Hindi ko alam kung anong bumabagabag kay Joyce at simula umaga pa lang ay hindi na sya makausap.Kahit kami ni Dess angnkasama nya habang kumakain,Parang wala sya sa sarili nya at di nagalaw yung pagkain nya.Kaya naman hanggang sa mag uwian,Wala kaming nadinig na kahit ano sa kanya.
"Ano na naman kaya ang nangyari sa nanay ni Joyce at parang lutang na naman sya mula pagdating nya?_Dess.Nauna ng nakasakay si Joyce at kami na lang ni Dess ang naiwan dito sa hintayan ng jeep.
Maya maya pa,natanaw ko si GD na papalapit na sa amin ni Dess.
Nakangiti sya na kumaway pa sa akin pagka kita nya sa aming dalawa."Aysus,Kaya naman pala ayaw pang sumakay kaagad.May sundo pala!
Ang daya nyo ha,may date kayo na di kayo nagsasabi sa akin ha._Dess.
Saka ako kinurot ni Dess ng palihim.Natawa naman kami ni GD sa biro nya"Date ka dyan.Hindi noh! Sira ka talaga.At saka kasama ka naman kaya wag ka ng mainggit._AKO.Saka ko sya hinawakan sa kamay at sabay sabay kaming naglakad na papunta sa parking lot kung saan naka abang si TOP.
"Aba,Anong drama at andito yang panget na yan?Don't tel me may pa blowout na naman si Cashier?_Dess.Binuksan ni TOP yung pinto ng kotse sa harap nya para dun sumakay si Dess.Kami naman ni GD dun sa likod.
"Maka panget ka naman,Feeling mo ang ganda mo?hahahahh.Sumakay kana kung ayaw mong maiwan.Pakipot kapa!_TOP.Ganun sila ka sweet mag usap.Palaging akala mo nag aaway.
"Hahahha.Kayo talagang dalawa talaga.Yung mga ganyang galit galitan ang peg,sila pa yung madaling maka miss sa isa't isa.Kung ako sa inyo mag behave na kayo parehas hanggang maaga pa._GD.Hindi ko alam kung na gegets yun nila Des at TOP pero totoo yun.Mas nakakamiss ang isang tao kapag hindi ka na nya kinukulit at inaasar.Mas mahirap syang makalimutan.
"As if naman mamimiss ko yang panget na yan noh!Surang sura nga ko sa itsura nyan.Kung naglilihi lang ako,never ko syang lilingunin man lang.Baka maging kamukha nya pa ang magigng anak ko._Dess.
"Hahahhaa.Ang swerte ng anak mo kung ako ang kamukha!Alam mo bang campus crush ako nung nag aaral pa ako?Kahit sa Canada,Ang dami kong manliligaw.Gandang ganda kaya sila sa beauty ko!_TOP.Naniniwala naman ako na maganda talaga si TOP gaya ni GD.
"Ang kapal!hahahaha.Paki hinto nga itong sasakyan mong bulok at bababa ako.Lakas ng aircon eh!_Dess.Natatawa na lang kami sa kanilang dalawa ni GD.
"San nga pala tayo pupunta GD?Ang sabi mo lang sa akin isama ko sila Joyce at Dess.Nauna ng nakauwi si Joyce eh,hindi maganda ang mood mula pa kaninang pag dating kaya hindi ko na niyaya._AKO. Nag uusap kami ni GD sa likuran ng magkaharapan lang.Nakatitig ako sa maliit at maganda nyang mukha.Yung mukha na palaging laman ng isip ko sa araw araw.
"It's okey,Naiintindihan ko.Actually,Birthday kasi TOP ngayon and naisip nyang bakit daw hindi tayo lahat mag dinner together para maiba naman daw.Pero hindi din nga pwede si Terry kaya tayo lang apat ang magkakasama._GD.Mas lumapit pa sya sa akin at saka humawak sa kamay ko.Ewan ko ba,Bakit ganito ang pakiramdam ko kapag magkatabi kami ni GD,Oo nga at pareho naman kaming babae pero ibang iba ang pakiramdam ko kapag magkasama kami.Para kaming may relasyon na wala naman.
