Kung merong pinaka magaling na pretender sa mundo,siguradong ako na yun.Ang galing ko magpanggap na wala akong nararamdaman sa mga oras na ito habang umiiyak na nakayakap sa akin si Sally.Gusto ko man syang ikulong na ng panghabambuhay sa mga bisig ko,Pero kinakailangan kong maging matatag at hindi magpakita ng kahinaan sa mga oras na ito.Madami pa akong kailangang gawin bago ko sabihin sa kanya ang laman ng puso ko.
"Sally,Don't cry please...Madaming taong nakatingin.Baka kung anong isipin nila.Mabuti pa,pumasok kana sa loob at ng makapagpahinga kana.
_AKO.Kailangan ko syang pigilan sa emotion nya para hindi kami parehong mahirapan.NOT NOW...Agad naman syang tumakbo papasok sa loob ng bahay na hindi lumingon sa akin.Alam ko,nasasaktan sya sa mga sinasabi at ginagawa ko pero kailangan.
●●●●●
"Pinadala ka ba dito ng tatay mo para magmanman sa grupo ko?_Ninong Manuel.This time,Nagkaharap din kami sa wakas.
"Ninong,Im sorry.You know naman my dad,Kapag sya ang nag utos hindi ako pwedeng humindi alam mo yan._AKO.Nasa opisina nya ako.Kita dito ang mga tao nya sa labas na nakatingin lahat sa akin.Hindi nila dinig ang pag uusap namin kaya malamang nasa isip nila na pinagagalitan ako ni Pres.
"Yes I know your dad,At kilala din kita.Kilala kitang matigas ang ulo lalo na kapag ayaw mo sa pinagagawa sayo._Ninong.Saka ako napatingin sa kanya.
"What do you mean ninong?Hindi kita maintindihan._AKO.Saka sya sumenyas sa akin na maupo ako.
"Wag kang magpahalata sa labas na magkakilala tayo,Iwasan mo din ang pagtawag sa akin ng ninong.Hindi makabubuti sayo na malaman nila kung sino ka at kanino kang anak.Baka hindi mo magustuhan ang mga sasabihin sayo ng mga tao._Ninong.Saka ko naintindahan ang gusto nyang tukuyin.
"Yes Ninong...I mean Pres pala.Sa apat na buwan ko dito,alam kong hindi pa yun sapat para maintindihan ko kung ano ba talaga ang pinaglalaban ng unyon nyo.Pero hayaan nyo akong makatulong kung kinakailangan para sa mga kasamahan ko dito sa kumpanya._AKO.
"Ano naman ang pwedeng maitulong ng isang karaniwang errand girl sa mga empleyadong gutom ha DANE?Its easy to you to say that kasi never mong naranasan magutom.Kayo ng pamilya mo at ng lahat ng nasa mataas posisyon dito sa kumpanya.Kaya kahit kelan,hindi nyo malalaman ang daing naming mga nasa ibaba._Ninong.
"Yeah,I understand your sentiments.Alam ko,Wala nga akong karapatan para manghimasok sa kung ano mang isyu meron between you and my dad.
Pero anong malay natin Sir,What if...ang isang kagaya kong TINATAWAG NA WALANG SAPAT NA KAKAYAHAN PA PALA ANG MAGBIGAY DAAN para sa PAGBABAGO sa pamamalakad nitong kumpanya?_AKO."Kung gusto mong may magawa ka para sa mga kagaya kong nasa ibaba...
Pag aralan mo ang pamamahala dito sa kumpanya nyo.Wag mong hayaang mapunta sa wala lang lahat ng pinag hirapan ng ama mo at "IBA ANG MAKINABANG"..._Ninong.Saka ako napaisip sa huling sinabi nya.
Anong ibig nyang sabihin sa may ibang makinabang sa kumpanya?"Miss Dane Chua...May tawag ka from the main office._Mrs.Castro.
Kasamahan ko sa opisina.Sya ang secretary ng manager namin dito na si Sir Amado."Thank you po Ma'm._AKO.Agad kong sinagot ang tawag at saka ko nalaman na mula pala sa opisina ni dad ang tawag at pina aakyat ako sa taas bago umuwi.
From second floor up to the Fifth floor,agad akong pumasok sa opisina ni Daddy.Nadatnan ko duon si Ninong,si Tito Ronnie at si Tito Joeven na magkakatabi sa isang bilog na mesa.
