Isang malakas na tili ang nagpa gising sa akin.Agad akong nagtakip ng unan sa mukha ng makita ko si Katarina sa loob ng kwarto ko at tinatawag ang pangalan ko.Sa laki naman kasi ng bahay namin,kahit kasi magsisigaw ka,walang makakarinig sayo sa labas.
"Daaaaaaaneeeee!Waaaakkkeeeee uppppp,You sleeppy heeeead!
Tanghali naaaaa!!!_Katarina.Na hindi pa nasiyahan sa pag sigaw sa akin at tumalon talon pa sa kama ko."Daaaamn it Terry!Will you stop pestering me.Ang aga aga mo mambulabog ah!_AKO.Agad akong bumangon at dumiretso sa banyo.
"Heeeey dude.Akala mo naman kung maka asta ka dyan napuyat ka sa pagtatrabaho kagabi.Maghapon ka lang naman nakahilata dito sa kama mo,Aba'y baka naman magka bedsore kana nyan!hahahaha._Terry.
"Kahit kelan talaga istorbo ka eh! Nasa kasarapan pa ako ng tulog,bakit kaba andito.Ang aga aga pa ah!_AKO.RK din si Katarina like me,pero mas gusto nyang magtrabaho sa ibang kumpanya kaysa sa kumpanya nila.
Sa ngayon,sa isang advertising company sya nagwowork."RD ko today kaya gusto kong samahan mo kong magshopping.May mga bagong labas na daw kasi ng limited edition ng Gucci bags and apparrel sa mall nyo sabi ni Tita CK kaya isasama kita para may malaking discount ako pag namili ako._Terry.Mahilig kasi syang mamili ng mga discounted item.
Katwiran kasi nya,sayang naman daw yung discount at freebies.In short kuripot sya."Kahit naman hindi ako sumama sayo,mabibigyan kapa din naman ng discount sa mall dahil VIP holder ka.Saka sino naman ang nagsabi sayo na sasama ako aber?Kung sa sarili ko nga,hindi ako namimili ng mga damit sayo pa kaya?_AKO.Bumalik ako sa paghiga after kong mag brush ng ngipin.
"GD namaaaan.Pleasssse samahan mo na ko.Ang boring naman kung mag isa lang akong maglalakad sa mall.Saka isa pa,Wala ka din namang gagawin dito sa kwarto mo maghapon kundi humiga at magbasa lang.
Mas okey din yung paminsan minsan maglakad lakad ka._Terry.Hinila akong patayo at itinulak sa banyo."Okey lang naman sana maglakad lakad,nagja jogg naman ako tuwing hapon noh.Kaya lang,sa mall moko paglalakarin?Terry naman...Alam mong ayokong na i expose sa madaming tao!_AKO.Sa totoo lang,never pa akong nakapasok sa mga mall na pagmamay ari ng mom or sa kahit na anong mall dito sa bansa.Sa ibang bansa lang kasi ako madalas nakakapasok ng mall at saka inoorder ko lang sa online shopping lahat ng damit at sapatos na gusto ko.
"Oo na,Ikaw na RK!Hindi ka nga pala nagsa shopping dito sa Manila...Pero hindi ba mas okey yun,walang nakakakilala sayo na anak ka ni Madam CK. Kapag nag mall tayo,karaniwang costumer ka lang.Mas cool yun diba?Kaya maligo kana para maka alis na tayo okey?_Terry
Nagsimula na akong maligo habang si Terry naman,nagsimula ng mag browse sa fone nya ng mga items na gusto nyang bilhin mamaya sa mall.
Nakisakay nalang ako sa kotse nya para hindi na ako magdala pa ng sariling sasakyan.Agaw pansin naman kasi ang mga kotse ko sa daan kapag nagda drive ako.Hindi kasi ako bumibili ng locally made na kotse lang.Lahat ng kotse ko,mula sa ibang bansa.
"Sasamahan kita sa pagsa shopping mo ha,pero ikaw ang magbabayad sa kakainin natin later.Kilala kita sa kakuriputan mo,baka dalhin mo lang ako sa fastfood._AKO.Kuripot si Dess pag ako ang kasama.Pero sa iba,mapagbigay sya.
"Ano namang masama sa fastfood?Mura nga dun at masarap naman yung chicken joy nila ah!_Terry.Sya ang nagda drive sa kotse nya.Like me,ayaw nya din na may driver at bodyguard na kasama.