"Birthday mo pala,Di mo naman sinabi kaagad para di kita inaway.Wala man lang kaming dalang regalo._Dess.Nagsimula na naman silang mag ingay dalawa.
"Ayos lang,Ganyan ka naman eh.Kahit birthday ko o hindi palagi mo kong kinokontra.Kaya nga WITCH ang tawag ko sayo eh...Ikaw ang bruha sa buhay ko!hahahahha._TOP.Masaya kaming nagtatawanan sa loob ng kotse ni TOP hanggang sa huminto kami sa isang mamahalin at class na hotel.
"Bakit naman dito tayo dinala ni TOP,Pang mayamang hotel ito ah.
Nakakahiya naman na ganito lang ang mga suot natin._AKO.Mahinang bulong ko kay GD.Kinabig nya naman ako papalapit sa kanya at saka hinalikan sa tuktok ng buhok ko.Medyo nailang ako dahil baka may ibang makakita sa amin.Nasa unahan namin sila Dess at TOP kaya hindi naman nila kami mapapansin."Don't worry guys,Costumer ko kasi sa Happybee yung manager dito kaya malaki ang discount ko.Wag kayong mahihiya mag order kahit na ano._TOP.Nasa pang apatan na mesa kami nakapwesto.
Malaki ang kainan.Pang mayaman ang ambience at kita sa bintanang salamin ang labas ng hotel na mga ilaw at mga naglalakihang mga building.
"Gusto daw kasi ma experience ni TOP yung makakakain ng pang mayayamang pagkain ngayong birthday nya kaya dito nya tayo dinala.
Order na kayo,50% discount naman daw sya sa pagkain sabi nung manager eh.hahahaha._GD.Magkahawak ang mga kamay naming dalawa ni GD sa ilalim ng mesa."Ay iba din,May pa discount si mayor.Hahahaha.Dahil first time lang nating lahat kumain sa pang mayamang hotel,dapat may paselfie._Dess.
Kaya naman agad kaming nag pose at saka nagpicture picture na parang mga teenagers.Maya maya pa ay hinatid na sa mesa namin ang mga inorder na pagkain.
Halos malula ako sa dami ng mga inorder nilang dalawa ni TOP.
At saka may cake na may kandilang nakasindi para daw sa birthday celebrant.Kumanta muna kaming apat at saka kami nagsimula ng kumain."At para sa mas masayang celebration,Meron tayong wine na nakahanda.
_TOP.Saka naman lalong natuwa si Dess,Mahilig syang tumikim ng wine at cocktail drinks sa mga bar pero madali din naman syang malasing."Okey lang naman kung sakaling malasing kayo,Ihahatid naman namin kayo ni GD eh.Wag natin sayangin ang masayang araw na ito,Bawal ang KJ,dapat mag enjoy lang tayo lahat okey?_TOP.Isa isa nya kaming sinalinan ng wine sa mga baso namin.
"Excuse me po Boss Top,May tawag po kayo sandali sa telepono_Waiter.
Saka naman tumayo si TOP at sumunod sa waiter.Parang kilalang kilala na si TOP dito dahil pati sa fone may kumakausap sa kanya."Hindi lang discounted sa food,May pa tawag tawag pa.hahahaha.
Iba din si Birthday girl talaga eh._Dess.Na naka dalawang shot na ng wine kaya medyo may tama na."Im sorry guys,Si Terry pala yung tumawag.Pasensya na daw hindi na sya makakasunod.Pero nagsabi na sya na daw bahala magbabayad ng kahati ng bill natin._TOP.
"Ang bait talaga ni Terry anoh?Masyado syang mapagbigay sa lahat.
Hindi man sya nakarating,Hindi pa din nya nakakalimutang mag share.
Alam nyo,swerte ng magiging boyfriend nun siguradong alagang alaga.
_Dess.Generous din naman kami ni GD,hindi lang halata.hahahha.
Pero totoo yan,Nature na talaga ni Terry ang pagiging bukas palad sa mga tao lalo na sa mga mahal nya.Kaya nga she deserves to be loved at hindi para ipagtabuyan ng ganun ganun lang._TOP.Hindi ko masyadong naintindihan kung ano ang ibig sabihin ni Top sa sinabi nya pero tama naman sya na deserving talaga si TERRY para mahalin.
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...