"Napaka ganda talaga nitong si Dane ano?Kung may anak lang ako na lalaki,malamang itinulak ko na para dito eh._Tito Ronnie.Puro babae kasi ang mga anak nya.
"Hahahha.As if naman magugustuhan yun ni Dane.Mataas ang taste ng inaanak ko,hindi yan magpapatali sa kung sino sino lang._Ninong.
Saka humigop sa tasa nya."Tama.Kahit pa nga tagapagmana ng shippinglines hindi umubra sa panlasa ni Dane,anak mo pa kaya.hahaha._Tito Joeven.Saka sila nagtawanan lahat.Sa totoo lang kasi,parang goons ang itsura ni tito Ronnie,Kaya pati mga anak nya mukha ding mga boxer ang itsura.
"Kayo talaga,basta nagsama sama...Puro kalokohan.Andito tayo hindi para pag usapan ang lovelife ng bunso ko,kundi yung tungkol sa proposal na hinihiling nya._Daddy.Napatingin ako sa kanya.Tama ba ang nadinig ko,
Ikinunsidera din ni Dad ang ihinain kong petition?"Kung ganun,bumalik tayo sa totoong isyu.Para mas maliwanag ang usapan dapat ipaliwanag ng husto kay DANE na hindi ganun kadali at kasimple ang hinihiling nya.Kahit ikaw MANUEL,alam mong hundi yun ganun kasimple para mangyari._Tito Joeven.Sya ang taga pamahala sa lahat ng usaping legal sa kumpanya.
"That's absolutely right!Kaya nuon pa man,hindi na ako sang ayon sa sinasabi nyong pagpapatupad ng batas na yan para sa pag implement ng regularization para sa mga contractual na yan._Tito Ronnie.
"Nadinig mo naman Dane,dalawa na sila kaagad na tutol sa pagpapatupad sa hinahain mong pagbabago.Tapos idagdag mo pa yung kapatid mo na si Symon at yung biyenan nyang hilaw na si Mondragon._Ninong.Saka sya tumingin kay Dad na tamang nakikinig lang sa amin.
"You mean,Yung dad ni Sabrina is here?Dito din sya nagta trabaho?_AKO.
Saka ako napatingin kay dad,Wala akong idea na kasosyo ni dad ang tatay ni Sab."Yeah,Matagal na sya dito sa kumpanya.Magtatatlong taon na siguro to be exact.Ipinasok sya ng kapatid mo,Then later on na promote sya as board of director._Ninong.
"Teka,Bakit naman napunta kay Mondragon ang usapan?At saka hindi kami nagkakampihan dito para lang sa patas na pag uusap.Nagkataon lang na pare pareho kami na mas pinahahalagahan ang kumpanya kaysa sa mga mang gagawa._Tito Ronnie.
"Pero parte ng kumpanya ang mga mang gagawa Tito.Without them,Wala din ang kumpanya.Papano tatakbo ang eroplano kung walang manggagawa?Papano lilipad ang eroplano kung walang piloto at mga engineers?_AKO.
"Iha,Kung walang sapat na pondo ang mga nasa itaas balewala din lahat ng mga paswelduhang empleyado na yan.Kaya mas mahalaga ang boses ng nakapwesto sa mas mataas na posisyon kaysa maliliit na empleyado lang._Tito Joeven.
"Kung naliliitan sila sa pasweldo ng kumpanya,pwede naman silang umalis.Madami pa dyang mas nangangailangan ng trabaho kaya hindi sila dapat magmalaki._Tito Ronnie.
"Kaya nga ba ayoko sanang umakyat dito sa itaas.Alam ko namang ganyang senaryo pa din ang makikita at maririnig ko.Sarado ang isip at puso sa mga maralitang kagaya ko.Ipinagpapasalamat ko din talaga na naging ganito ang naging buhay ko...Atlis sigurado ako na TOTOONG MGA TAO ANG NAKAKASALAMUHA KO AT HINDI ANG MGA TAONG SUMASAMBA SA SALAPI.
_Ninong.Saka sya tumayo na at lumabas sa opisina ni Dad."Saka na lang ulit tayo mag usap.Iwanan nyo na lang muna kami ng anak ko._Daddy.Saka naman lumabas na din sila Tito Ronnie at Tito Joeven sa office ni Dad.
Isang brown envelop na makapal ang inabot sa akin ni Daddy.Binuksan ko ang laman ng envelop at tumambad sa akin ang mga larawan at mga dokumento mula sa loob nito.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
Storie d'amoreComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...