pauwi ng bahay.Ngayong gabi kasi namin planong sabihin kay tatay na kami na nga ni GD.Kahit naman sya ay ramdam ko din ang kaba pero kailangan na naming ipaalam sa pamilya ko bago kami humarap din sa pamilya ni GD.
"Mano po Tay,Ka...kasama ko po pala si GD,may kinuha lang po sa labas.
_AKO.Bumalik si GD sa kotse nya para kunin yung mga pasalubong kila tatay at Sassy.Tamang tamang andun din pala si Sammy ng mga oras na yun."Kaawaan ka ng Dyos anak.Tamang tama lang ang dating nyo at nakaluto na sina Sammy at Sassy ng hapunan natin._Saka naman pumasok na din si GD at saka nagmano din kay tatay.
"Ang mabuti pa,kumain na muna tayo bago mag kwentuhan.
Iba din talaga yung nakakapag solo sa buhay,natututong magluto.
Si Sammy ang nagluto ng ulam natin,Kanina ko pa gustong tikman.
_Tatay.Na tumayo na mula sa sofa at saka dumiretso sa kusina."Ahhmmm,Tay...May sasabihin po sana kami ni GD sa inyo._AKO.
Ramdam ko ang paghawak ni GD sa kamay ko sa ilalim ng mesa. Napatingin din ako kay Sassy at Sammy na tahimik na nag aantay lang din sa sasabihin ko."Aba,mukhang seryoso yata yang sasabihin nyo at parang nag aalangan kayong sabihin?May problema ba ha,Sally...GD?_Tatay.
"Kasi po tay..Kasi po gusto lang po sana naming sabihin sa inyo ni GD na magkasintahan na kami._AKO.Sa wakas nasabi ko din.Saka napa angat ang mukha nila Sassy at Sammy at sabay na tumingin sa amin.
"Tay Caloy,Im sorry po.Hindi po naman namin sinasadya.
At alam ko din po na madami akong hindi sinasabi sa inyo tungkol sa akin pero this time po lahat ng tungkol sa akin at sa family ko sasabihin ko na po._GD.Nagkatinginan kaming dalawa dahil tahimik lang si tatay ng mga oras na yun."Ate,Ate GD...Sa palagay nyo bang dalawa hindi alam ni tatay na may namamagitan sa inyo matagal na?Inaantay lang nya kayong umamin eh.
Pero nuon pa man,palagi na nya kayong nahuhuling sweet na swet sa isa't isa._Sassy.Bahagya akong namula sa hiya."Ibig nyong sabihin ate,Ngayon lang naging officially kayo kaya ngayon nyo lang sinabi sa amin ni tatay ang tungkol sa inyo?_Sammy.
Na hindi ko alam,Aware din pala sa relasyon namin.Ganun ba talaga kami ka transparent ni GD kaya hindi na sila nagtaka at nagulat sa pag amin namin."Sammy,Sassy...Iwan nyo na muna kami ng Ate nyo.May pag uusapan lang kami._Tatay.Sa kauna unahang pagkakataon,Ngayon ko lang nakitaan si tatay ng seryoso ang mukha kaya medyo kinabahan ulit ako.
"Tay Caloy...Sorry po kung hindi kaagad namin naipagtapat sa inyo.Alam ko naman po na kakaiba ang relasyon na meron kami ni Sally,Pero seryoso po talaga ako sa anak nyo._GD.
"Alam nyo mga anak,Hindi na ako nagulat sa ibinalita nyo.matagal ko na din namang napapansin gaya nga ng sabi ni Sassy.Pero iba pa din pala kapag mula na sa inyo nanggaling ang pag amin.Sa ganang sa akin lang,
Inaalala ko din ang mararamdaman ng pamilya ninyo GD lalo na at pamangkin sya ng Yaya Cora mo._Tatay.So hindi ang pagiging pareho namin ang isyu ni tatay,kundi ang nakaraan nila Tiya Cora at Madam CK."Naiintindihan ko po yun Tay Caloy.Alam ko din po na dahil sa amin ni Sally kaya minabuti ni Yaya Cora ang lumayo na lang.Gaya nga po ng sabi ng Daddy,Past is past at kalimutan na ang mga nangyari sa nakaraan.
