Wala akong choice kundi magpa make up sa make up artist ni Sydney.
Kahit ayaw na ayaw ko sanang umattend nitong Grand Anniversary ng CK Mall,wala akong magagawa dahil magagalit sa akin si Mom.At isa pang pinaka hate ko ay ang mag suot ng gown.Kaya naiintindihan ko si TOP kung bakit mamaya pa sya dadating dito sa venue."Hey,Andun sa labas sila Sally.They all look stunning sa mga suot nilang gown.Sabagay,with or without make up naman talaga...Lahat sila,Panalo eh._Terry.Salubong sa nya sa akin pagpasok nya dito sa dressing room.
Kami lang ang andito at saka yung make up artist."Pagpasok,yan kaagad ang bungad?hahahha.Di ka naman masyadong obvious na lesbyana noh?_AKO.Saka ako tumingin sa make up artist at ngumiti.Kabisado na ako nung make up artist ni Sydney,Aware sya na lesbian ako.Dahil madalas sya ang nagmi make up sa akin kapag may okasyon sa family,alam nya na kung anong ayos ang gusto ko.
"Sira,Seryoso nga ako oh!Look at me,mukha ba kong joker?Ikaw na mismo ang humusga.Silipin mo lang mamaya sa likod._Terry.Saka nag retouch na din at umupo sa tabi ko.
"Isa pa nga yan sa inaalala ko.Ayokong makita ako ni Sally sa ganitong sitwasyon.Baka mamuhi na talaga yun sa akin sa sobrang pagsisinungaling ko.Kaya nga ayoko na sanang magpakita eh._AKO.Hindi ko nga alam kung papano ko sya haharapin kapag nagkasalubong kami mamaya.
"Well,Sa palagay ko naman safe kapa din.Basta wag ka na munang lalabas kaagad.Kasi maaga sila uuwing magkakaibigan kaya pwedeng hindi na kayo magkausap kaagad kung sakali man._Terry.Tumayo at nagpagpag ng gown nya.
"Uuwi din sila kaagad,Bakit naman daw?May problema ba sa kanila?_Ako.
Bigla naman akong nag alala kay Sally bigla.Baka may nangyari sa kanila."Problema ka agad?hahhaha.Relax ka lang,walang nangyaring masama.
May aattendan pa daw kasing reunion si Dess,tapos si Joyce naman magbabantay pa sa mother nya sa hospital kaya pati si Sally uuwi na lang din agad since wala syang kasama._Terry.Saka ako nakahinga ng maluwag.Sana nga hindi kami magkita ni Sally.Mas magandang ako na mismo ang magtapat sa kanya ng totoo kong pagkatao bago pa sya ang makatuklas nito."Mabuti naman kung ganun.Sana nga nakauwi na sila bago ako palabasin nila mom.Btw,Asan na daw pala si TOP?_AKO.
Tapos na kong ayusan kaya lumabas na yung make up artist."Hindi pa tumatawag eh.Im sure nasa ibang kandungan na naman yun ngayon.Hahahha.Teka nga muna,lalabas ako.Check ko na din yung mga models ko.Baka magalit si Tita CK sa akin kapag hindi maganda yung performance nila._Terry.Saka ako iniwan mag isa sa loob ng dressing room.
Maya maya pa,kinatok na ko ng staff ni mommy.Pinapatawag na daw ako ng Mom.Agad naman akong kinabahan,baka nasa labas pa sila Sally.Agad kong tinawagan si Terry para makasigurado.
"Pwede ka ng lumabas,kanina pa daw umalis sabi nung mga katrabaho nila.May sumundo daw kasi na kaklase ni Dess kaya nagmamadali ng bumaba._Terry.Saka ako tumingin sa salamin at lumabas na sa room.
Maliwanag sa loob ng venue.Kitang kita ang lahat ng mga nasa harapan.
Kung andito sila Sally,malamang wala na akong kawala.
Nakangiti akong sinalubong ng ilan sa mga staff ni Mom.Sila yung mga staff ni mom na palaging nakadikit sa kanya palagi para magpalakas."Your so gorgeous Dane,Kamukhang kamukha mo si Madam!_Mrs.Deluna.
Numero unong nakadikit kay mommy.Palagi syang may mga baon na tsismis kay mom tungkol sa mga empleyado."Thanks po._Tipid na sagot ko.Saka ko sya inunahan sa paglalakad.