"Hoy Katarina,sumusobra kana ha!Sa Terry's grill ko gustong kumain mamaya!Bakit ba napaka kuripot mo ha...Aanhin mo ba yang pera mo,masyado ka namang matipid.May pinag iipunan kaba?_AKO.Ang alam ko,meron syang charity na tinutulungan.
Nag iisang anak si Katarina Guillermo or Terry.Ang parents nya ang may ari ng lahat ng branches ng TERRY'S GRILL Restaurant sa buong Pilipinas na eventually sa kanya din naman mapupunta balang araw.Pero mas gusto nyang magtrabaho bilang karaniwang empleyado lang kaysa pag aralan ang negosyo ng pamilya nya.
"Mahirap kumita ng pera noh!Madalas nga akong mag overtime para matuloy na yung promotion ko bilang assistant head eh.Malaki din ang dagdag na sweldo kapag natuloy.May pinag iipunan kasi ako._Terry.
"Seriously,May pinag iipuna ka nga talaga?At ano naman yun?Dont tell me nag iipon ka ng pampagawa ng sarili mong bahay?hahahah.Mag aasawa kana?_AKO.
"Well,Parang ganun na nga.Gusto kong makapagpatayo ng dream house ko.Tapos dun kami titira ng magiging better half ko kung sakali.Gusto ko na sa sariling dugo at pawis ko mang gagaling yung gagastusin ko para makapagpatayo ng bahay para sa magiging pamilya ko._Terry.Napalingon ako sa kanya,Hindi ko akalain na may ganun pala syang dream.Kung tutuusin kasi,sa yaman ng pamilya nya,kayang kaya nyang magpatayo at bumili ng kahit ilang mansyon pa ng hindi nya na kailangan pang pag ipunan.
"Woooow!Ikaw ba yan Miss Katarina Guillermo?Ang lalim nun ah...Alam mo bibilib na sana ako dyan sa adhikain mo eh,Pero bakit naman naisip mong ikaw ang magpapatayo ng sariling bahay para sa pamilya mo considering na ikaw ang babae.Hindi ba dapat yung guy ang gagawa nun para sa magiging pamilya nyo kung sakali?Don't tell me,mahirap na guy ang bet mong maging asawa kaya ganyan ang iniisip mo?_AKO.
"Hindi natin masasabi,Ayokong magsalita ng tapos.Kung sakali namang mahirap man ang mapangasawa ko,basta ba mahal ko sya at mahal nya ako,wala namang problema yun sa akin.Ang mahalaga,maging masaya lang kami._Terry.Like me,bibihira din kasi silang magkasama sama ng parents nya dahil busy sila parehas sa negosyo.
"Hey!Humuhugot ka masyado ah.hhahhaha.Seryoso naman natin masyado.Masyado pang maaga para isipin yang pag aasawa.I enjoy na muna natin ang life habang bata pa.Saka na yang asa asawa na yan!_AKO
"Papano kapag malaman na ng parents mo na pusong lalaki ka,then what if pilitin ka ng parents mo na ipakasal sa taong hindi mo mahal para lang hindi ka matuluyan sa pagiging lesbian mo,anong gagawin mo?_Terry.
Saglit akong natigilan.Hindi pa kasi sumagi sa isip ko ang mga ganung bagay.At hindi ko din maimagine kung anong gagawin ko kung sakaling mangyari na yun sa hinaharap."Ano kaba,Sympre hindi naman nila malalaman yun.Unless ikaw ang magsabi sa kanila.Saka imposible namang mangyari na ipakasal nila ako sa taong di ko gusto,sympre alam nilang hindi ko yun papayag sa ganung set up._AKO.Malapit na kami sa mall kaya nagtanggal na ako ng seatbelt
"Kaya nga ayokong umasa lang mula sa pera ng mga magulang ko.Kasi ayokong diktahan nila ako pagdating ng araw sa magiging buhay ko.
Alam naman nating pareho na may tendency na sila ang mag maniobra sa atin pagdating ng panahon,lalo kana...Baka isang araw magising ka na lang sa balitang ikakasal kana._Terry.Saka sya unang bumaba mula sa sasakyan at saka ako sumunod sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/133176161-288-k939608.jpg)
BINABASA MO ANG
"THE LAZY BILLIONAIRE" [LESBIAN ROMANCE] GD and SALLY
RomanceComing from the famous clan of "THE VILLAREAL"group...Ang pamilya ng aking ama.Ang VAL o ang Villareal Airlines ang isa sa pinaka matatag na kumpanyang paliparang nangunguna dito sa bansa. Samantalang ang pamilya naman ng aking ina ang nag mamay ar...