Sana po,hindi iyun maging hadlang sa pagtanggap nyo sa aming dalawa ni Sally._GD."Sally anak,Ikaw ba ay nakahanda ng humarap at makisama sa mga magiging inlaws mo kung sakali?Bukod sa pagiging amo nyong dalawang magkapatid sa nanay at tatay ni GD,Kinakailangan mo ding pakisamahan sila bilang mga byenan kung sakali?_Tatay.Nakangiti na si tatay habang sinasabi yun kaya nawala na yung kaba ko.Maging si GD ay napangiti na din
"Tatay naman,Byenan kaagad?Hindi pa nga sila nag kakaharap nung si Madam at Boss V ng formal eh!_Sassy.Na nasa likod lang pala namin at nakikinig kasama si Sammy.
"Ang kay tatay lang naman,Iniisip nya din yung mararamdaman ni Ate Sally sakaling magharap harap na sila nila Madam at Boss V.Siguradong tagaktak ang pawis ni Ate kahit na malakas ang aircon sa bahay nila Ate Dane.hahahaha._Sammy.
"Wag po kayong mag alala,Akong bahala kay Sally.Hinding hindi ko sya pababayaan.Tungkol naman kay mommy at daddy,hindi naman siguro sila mangangagat...Nangangalmot lang,pwede.hehehe._GD.Saka sila nagtawanan lahat habang ako naman ay totoong nininerbyos nga sa paghaharap namin ng buong pamilya ni GD.
"Wow naman Sally,Namanhikan na pala si GD sa inyo.Ang saya saya naman.Congrats sa inyo ni GD ha._Dess.Sabay sabay na kami pauwi pero may kaunting chikahan muna bago sumakay ng jeep.
"Hindi naman namanhikan,Nagsabi lang na officially sila na.
Ikaw talaga Dess,Ang advance mo mag isip.Hahahaha._Joyce."Ganun na din yun...Parang pamamanhikan na din.So kelan ka naman officially ipapakilala ng formal ni GD sa family nya?Teka,since kayo na nga pala ni GD,Ayos lang ba sa nanay nya na dito ka nagta trabaho sa mall nila?_Dess.Saka ako biglang nalungkot.Kahit nasabi na sa akin ni GD na okey na ang lahat,Nag aalala pa din ako na baka paalisin ako dito sa mall ng nanay nya kung sakali.
"Hindi ko pa nga din alam eh.Isa pa nga yun sa inaalala ko.Baka after namin mag meet ng family ni GD,magbago na ang lahat.
Kundi ako tanggapin...Malamang paalisin ako sa trabaho.
Kung tanggapin naman ako,baka paalisin din ako sa trabaho diba?
_AKO."Hahahaha.Alam mo Sally ang nega mo.Bakit naman di ka tatanggapin ng pamilya ni GD aber?Bukod sa maganda kana,mabuting tao kapa.
Jackpot na sayo si GD noh.Kapag inayawan ka nun,para silang nagtampo sa bigas.Saka sa palagay mo hahayaan ka lang ni GD na basta i give up?
_Joyce."I AGREE! Totoo namang deserving kang mahalin at magustuhan kahit na taga pagmana sya.Minahal at tinanggap mo ng buong puso si GD kahit hindi mo pa alam ang totoong pagkatao nya before,kaya wala silang masasabi na pera lang ni GD ang nagustuhan mo sa kanya._Dess.
"Sana nga magkatotoo lahat ng sinabi nyo.Sana nga wala ng maging problema sa relasyon namin ni GD.Salamat guys ha,Sa mga nadinig kong magagandang salita mula sa inyo,nabawasan ng bahagya ang takot at pangamba ko._AKO.Kahit nasa gitna kami ng kalsada,nagyakapan kaming tatlong magkakaibigan.Napatingala ako sa langit habang umuusal ng panalangin...Na sana pati ang mga kaibigan ko,makahanap din ng taong tatanggap at magmamahal sa kanila ng tapat gaya ko.

BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
Roman d'amourComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...