At saka ako tumabi kay Daddy sa upuan.Dun kasi ako pinatatabi nung host kay mommy pero mas pinili kong kay daddy tumabi.Si Sydney na lang ang tumabi sa kanya."Dane,Bakit ang tagal mo naman lumabas.Kanina pa hanap sayo ng hanap ang mommy mo.Ipakikilala ka daw nya sa mga tauhan nya._Dad.
Na halatang inip na inip na din pero ayaw lang masita ng mommy kaya hindi pa maka alis alis."Okey lang naman yun dad,Kahit hindi naman na ipakilala.Sa laki ng family picture natin dito sa screen siguradong alam na nila ang itsura ko.
_AKO.Sa sobrang laki kasi nitong venue,hindi na kami halos matanaw nung mga nasa dulo ng stadium kaya may malaking screen sa harapan."Dane,Iba pa din yung nakikilala ka nila sa malapitan.Malay mo,One of this day ikaw naman ang isabak ni mommy dito sa Mall.Maganda na yung kilala ka na nila bilang taga pagmana._Symon.Ito na naman kami,Talagang pinu push nya na dito ako sa CK mall nababagay at hindi sa airline.
"Andyan naman si Sydney,Kayang kaya nya na yan.Wala akong balak makigulo sa kanila.At saka hindi ko trip mag stay sa mall.Nakaka boring._AKO.Mas trip ko kasing inisin sya dahil sa nakikita kong pilit nyang pagtataboy sa akin sa VAL.
Sumenyas sa akin si Terry na nandyan na daw si TOP.Saka ako napalingon sa inginuso nya.Kausap nga si TOP ni mommy.Napataas ang kilay ko sa suot nyang suit.Hindi sya nag gown,pero naka tux sya.Saka kami nang ngisian ni Terry.Agad naman akong napansin ni Top kaya nagpaalam na sya kay mommy at lumapit sa akin.Humalik muna sya kay Dad na nakikipag usap naman sa Daddy ni Terry.
"Hello po Tito Mandy,Tito Leon._TOP.Pareho nyang bineso sila dad and Tito Leon.
"TOP,How are you iha?Asan ang mommy at daddy mo?_Daddy.
Umupo naman si TOP sa tabi ko."Padating na po siguro.Kakagaling lang po kasi namin ng Cebu tapos nagbihis lang agad at dumiretso na dito._TOP.Saka ako tumingin sa kanya.Bakit sila galing ng Cebu? Anong meron?
Maya maya pa,dumating na din ang mommy at daddy ni TOP kaya sila sila na ang nagsipagkwentuhan.Saka kami puwesto nila Terry at TOP sa isang mesa na pang tatluhan.
"Galing kayo ng Cebu TOP,Anong meron bakit biglaan yata?_Terry.
Sumenyas sa waiter na abutan kami ng wine."Si Yaya Linda kasi,Bigla daw inatake kagabi sabi nung anak nya.
Kaya nagpa book ka agad si Mom and dad ng flight para tignan ang lagay nya.Sabi ko sasama din ako,kaya ngayon lang kami halos nakauwi._TOP.
Kaya naman pala matamlay sya pagdating pa lang."So,Kamusta naman si Yaya Linda?Hindi naman ba malala,I mean sana dinala nyo na lang dito sa Manila para mas maalagaan sya?_Terry.
May hospital naman kasi sila kaya mas madali ang pagpapa transfer kung sakali."Naagapan naman agad.Hindi naman nauwi sa stroke.Kinabahan lang masyado yung anak nya kaya napatawag kay mom.Si mom din naman kasi sobrang nag alala kaya agad kaming sumugod sa Cebu ng mabilisan.
_TOP.Kahit okey naman pala ang yaya nya,parang may lungkot pa din sa mata ni TOP."Top,Dont worry.Magiging okey din si Yaya Linda.Pag pray natin sya okey?Cheer up na.Daming magagandang chicks sa tabi tabi oh!_Terry.
Alam namin kung ganu ka espesyal ang yaya Linda ni TOP sa kanya,gaya din ng kung gaano kahalaga sa amin ni Terry ang yaya namin.
Pati tuloy ako biglang nalungkot ng maalala si Yaya Cora,lalo pa at malapit na din syang magpaalam sa amin para mangibang bansa.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...